28.7 C
Manila
Friday, July 12, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 9, 2024

DAGA (RAT)

Hindi ka makakapaniwala pero sunud-sunod ang mga blessings na matatanggap mo simula sa araw na ito. Ang iba ay maliit lang pero meron ding malaki. Gantimpala ito sa’yo ng langit dahil sa kabutihang palagi mong ipinapamalas.

Masuwerteng numero; 10,15,20,24

BAKA (OX)

Kung meron ka mang kahilingan na matutupad ngayong araw, ito ay ang makasama mo ang tao na labis mong hinahangaan. Sa ilang oras lamang ninyong pag-uusap ay marami ka ng matututunan mula sa kanyang mga ideya.

Masuwerteng numero; 8,19,33,35

TIGRE (TIGER)

Hindi ikaw ang magpapasya para sa isang kumplikadong sitwasyon sa trabaho. Subalit malaki ang maitutulong mo para makaisip ng magandang solusyon ang nakatataas sa iyong posisyon at ipagpapasalamat niya ito sa’yo.

Masuwerteng numero; 50,56,58,61

KUNEHO (RABBIT)

Maganda ang ideyang papasok sa isip mo ngayong araw para sa iyong negosyo. Dahil dito ay babalik ang interes mo sa isa pang bagay na may kinalaman sa iyong negosyo at ito ang magiging susi ng iyong pag-angat.

Masuwerteng numero; 16,23,28,33

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo matatanggap ang dahilan na ihaharap sa’yo ng iyong karelasyon ukol sa kasalanang kanyang ginawa. Marami kang butas na makikita kaya naman sa halip na maayos ang inyong relasyon ay lalo pa itong magiging kumplikado.

Masuwerteng numero; 5,8,9,10

AHAS (SNAKE)

May magagawa ka pa para maayos ang lumalaking hidwaan ng dalawa mong kaibigan na parehong malapit sa’yo. Kailangan mo lang ng sapat na oras para mapag-isipan ito at ang lahat ng detalye bago mo gawin.

Masuwerteng numero; 9,13,14,24

KABAYO (HORSE)

Kakabahan ka dahil maiisip mo na baka ikaw ang sumalo sa problemang lilikhain ng isang miyembro ng pamilya. Pero magugulat ka dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magagawa niya itong solusyunan ng mag-isa.

Masuwerteng numero; 42,47,55,60

TUPA (SHEEP)

Kung meron mang tao na magpapakita ng malasakit sa’yo ngayon, ito ay ang tao na hindi mo inaasahan. Siya ang huling tao na inaakala mong pinakahuling magmamalasakit sa’yo, pero sa halip ay siya ngayon ang dadamay sa’yo.

Masuwerteng numerol 34,38,40,41

UNGGOY (MONKEY)

Magpapatuloy ang pagdagsa ng mga oportunidad para sa’yo. Subalit kailangan mong maging maingat sa pagpili ng iyong uunahin dahil may isang oportunidad na nagbabadyang sumira sa lahat ng iyong diskarte.

Masuwerteng numero; 19,22,33,45

TANDANG (ROOSTER)

Malalaman mo ngayon kung sino sa iyong mga kaibigan ang sumisira sa’yo ng palihim sa iyong likuran. Pero wala kang balak na komprontahin siya, sa halip ay pag-iisipan mo kung paano siya mapapaikot sa’yong mga kamay.

Masuwerteng numero; 18,19,20,24

ASO (DOG)

Sa ayaw at sa gusto mo ay madadamay ka sa hidwaan ng iyong mga kamag-anak. Ang hindi nila pagkakaintindihan ay makakaapekto sa samahan ng bawat isa sa inyo kaya hangga’t maaga ay dapat na itong masolusyunan.

Masuwerteng numero; 61,63,69,75

BABOY (PIG)

Panahon na upang bigyan mo naman ng pansin ang iyong kalusugan. Dapat ka ng maging seryoso sa pag-aalaga sa iyong sarili kung ayaw mong dapuan ka ng isang seryosong sakit. Magpatingin hangga’t maaga upang hindi magsisi sa huli.

Masuwerteng numero; 9,11,13,14

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.