Best Friends?
“BAKIT?” Nagtatakang tanong ni Rain kay Adrian nang huminto na ito sa pagpapak sa kanyang labi. Nang dumilat siya ay nagtaka pa niya ng puting kisame ang una niyang nabungaran. Hindi na niya namalayan ang pagbuhat sa kanya ni Adrian at paglapag nito sa kanya sa kama.
Mataman siya nitong tinitigan. “Baka kapag hindi pa ako tumigil ay pareho tayong makalimot. Gusto kong ibigay sa’yo ang pangarap mo.”
“Na?” Shucks, para siyang nagka-amnesia at hindi na niya maalala kung anong pangarap ang tinutukoy ni Adrian. Pakiwari niya tuloy, ang halikan nila ay nakapagdudulot ng sakit na kalimot sa kanya.
“Ibigay ang virginity mo sa lalaking pakakasalan mo.”
“Ikaw din naman iyon,” wika niya sa tonong parang matagal na silang magkarelasyon at nagpaplano talagang magpakasal.
“Kaya nga makapaghihintay ako,” wika nitong nagniningning ang mga mata. Buong suyo pa nitong hinawi ang buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha.
Bahagya lang dumampi sa kanyang pisngi ang haplos nito pero damang-dama niya ang pagguhit ng milyun-milyong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay talagang mahal na mahal siya ni Adrian kaya pilit niyang dini-dismiss sa kanyang isipan na maaaring ginagawa lang iyon ni Adrian para talagang malimutan niya si Kyle.
“Tama na muna sa aking katabi kitang matulog, nayayakap at nahahalikan,” madamdaming sabi nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Oh, parang gusto niyang maiyak sa mga salitang binitawan nito. Para kasing sinasabi nito na kaya nitong labanan ang init ng katawan para sa kanya. Hindi niya maiwasang kiligin doon dahil karamihan na sa mga lalaki ngayon ay walang ibang iniisip kundi kung paano sila makakaraos.
“Adrian..” tawag niya rito.
Umungol ito na parang naiirita.
“Galit ka yata?” Nagtataka niyang tanong. Kung umasta kasi ito ay para siyang may ginawang mali.
“Ang boses mo kasi parang nang-aakit pa,” nagrereklamong sabi nito saka siya niyakap ng buong higpit. Pinahilig siya nito sa dibdib nito habang ang baba nito ay nasa kanyang ulo.
Napahagikgik tuloy siya.
“Stop it.” Marahan nitong saway sa kanya.
“May itatanong naman kasi ako sa’yo.” Muli, umungol ito pero hindi nagsalita. Nang tumingala siya ay nakita niyang nakapikit ito. Marahil, ayaw na nitong pansinin pa ang kanyang presensya. “Bakit ka nag-invest sa MAG Corner?”
“Para sa’yo,” mariing sabi nito.
“Para sa akin?”
“Para hindi ka mawalan ng trabaho. Pabagsak na kasi ang kanilang kumpanya kaya naisipan kong sagipin dahil mahal mo ang ginagawa mo. Hindi ko naman kasi sigurado kung maiisipan mong magtayo ng sarili mong publication.”
“Wala akong budget para riyan.”
“I can help.”
“No thanks.”
“Magiging asawa mo na ako.”
“Mas gugustuhin ko pa ring makaipon buhat sa pinaghirapan ko. And you know what.”
“What?”
“Bukod sa photography may iba pa akong nais subukan.”
“Ano?”
“Pagsusulat.”
“Anong isusulat mo?”
Pilyang-pilya ang ngiti niya bago niya ito sinagot. “Erotic stories,” paos niyang sabi. Para kasing nanunuyo ang kanyang lalamunan kapag nagkakatitigan sila at ngayon ay parang gusto niyang humagalpak sa kakatawa dahil para itong natuklaw ng ahas.
“No way.”
Hindi niya pinansin ang pagtutol nito dahil muli na namang gumana ang kanyang kapilyahan. “At siguradong marami kang maibibigay na ideya sa akin,” wika niya saka pinag-landing ang kanang kamay sa gitnang bahagi ng katawan nito
Muli, narinig na naman niya ang malulutong nitong mura.
SIGAW ng puso ni Rain, mahal na mahal na niya si Adrian. Hindi lang dahil ito ang best friend niya at gustong pakasalan dahil alam niyang kasundo niya ito kundi dahil iyon ang sinasabi ng kanyang puso. Na hindi na niya kayang mabuhay na wala ito. Dahil kayang-kaya siya nitong proteksyunan. Hindi lang sa mga taong gustong manakit sa kanya kundi pati na rin sa sarili nito.
Dahil sa make out na ginawa nila ni Adrian ay hindi nila namalayan ang oras. Nahimbing din kasi ang tulog nila kaya umaga na sila nagising. Hindi man kasi sila nag-sex masyado rin silang napagod sa kanilang mga ginawa. At nang maalala iyon ni Rain, mas humigpit pa ang yakap niya kay Adrian na nagmo-motor na. Nagpasya na silang umuwi pagkatapos nilang mag-almusal. Iyon nga lang hindi lang pagkain ang kanilang kinain pati na rin ang laway ng isa’t isa.
Kung hindi nga lang nila alam na ngayon ang dating ng kanilang mga magulang ay gusto pa nilang magpalipas ng ilang oras na magkasama. At kahit kinakabahan ay para pa ring tuksong bumalik sa kanyang isipan ang kanyang naging kapilyahan…
“Oy, daig mo pa ang hinahalay ng mga bading,” wika niya sabay hagikgik pero hindi naman niya magawang alisin sa harap nito ang kanyang kamay.
“Ano ba kasi ang ginagawa mo?” kunwa’y naiiritang sabi nito pero hindi naman maiwasan ang magpawala ng ungol.
“Hinahawakan ko lang para makilala niya kung sino ang amo niya. Bawal ba?” nanunudyong sabi niya rito saka pinapungay ang mga mata.
“Nag-e-enjoy ka bang pahirapan ako?”
“Sino ba naman may sabi sa’yong pinapahirapan kita? Bakit ayaw mo ba talaga itong ginagawa ko?” nakanguso niyang tanong. “Akin naman ito, hindi ba?”
“Iyong-iyo,” wika ni Adrian ng kunin ang kanyang kamay.
Akala niya ay tatanggalin lang ni Adrian ang kamay niya sa ibabaw ng short nito pero nabigla siya ng husto ng ipasok nito ang kamay niya sa kahuli-hulihang saplot nito. Alam niyang malaki ang sandata nito pero nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto niyang super mega to the max ang laki noon. Hindi lang mahaba, mataba rin.
“Gusto mo siyang makilala, hindi ba?”
“Sawa ba ito o cobra? Ang laki.”
Ngumisi si Adrian “Kaya maghanda ka na. Kapag kasal na tayo ay araw-araw mo siyang makikita at mahahawakan. But for now, kailangan mo siyang mapakalma dahil ginalit mo siya ng todo.”
Napahagikgik siya. Anong gagawin ko?”
Tinaas baba nito ang kamay niyang hawak nito at pagkaraan ay bumulong ito sa kanya, “Kiss me.”
Siyempre hinalikan niya ito at tinugon naman siya nito ng mas maalab na halik ngunit kahit na nalalasing na siya sa halik nito’y naramdaman pa niya ang pag-alis nito sa pang-ibabang kasuotan at ipinatuloy nito sa kanya ang pagtaas-baba ng kamay nito. Pabilis nang pabilis hanggang sa muli nitong sinakop ang labi niya.
Ang halik nito ngayon ay higit na maalab.
Mas mapusok.