Ang Desisyon ni Rain
MAHAL na mahal pa rin siya ni Adrian, mariing sabi ni Rain sa sarili. Dama niya ang halik, yakap, haplos at pag-angkin nito ang pag-ibig sa kanya Ilang beses din nitong sinabi sa kanya na mahal na mahal siya.
At iyon ang gusto niyang paniwalaan, sabi niya sa sarili habang pinagmamasdan niya ang guwapo nitong mukha na kampanteng-kampanteng natutulog. Hindi niya tuloy napigilan ang sariling yakapin ito at ihilig ang ulo sa dibdib nito tulad ng madalas iyang gawin kahit nu’n pang mag-best friend sila.
Hindi lang niya sigurado kung ilang oras siyang nakatulog Basta nang magising siya ay wala na naman sa tabi niya si Adrian. Ibig sana niyang sa pagmulat niya ay ito agad ang kanyang makikita kaya sobra siyang nasakyan at hindi nangyari ang kanyang nais
Matapos niyang maligo at magbihis ay nagpasya muna siyang magsulat ng ilang chate, kahit gustung-gusto na niyang hanapin si Adrian. Ewan nga niya kung bakit kahit magkasama naman sila palagi ay parang gustung-gusto pa rin niya itong laging nakikita. Napabuntunghininga siya Dahil kahit na ilang eksena pa lang ang nagagawa niya’y hindi na siya mapakali.
Nasaan na ba si Adrian?
Walang tao nang lumabas siya ng silid. Pababa na sana siya nang marinig niya ang boses ni Jeremy. “Nasabi mo na ba kay Rain ang sitwasyon?” nag-aalalang tanong nito.
Dahil sa pagkakabanggit sa pangalan niya ay bigla siyang nagkainteres na makinig. Dahan-dahan ang paglapit niya sa may balkonahe.
“Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang totoo,” wika ng kausap ni Jeremy — si Adrian. “Ayokong masaktan siya.”
“Masasaktan din siya kapag lumabas ang katotohanan Bakit hindi mo pa gawin ngayon?” naiinis na tanong dito ni Jeremy.
Wala siyang narinig na sagot mula kay Adrian ngunit damang-dama niya ang paghihirap nito.
Nahihirapan na ba itong makasama siya sa buhay? tanong niya sa sarili.
“Ano ba ang plano ninyo ni Veronica?” tanong ni Jeremy pagkaraan.
Kung hindi niya natutop ang kanyang bibig, sigurado siyang napasinghap siya ng husto. Tama rin pala ang hinala niya. Si Veronica ang dahilan ng panlalamig sa kanya ni Adrian. Para sa kanya ay sapat na ang kanyang narinig para makumpirma niyang si Veronica ang tunay na nagmamay-ari ng puso ni Adrian.
So, anong gagawin niya?
Bilang asawa, sabi ni Rain sa kanyang sarili, dapat niyang ipaglaban si Adrian dahil mahal na mahal niya ito at nasa kanya ang lahat ng karapatan. Tiyak din niyang hindi papayag ang mga magulang nila na sila’y maghiwalay. Saka sagrado ang kasal. Tanging kamatayan lang ang dapat na makapagahiwalay sa kanila at hindi ibang tao.
Ngunit…
Bilang best friend, ibig din niyang maging maligaya si Adrian dahil mahal na mahal niya ito at hindi nito iyon makukuha sa kanyang piling kundi kay Veronica. Kaya, kahit masasaktan siya ay mas gusto niyang palayain ito.
Kaya ba niya? Hamon niya sa kanyang sarili
Ayaw na niyang mas masaktan pa kaya nagpasya na siyang lumayo sa may balkonahe. Pinili na lamang niyang pumasok sa silid, ipagpatuloy ang pagsusulat at tapusin ang kanyang istorya para magawa na niya ang kanyang plano. Ang ibigay kay Adrian ang kalayaan nito.
“WIFEY?”
