29.9 C
Manila
Friday, May 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 4, 2024

DAGA (RAT)

Maiiba ang linyang kahihiligan mo ngayon. Mas higit itong magbibigay sa’yo ng excitement at mas maeexercise hindi lang ang iyong katawan kundi maging ang iyong utak. Kaya naman kawiwilihan mo ito ng husto.

Masuwerteng numero; 12,28,29,30

BAKA (OX)

Hindi mawawala ang pokus mo sa trabaho ngayon. Kahit pa may tao na pilit kukunin ang atensyon mo ay mananatiling nakatuon sa iyong ginagawa ang isip mo. Goal mo kasi na magawa ng maayos ang trabaho mo.

Masuwerteng numero; 11.16,19,32

TIGRE (TIGRE)

Kailanman ay hindi ka masasanay sa hindi maging attitude ng isa sa iyong mga kamag-anak. Sa araw na ito ay mapipikon ka ng husto sa kanya kaya makakapagbitaw ka ng maaanghang na salitang magpapa-stress sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,10,11,20

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng inggit sa iyong kapatid dahil sa magandang katayuan niya sa buhay na malayo sa estado ng buhay mo. Gayunpaman ay hanggang doon lamang ang iyong inggit dahil mas gusto mo pa ring maging masaya para sa kanya.

Masuwerteng numero; 30,33,45,56

DRAGON (DRAGON)

Sasama ang loob mo sa iyong karelasyon pero pilit mo pa rin siyang uunawain sa magiging aksyon niya. May kinalaman ito sa magkaiba ninyong prayoridad sa buhay na siyang palagi ninyong hindi pinagkakasunduan.

Masuwerteng numero; 38,42,54,60

AHAS (SNAKE)

Magbabalik sa buhay mo ang isang tao na dating nanakit sa damdamin mo. Hindi ka handa sa kanyang pagbabalik kaya naman hindi mo alam kung anong dapat mong maramdaman o maging kilos sa harapan niya.

Masuwerteng numero; 29,33,32,49

KABAYO (HORSE)

Isang mabigat na problema ang maiiwasan mo ngayon dahil sa biglaang pagdedesisyon na iyong gagawin. Ikakatuwa mo ito dahil alam mo sa sarili na hindi mo kakayanin ang mabibigat na problemang gaya nito.

Masuwerteng numero; 15,17,22,31

TUPA (SHEEP)

Kailangan mo pang habaan ang iyong pisi sa mga taong pilit na sinisira ang iyong reputasyon. Kung papatulan mo sila ngayon ay alam mo na kung ano ang aanihin mo sa kinabukasan o sa pagdating ng araw.

Masuwerteng numero; 10,12,13,24

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang magiging takbo ng negosyo mo sa araw na ito. Hindi mo pa ito mararamdaman sa simula ng umaga subalit bago sumapit ang gabi ay saka darating ang suwerte na hinihintay mo na kaakibat ng negosyo.

Masuwerteng numero; 4,6,8,19

TANDANG (ROOSTER)

Sa araw na ito ay masasaktan mo ang mga taong nagmamahal sa’yo. Makakagawa ka kasi ng isang bagay na ikasasama ng loob nila. Sa ayaw mo man at sa gusto ay mangyayari ito na makakasira ng buong maghapon mo.

Masuwerteng numero; 50,51,60,68

ASO (DOG)

Sasama ang iyong pakiramdam sa araw na ito. Mag-ingat sa mga pagkain na hindi nakasanayan ng iyong tiyan. Yung pagkain na bago sa iyong panlasa. Ugaliin na maging mapanuri at maingat sa lahat ng mga kinakain.

Masuwerteng numero; 1,3,20,22

BABOY (PIG)

Magiging mabagal ang takbo ng bawat oras para sa’yo sa araw na ito dahil sa taong hihintayin mong dumating. Subalit mabibigo ka lang dahil ni anino niya ay hindi mo makikita ngayon. Hindi mo maiiwasan na hindi maging malungkot.

Masuwerteng numero; 1,11,13,14

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.