27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter Two

ALAS-DOS nang madaling araw nang magising si Rain pero hindi dahilan iyon para bumago siya ng pwesto. Masarap naman kasi talaga sa kanyang pakiramdam na yakap-yakap siya ni Adrian habang nakahimlay siya sa dibdib nito. Damang-dama niyang protektado siya sa piling nito at mas nais niyang maramdaman iyon kaya mas nagsumiksik pa siya sa leeg at katawan nito.

May ngiti pang sumilay sa kanyang labi dahil kahit kailan ay ito ang kanyang ‘a shoulder to cry on’ kaya maikukunsidera niya itong knight in shining armour dahil palagi itong nasa tabi niya kapag kailangan niya ito at siyempre para sa kanya ay isa rin itong Prince Charming na maipagmamalaki niya sa kahit sino.

Kung ang iba ay gustung-gusto ang dark dahil lalaking-lalaki ang dating siya naman ay gusto ang kulay ni Adrian na mestizo dahil isinasaad nito na mayroon itong mabuting kalooban. Maamo pa ang mukha nito kapag kalmante ang emosyon kaya naman walang sinumang babae ang hindi nagka-crush dito dahil ang hugis ng mukha nitong pa-heart shape na nangangakong walang ibibigay kundi pag-ibig. Kahit nakapikit ito’y alam na alam niyang hugis espada iyon na lalong lumiliit kapag tumatawa ito o nagagalit at tila mas nagiging mabangis ang aura nito dahil sa makapal nitong kilay na nagsasalubong kapag nakakunot ang noo. Napakatangos din ng ilong nito na para bang nililok at ang labi nitong malapad at mapupula ay wari’y ang sarap halikan.

Ano kaya ang lasa ng halik nito? pilyang tanong niya sa sarili. Nagusot lang ang kanyang ilong sa kaisipang hindi niya iyon kailanman matitikman kailanman.

Kahit naman kasi si Adrian Fuentabella ang kabuuan ng lalaking pinapangarap ng sinumang babae. Hindi niya pahihintulutan ang sarili na lumagpas ang damdamin niya rito sa boundary ng pagiging mag-bestfriend. Usapan na nila iyon dahil ayaw nilang masira ang pagiging magkaibigan nila kung sakaling mauwi lang din sila sa paghihiwalay. Kaya tama lang na nakakaramdam lang siya ng pagmamalaki kapag kasama niya ito.

Hindi lang kasi ito guwapo, macho at matangkad. Nasa anim na talampakan ang taas nito at ang katawan ay alaga sa gym kaya’t may muscles at 6 pack abs. Kaya kung tutuusin ay ilalampaso nito ang mga katangian ni Karl.

He’s cute and charming, wika ng isip niya nang pumasok sa isip niya si Karl. Boy next door ang dating pero hanggang sa panlabas na anyo lang. Kahit naman may trabaho ito ay hindi pa rin sapat sa aura nito ang confidence na taglay ni Adrian. Marahil dahil sa mga achivements mayroon ang matalik na kaibigan at ang katotohanang nagmula ito sa mayamang angkan. Mayroon din kasing hacienda ang mga Fuentabella sa Tarlac tapos may negosyo ang mga magulang nila na toy factory at si Adrian ay may itinatag na Architechtural Firm. Bukod doon ay mahilig din itong mag-invest sa kung anu-anong kumpanya kaya kumikita ito kahit hindi ito gumagalaw.

“Gusto mo bang sirain ang pangako natin sa isa’t isa?”

Ang lakas nang pagsinghap niya nang marinig niya si Adrian. Hindi niya kasi inaasahan na nagising pala ito. Sa halip na mapahiya sa sinabi nito’y napahagikgik pa siya at marahan niya itong kinurot sa tagilian. “Na-miss lang kita ng sobra. Hindi ko akalain na makakatabi pa kita sa pagtulog. Hindi ba noong mga bata tayo hanggang mag-teenagers, lagi tayo tabi matulog,” wika niyang hindi tumitingin ng diretso rito. Para kasing nag-init ng husto pisngi.

