30.6 C
Manila
Friday, June 21, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 4, 2024

DAGA (RAT)

Ang abot kamay mo ng pangarap ay pansamantalang malilihis sa direksyon mo dahil sa isang pangyayari ngayong araw. Gayunpaman ay hindi ito magiging dahilan para tuluyan mo ng bitawan ang iyong pangarap.

Masuwerteng numero; 7,18,26,27

BAKA (OX)

Ngayon na ang araw na makikita mo ang magandang income sa negosyong napili mo. Hindi mo inaasahan na ganito kalaki ang suwerteng dadapo sa’yo dahil dito kaya sobra mo itong maa-appreciate. Ipagpapasalamat mo ito sa Diyos.

Masuwerteng numero; 5,11,13,20

TIGRE (TIGER)

Kahit na anong gawin mong pagbaling ng iyong atensyon sa ibang bagay ay hindi pa rin maaalis sa isip mo ang nagpapabigat ng dibdib mo. Mananatili kang stress sa problema ng pamilya na kinakaharap nyo ngayon.

Masuwerteng numero; 38,39,40,44

KUNEHO (RABBIT)

Sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo ng bitawan ang final mong desisyon tungkol sa usapin ng inyong pagsasama alang-alang sa inyong mga anak. Magiging prayoridad mo pa rin ang kanilang kapanatagan.

Masuwerteng numero; 50,51,53,60

DRAGON (DRAGON)

Magkakaroon ka ng bagong career na magsisimula ngayong araw. Pansamantala mo na munang iiwan ang dati mong karera na nagpasakit ng husto sa ulo mo at nagbigay ng matinding emosyon sa’yo. Kaya susubukan mo munang mag-iba ng linya.

Masuwerteng numero; 10,13,23,24

AHAS (SNAKE)

Alam mo na wala kang karapatan na manghusga sa iyong kapwa kaya anuman ang makita mo ngayon na hindi kanais nais sa isang tao ay pipiliin mo na lang na sarilinin, kaysa naman ikaw pa ang mahusgahan sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 28,34,36,40

KABAYO (HORSE)

May makikila ka ngayong tao na magpapabago ng pananaw mo sa buhay. Bagamat hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na kilalanin siya ng husto ay magiging sapat na ang mga iiwan niyang salita sa’yo.

Masuwerteng numero; 56,57,68,69

TUPA (SHEEP)

Dahil ikaw ang may trabaho ay ikaw ang siyang magiging sandalan ngayon ng iyong pamilya maging ng iyong mga kamag-anak. Gayunpaman, wala kang balak ireklamo ang iyong kalagayan dahil mahalaga sa’yo ang makatulong.

Masuwerteng numero; 23,26,27,33

UNGGOY (MONKEY)

Matapos ang mahabang paghihintay ay magiging abala ka na rin sa wakas sa bagong oportunidad na ibibigay sa’yo ng Diyos. Ibubuhos mo ang buong atensyon mo rito at gagawin mo ang best mo para sa proyektong ito.

Masuwerteng numero; 14,15,26,27

TANDANG (ROOSTER)

Magiging produktibo at makabuluhan ang araw na ito para sa’yo. Yung mga gawain na hindi mo inaasahang magagawa mo ay matatapos mo ng maayos ngayon. Kaya magiging masarap din ang pagtulog mo.

Masuwerteng numero; 9,19,20,21

ASO (DOG)

Hindi mo maiiwasan na hindi mainis sa kapitbahay ngayong araw dahil sa tila pagsasaya nila ng labis. Bagamat alam mo na karapatan nilang gawin ang gusto nila ay hinahanap mo pa rin ang pagrespeto naman sa kanilang mga kalapit bahay.

Masuwerteng numero; 7,9,13,15

BABOY (PIG)

Kung dati ay palagi mong kimokompronta ang iyong kapatid sa kanyang mga kamalian, sa pagkakataong ito ay pipiliin mo muna ang manahimik at hahayaan mo siya na kusang makita at marealize ang kanyang pagkakamali.

Masuwerteng numero; 59,62,63,75

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.