25.2 C
Manila
Sunday, October 20, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter 3

SHOOT! Bulalas ni Adrian nang maglapat ang labi nila ni Rain. Saglit lang iyon pero parang may fireworks na sumabog sa kanyang pandinig at may mumunting apoy na nanulay sa kanyang kalamnan.

Putcha, para siyang babae kung kiligin.

Kiligin? Gilalas niyang tanong sa sarili.

Ang talagang layunin niya kung bakit nagawa niyang tanong kay Rain ang mga salitang what if tayo na lang? ay para talagang mawala na sa isip nito si Karl. Ang ini expect niya ay maiinis ito sa kanya dahil sa matagal na nilang pinag-usapan na hindi maaaring lumampas sa boundary ng pagiging mag-best friends ang kanilang relasyon dahil tulad ni Rain ay natatakot din siyang kapag hindi naging naging maganda ang outcome ng kanilang relasyon ay maaari ring masira ang pagiging matalik nilang magkaibigan. Siyempre, ayaw niyang mangyari iyon kaya’t kinalimutan niyang si Rain ang kanyang first crush.

Hanggang isang araw, nagpunta siya sa Tarlac para magbakasyon. Hindi siya madalas magpunta sa Hacienda Rosales pero dahil nagbakasyon din sa America ang pamilya ni Rain, napilit siya ng mga magulang na dumalaw sa kanyang Lolo Segundo. Doon ay nakilala niya si Veronica Sarmiento, bestfriend ng pinsan niyang si Jeremy Rosales. Maganda ito kahit na astigin.

Nang una akala niya ay talagang nakuha nito ang kanyang puso, disi siyete na rin naman kasi siya noon, pero sa huli ay na-realize niyang nakikita lang niya rito si Rain. Kaya ang relasyon nila ay tumagal lang ng siyam na buwan.

Si Veronica ang kanyang first kiss pero iba ang reaksyon niya ng si Rain ang kanyang halikan ngayon. Parang biglang kumulo ang kanyang dugo. Mabilis na halik lang ang ginawa niya pero daig pa niya ang umupo sa silya electrica. Para kasing gusto niyang mangisay sa kilig.

“Damn.” Dalawang taon na lang ay magti-trienta na siya ngunit kung umakto siya ay parang teenager na ngayon pa lang nagkakagusto.

“Bakit ganu’n?” tanong ni Rain.

Maang siyang napatingin dito. Kinabahan soyang baka sabihin nitong tapusin na nila ang kanilang pagiging mag-best friends dahil nag-take advantage siya. Damn, hindi siya papayag!

Natigilan lang siya ng wala siyang makitang galit sa magandang mukha ni Rain. Ang nakikita niya roon ay pagkalito.

“Why?”

“P-para akong kinuryente,” wala sa loob na sabi ni Rain.

“Naramdaman mo rin?” Naninigurado niyang tanong.

“Pareho lang tayo ng naramdaman?” Nag-aalalang tanong nito. Sa tingin nga niya ay nahihirapan itong huminga. Gaya niya, hindi niya akalain na ganoon ang magiging epekto ng pagdidikit ng kanilang mga labi.

“Yes. Gusto mo ba ng isa pa?” Tanong niya saka siya nanalangin na pagbigyan siya ni Rain. Talaga kasing nangangasim siyang matikman muli ang labi nito.

Shit, nagiging manyak na ba siya.?

Well, sa dami ng babaeng naikama niya ay papunta na siya sa level na iyon. Ngunit, ibang-iba ang epekto ng labi ni Rain. Para itong kendi na hahanap-hanapin niya kahit maraming mamahalin chocolate na maaaring pagpilian.

“Smack ulit?” Alanganing tanong nito.

“Nope, real kiss,” mariing sabi niya. Hindi kasi siya kuntento sa pambatang halik. Nais din niyang ipatikim dito ang masarap na halik na ibinibigay niya sa mga babaeng nakakakaulayaw niya.

