24.8 C
Manila
Tuesday, July 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 23, 2023

DAGA (RAT)

Ayaw mo mang gawin ay kakailanganin mong iwasan ang isang tao sa buhay mo. Naaapektuhan na kasi ng pakikialam niya ang relasyon nyo. Wala kang magagawa kundi ayusin muna ang relasyon mo sa iyong mahal ng walang ibang tao na nakikialam.

Masuwerteng numero; 9,10,12,13

BAKA (OX)

Magiging maamo ang suwerte sa’yo ngayon. Lalo na at may kinalaman sa negosyo. May ilang toxic people na susubukang sirain ang araw mo subalit hindi sila magtatagumpay dahil sadyang malakas ang positivity na nakapaibot sa’yo ngayon.

Masuwerteng numero; 7,8,23,26

TIGRE (TIGER)

Maiisipan mong bumisita sa isang taong malapit sa’yo na sumakabilang buhay na. Ito ay dahil sa panaginip mong kasama siya. Ang napanaginipan mo ay mananatili sa isip mo buong maghapon kaya dadalawin mo siya sa kanyang puntod.

Masuwerteng numero; 7,20,29,30

KUNEHO (RABBIT)

May isang tao sa nakaraan mo ang magbabalik sa buhay mo sa pamamagitan ng social media. Ang muli ninyong pagtatagpo ay magiging makulay at makahulugan para sa inyong dalawa. Masusundan ito ng inyong paglabas kasama ang isa’t-isa sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 6,17,21,22

DRAGON (DRAGON)

Hindi gaanong maganda ang araw mo ngayon. May isang negatibong tao ang makakasalamuha mo at magdadala sa’yo ng hindi kagandahang balita. Bago matapos ang araw ito ay mapapalitan din ng saya ang nakakaimbyernang maghapon mo.

Masuwerteng numero; 1,3,4,15

AHAS (SNAKE)

Kaaaliwan mo ang isang bagong kakilala dahil sa kanyang kakayahan sa pagpapatawa. Subalit hindi nito mapagtatakpan ang problemang kakaharapin mo ngayon. Mabuti na lang at good vibes ka ngayon kaya hindi mo ito masyadong iindahin.

Masuwerteng numero; 10,11,12,23

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Ito ay dahil sa panlalamig ng iyong mahal. Pero hindi mo isusuko ang araw mo para magmukmok. Itutuloy mo ang iyong daily routine at susubukang pagandahin ang nalalabing oras ng maghapon.

Masuwerteng numero; 4,15,16,27

TUPA (SHEEP)

Isang magandang pagkakataon ito para ikaw ay maglakbay. Maaliwalas ang araw at awra mo na tutugma sa magandang panahon. Piliin mo lang ang iyong makakasama dahil kung negatibo ang tao na makakasama mo ay baka mahawa ka dito.

Masuwerteng numero; 3,14,22,30

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ka ng pagkakamali at tatanggapin mo ito ng maluwag saka aayusin. Magandang attitude ang ipapakita mo kaya naman maganda rin ang balik nito sa’yo. Ipagpatuloy mo lang ang iyong magandang intensyon dahil palagi nitong pagagandahin ang araw mo.

Masuwerteng numero; 9,10,18,29

TANDANG (ROOSTER)

Babalikan mo ang nabinbing trabaho nitong mga nakaraang araw. Wala kang choice kundi ayusin ito nang sa gayon ay makahabol ka sa iyong mga kasamahan bago magbakasyon. Isang tao ang mag-aalok ng tulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,15,26,27

ASO (DOG)

May mag-aalok sa’yo na may kinalaman sa negosyo. Buong araw mo itong pag-iisipan. Upang hindi masyadong maguluhan ay dapat mong konsultahin ang iyong asawa o sinuman na malapit sa’yo at alam mong may malasakit.

Masuwerteng numero; 10,11,20,23

BABOY (PIG)

Dahil sa iyong kaprangkahan ay mapapalabas mo ang tunay na ugali ng isang tao. Bagamat kaibigan mo siya ay hindi mo pa siya gaanong kilala kaya naman mabuti na rin ang mangyayari at malalaman mo ang totoo niyang kulay.

Masuwerteng numero; 6,7,19,27

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.