26.7 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 25, 2024

DAGA (RAT)

Kahit inis na inis ka na sa isang miyembro ng inyong pamilya ay wala kang magagawa kundi habaan pa ang iyong pasensya. Ayaw mo ng dagdagan pa ang problema at stress na nararanasan ngayon ng bawat isa sa inyo.

Masuwerteng numero; 8,19,20,21

BAKA (OX)

Hindi ito ang perfect timing pero kailangan mo ng tanungin sa iyong karelasyon ang isang bagay na ilang araw ng gumugulo sa isip mo. Kung patuloy mo lang itong kikimkimin sa sarili ay mananatili kang stress dito.

Masuwerteng numero; 30,35,38,41

TIGRE (TIGER)

Sasakit ang ulo mo sa kakaisip ng solusyon sa kinakaharap na problema ngayon. Hindi lang kasi isa kundi patung  patong na problema na ang dalahin mo sa kasalukuyan.Huwag mawalan ng pag-asa dahil magugulat ka na lang sa biglaang solusyon.

Masuwerteng numero; 7,11,12,20

KUNEHO (RABBIT)

Isang malaking pagbabago ang magaganap sa iyong kabuhayan. Sa simula ay kahirapan ang mararanasan mo at expected mo na ito. Subalit sa hinaharap ay makikita mo rin ang magiging magandang epekto nito sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 4,5,8,9

DRAGON (DRAGON)

Puro pagtitiis muna ang mararanasan mo at ng iyong pamilya sa kasalukuyan partikular sa araw na ito. Pero ikaw yung tipo ng tao na hindi sumusuko sa kahit na anong problema at naniniwala kang lilipas din ang lahat ng ito.

Masuwerteng numero; 6,16,19,22

AHAS (SNAKE)

Hindi mo masyadong mararamdaman pa ang hirap na pinagdaraanan ng iba ngayon dahil may mga biyaya ka pang natatanggap at patuloy na matatanggap. Dapat mo itong ipagpasalamat at ibahagi sa iba hangga’t maaari.

Masuwerteng numero; 17,20,30,34

KABAYO (HORSE)

May isang kaibigan kang mananantala ng iyong pagkakawanggawa. Mag-ingat sa mga ngiting nakikita mo sa harapan mo dahil hindi lahat ito ay totoo. Kailangan mo ring matutong makiramdam paminsan minsan.

Masuwerteng numero; 45,50,56,67

TUPA (SHEEP)

Magiging matagumpay ang ilalatag mong plano sa mga tao na gusto mong maging bahagi ng gagawin mong pagtulong. Hindi ka magkakamali ng piniling tao para rito kaya ipagpatuloy mo lang ang iyong nasimulan.

Masuwerteng numero; 14,24,25,30

UNGGOY (MONKEY)

Malaki ang magagawa mo para makatulong sa mga kamag-anak mong mas higit na nangangailangan kaysa sa’yo. Gayunpaman, dapat mo ring ilagay sa lugar ang iyong pagtulong at siguraduhing hindi ka naaabuso.

Masuwerteng numero; 42,43,53,54

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mawawalan ng saysay ang mga efforts mo na makatulong sa lahat. Sa kabila ng pambabatikos ng iba ay mananatili kang matatag at maninindigan sa iyong mga nais gawin at ipagpapatuloy mo ito kahit na anong mangyari.

Masuwerteng numero; 27,30,34,47

ASO (DOG)

Makakaramdam ng pananakit ng katawan at kalamnan. Dapat mong ipahinga ang iyong sarili. Sundin mo ang mga ipinapayo sa’yo ng mga nakakatanda para sa ikabubuti ng iyong kalusugan upang hindi magsisi sa huli.

Masuwerteng numero; 60,61,63,70

BABOY (PIG)

Makakaramdam ka ng labis na pagkabagot sa bahay dahil hindi ka sanay na nakakulong dito. Pero hindi susuko ang iyong pamilya para bigyan ng kulay ang pamamalagi mo sa inyong tahanan. Pasasayahin ka nila sa paraan na alam nila.

Masuwerteng numero; 32,34,40,43

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.