Parang ibig maiyak ni Rain sa paraan ng pagtawag ni Adrian sa kanya ng wifey. Para kasing punung-puno iyon ng pagmamahal. O baka naman isa iyong pakiusap na palayain na niya ito. Napabuntunghininga siya. Kung hindi siguro niya alam ang tungkol kay Veronica ay maniniwala siyang wala itong babaeng mahal kundi siya.
“Yes, hubby..” kunwa’y masigla niyang sabi. Siyempre, ayaw niyang ipahalata rito na alam na niya ang nangyayari.
“Busy ka?”
Aamin na ba si Adrian?
“Medyo,” pagsisinungaling niya . “Nagmamadali na kasi ang editor ko na ipasa itong nobela ko.”
Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito. “Importante kasi ang sasabihin ko.”
“Pwede bang bukas na lang?” Hindi pa kasi ako handang marinig sa’yo ang totoo! Hinaing ng puso niya. “B-baka kasi hindi ko matapos ang ginagawa ko.”
“Ganoon ba?”
“I love you, Adrian,” wika nito nang tumabi sa kanya. Nang lingunin niya kasi ito ay mataman itong nakatingin sa kanya. Alam niyang nangangati na ang dila nito na ipagtapat sa kanya ang problema nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang paghihirap at parang binibiyak ang puso nito.
“Mahal na mahal –,”
SA halip na patapusin ni Rain ang sinasabi ni Adrian ay hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at inangkin ang labi nito. Wala siyang pakialam kung hindi na siya ang nasa puso nito. Basta ang alam niya’y walang ibang nagmamay-ari sa puso niya kundi ito lamang.
Anyway, ito na naman ang huli.
“Tulungan mo na lang akong gawin ang epilogue ng istorya ko,” sabi niya kahit ang totoo ay nagawa na niyang ipasa ang kanyang istorya. “Okay lang ba?”
“Ano bang klaseng tanong –?”
Muli’y hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito dahil ayaw niyang mawala ang konsentrasyon niya sa ibig niyang mangyari. Mas gusto niyang halikan ito nang halikan habang may pagkakataon pa siya.
Ibig niyang iparamdam dito ng paulit-ulit kung gaano niya ito minamahal at sinasamba para kahit wala na siya sa piling nito’y titiyakin niyang hinding-hindi siya nito makakalimutan.
BIGLANG napadilat si Adrian ng hindi niya makapa sa kanyang tabi si Rain. Ang ini-expect niya kasi ang mamumulatan niya ito dahil ilang oras din silang nagsalo sa maiinit na pagtatalik at hindi siya makapaniwala sa mainit nitong performance. Ipinadama nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal dahil talaga namang lahat ng makapagapaligaya sa kanya ay ginawa ni Rain. Para tuloy mas lalo pang nadagdagan ang pag-ibig na nararamdaman niya rito.
Napabalikwas lang siya nang bangon dahil sa sunud-sunod na pagkatok. Maya-maya ay sumungaw ang mukha ng kanyang Tito Segundo. “Sabi ni Rain ikaw ang susundo sa kanya sa Simbahan, bakit nandiyan ka pa?”
“Umalis ang asawa ko?” gilalas niyang tanong.
“Magsisimba daw pero may bag na dala.”
Sukat sa sinabing iyon ng kanyang Lolo Segundo ay bigla niyang natabig ang kumot na tumatabing sa kanyang katawan.
“Hoy! ‘Yang angry bird mo, takpan mo. Buti na lang di katulong ang inutusan kong gisingin ka!” natatawang sabi ng lolo bago muling isinara ang pintuan.
Sa kaalamang wala sa bahay na iyon si Rain ay nakakapagbibigay ng matinding kaba sa kanya kaya hinagilap niya ang kanyang cellphone para tawagan ito ngunit nagri-ring lang iyon at nadidinig pa niya.
“Shit!” wika niya nang makita niyang nasa headboard lang ang cellphone ni Rain at nang kunin niya ang cellphone na iyon ay may nahulog na sulat. Nanlaki pa ang mga mata niya nang mabasa ang mensahe ni Rain.
Hubby,
Huwag mo na akong hanapin. I’m giving your freedom and happiness ‘coz I love you so much. Thank you for all the memories