Napalunok ito.

“Rain..?” Kinakabahang tawag niya rito.

“Mag-best friend tayo,” alanganing sabi nito. Tiyak niyang nasa isipan pa rin nito

“Baka pwedeng i-level up na natin,” mariing sabi niya. Sa halik na pinagsaluhan nila ngayon ay parang tinuldukan na rin nila ang platonic relationship nila.

“Best friends with benefits?” Hindi makapaniwalang tanong nito. Nanlalaki ang mga mata.

“Hindi naman tayo magsi-sex. Kiss lang.”

“Sure ka?”

“Trust me.”

At nagtiwala ito sa kanya.

OH my God! Bulalas ni Rain. Tiyak niya kasing hindi panaginip lang ang halik na namagitan sa kanila ni Adrian dahil hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang nangyaring halikan sa pagitan nila.

Ang sarap! Dumampi pa lang ang labi nito sa kanyang labi ay para na siyang nakuryente kaya naman nang bumuka ang labi nila para tanggapin ang halik ng isa’t isa ay para na siyang mababaliw sa sarap. Ikinawit pa niya sa batok nito ang kanyang mga kamay na magkasalikop para mas lalong lumalim ang kanilang halik.

Hindi man si Adrian ang first kiss niya pero dito siya nakaramdam ng kakaibang sarap. Para ngang ayaw na niyang magkahiwalay pa ang kanilang mga labi. Para silang kuryente at electric cord. Hindi gagana kung wala ang isa. At sa tingin nga niya kung hihilingin ni Adrian na mag-sex sila ay buong puso siyang magpapaubaya ngunit makaraan ang ilang sandali ay tumigil na rin ito sa paghalik sa kanya at inaya na siyang matulog.

Ewan niya pero pakiramdam niya ito ang pinakamagandang gising niya. Pakiwari niya ay nakulay rainbow ang paligid.

“Good Morning,” bati sa kanya ni Adrian sabay halik sa kanyang labi.

“Don’t kiss me,” saway niya rito.

Tumaas ang kilay nito. “Ayaw mong halikan kita?” nanunudyong tanong niya.

“Hindi pa ako nagtu-toothbrush.” Pagkasabi niya noon ay dumiretso siya sa cr.

Ang lakas ng tawa ni Adrian.

ADDICTION, ang katagang iyon ang perpektong paglalarawan ni Adrian sa halik na namagitan sa kanila ni Rain at pakiramdam niya ay hindi na niya ito kaya pang ihinto. Kaya, sumunod siya rito.

“Bakit nandito ka?” gulat na tanong ni Rain sa kanya. Tulad ng sinabi nito’y magtu-toothbrush ito.

“Magtu-toothbrush din.” Nakangiti niyang sabi. Inagaw pa niya rito ang hawak na toothbrush na ibabalik sana nito sa lalagyan Pagkaraan ang ilang sandali ay malinis at mabango na rin ang kanyang bibig kaya matapos niyang ibalik sa lalagyan ang toothbrush ay hinarap niya si Rain. “Done.”

“Ha?”

Matamis na matamis ang ngiting ibinigay niya kay Rain bago niya inangkin ang labi nito. Wala rin siyang pagtutol na naramdaman dito dahil sinalubong din nito ang maalab niyang halik. Pagkaraan ay niyakap niya ito ng pagkahigpit-higpit dahil gusto niyang iparating dito na hindi na niya ito pawawalan pa.

Kapwa sila humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Gayunpaman, hindi nila magawang ialis ang tingin sa isa’t isa.

“Rain..?”

“Hmmm.”

“Let’s get married,” wika niyang titig na titig sa mga mata ng matalik na kaibigan. Gusto niyang ipaalam dito na hindi siya nagbibiro. Marahil nga, masyado siyang mabilis pero talagang hindi na niya makakayang mawala pa sa kanya ang pinakamamahal niyang best friend.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.