“Nahinto lang naman tayo sa pagtulog ng magkatabi nu’ng dumating…” marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan niya.

“Kaya, huwag ka ng mag-boyfriend para makatabi mo ako palagi sa pagtulog.”

“Paano naman kapag ikaw ang nag-asawa?” Hindi niya napigilan ang mapabuntunghininga. Ewan niya kung para saan ang sakit na kanyang nararamdaman.

“Hindi mangyayari iyon.”

Gulat siyang napabalikwas nang bangon saka hinarap ito. “Magpapakatandang binata ka?” tudyo niya rito.

“28 pa lang ako.”

“Malay mo kung biglang may makabingwit sa’yo,” biro niya rito pero parang may kumurot sa kanyang puso. Ibig sabihin noon, mawawalan na ito talaga ng oras sa kanya.

“Hahayaan mo naman ba?” tudyo nito sa kanya.

“Kahit naman harangan kita kung magpapabingwit ka, wala naman akong magagawa at lalong wala akong karapatan dahil mag-bestfriend lang tayo.” Nakangiti niyang sabi rito nang salubungin pa niya ang tingin ito ngunit pakiramdam niya’y parang dinidikdik ng pinung-pino ang kanyang puso.

“Hindi mo na sinagot ang tanong ko.”

“Na?” kunot noong tanong niya. Hindi kasi niya matandaan na may tinanong ito.

“What if tayo na lang? Tutal gustung-gusto naman ng parents natin na magkatuluyan tayo.”

Hindi siya agad nakakibo sa tanong na iyon ni Adrian gayung napakadali namang magsabi ng ‘ayaw ko’. Ngunit, natanong din siya sa sarili, paano nga kaya? Ewan niya kung bakit may naramdaman siyang excitement ng tanungin niya iyon sa sarili.

“Baka naman masira ang friendship natin,” nahagilap niyang sabihin.

“Paano kung mas tumibay ang relasyon natin dahil pagiging mag-bestfriend ang pundasyon natin?” Kontra nito sa pagiging nega niya.

What if nga kaya? Tanong niya sa sarili.

“Bakit na lang hindi ako, tiyak na tiyak kang hindi kita lolokohin dahil never kitang sasaktan at paiiyakin at sure na sure rin naman akong hindi mo ako pagtataksilan at gagamitin?”

“Makakaya mo bang walang ibang babae?” natatawa niyang tanong.

“Sa’yo lang kontento na ako,” wika nito habang nilalaru-laro ang kanyang buhok.

Ang lakas ng pagsinghap niya pagkaraan. Pakiwari kasi niya’y may kuryenteng dumaloy sa katawan niya dahil sa ginawa nito. At kailanman ay hindi siya nakaramdam ng ganoon kay Karl.

“Yakapin mo na lang ako.”

Sinunod naman nito ang sinabi niya.

Shucks, biglang nag-iba ang pakiramdam niya sa yakap nito. Parang dahil sa init na binubuga ng katawan nito’y parang may kuryenteng boglang dumaloy sa kanyang katawan. Sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.

“Tulog na tayo.”

“Rain..”

Oh, bakit ba ang ganda-ganda ng pangalan niya kapag si Adrian ang nagbibigkas? tanong niya sa sarili.

“Yes?” tanong niya ng magtaas siya ng tingin.

Hinawakan nito ang baba niya at itinaas hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. “Can I kiss you?”

Sabi ng utak niya tumanggi siya pero bigla niyang naalala ang tanong niya kanina sa sarili, ano kaya ang lasa ng halik ni Adrian?

Masasagot na ba ang kanyang tanong?

“Please..?”

“Smack lang,” wika niya. At nang makita niyang bumaba ang labi nito’y napapikit siya.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.