29.9 C
Manila
Friday, May 24, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter 15

Pinagseselosan ni Rain si Veronica

BEST friend ni Jeremy ang ex-girlfriend ni Adrian na si Veronica, kaya, walang ibang pagpipilian si Rain kundi sarilinin ang takot na kanyang nararamdaman, nang malaman niyang magbabakasyon si Veronica sa Hacienda Rosales.

Ayaw niyang mag-isip ng masama pero parang may nagsasabi sa kanyang kaya naroroon si Veronica ay dahil nandito rin sa hacienda ang kanyang asawa. Ngunit, siyempre, hindi naman niya iyon maibubulalas dahil nakakahiya.

Naririto sila ni Adrian sa Tarlac dahil nais niyang madalaw ang lolo nito pero, bakit may iba siyang pakiramdam kung bakit kinailangan nila ni Adrian na magpunta?

May tinatakasan ba sila?

O baka naman may gustong harapin si Adrian? Sarkastikong tanong niya sa sarili. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Si Veronica ba ang dahilan kaya sila nagbakasyon? Gusto ba ni Adrian makita ang kanyang first love? Hindi man kasi sila personal na nagkita dati ni Veronica alam niyang minahal ito ng todo ni Adrian. Palagi kasi itong kinukuwento sa kanya noon ng asawa. Sa tuwing magkukuwento nga si Adrian tungkol sa babae, nagniningning ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

Pero, kasal na sila ngayon ni Adrian. Kaya, hanggang tingin na lang ang maibibigay nina Adrian at Veronica sa isa’t isa. Ngunit, sobra pa rin siyang nasasaktan lalo pa’t naalala niyang naging playboy si Adrian noon dahil nagkahiwalay ito at ang girlfriend. Siyempre, alam niyang si Veronica iyon.

Natanong niya rin sa sarili, so, ano ba talaga ang dapat niyang gawin at maramdaman?

“Wala ka bang tiwala sa asawa mo?”

Umikot ang mata niya nang marinig buhat sa kanyang likuran ang boses ni Jeremy. Hindi niya kasi malaman kung bakit bigla-bigla na lang itong sumusulpot kapag naniniktik siya kina Adrian at Veronica. Siyempre, hindi niya ito magawang sitahin dahil pag-aari nito ang mansyong tinutuluyan nila ni Adrian.

Kahit naman kasi buhay pa si Lolo Segundo, alam na niyang kay Jeremy mapupunta ang buong hacienda. Sabi nga ni Adrian, bilang panganay na apo ni Lolo Segundo, si Jeremy ang magiging tagapagmana ng buong Hacienda Rosales.

“Malaki ang tiwala ko kay Adrian,” mariin niyang sabi habang sumisilip sa ibaba. Buhat doon ay Kitang-kita niyang nag-uusap sina Adrian at Veronica. At sumasakit ang kanyang puso dahil talagang nagseselos siya kay Veronica na first girlfriend ni Adrian. Hindi na rin siya magtataka kung sasabihin talaga ni Adrian na first love nito ang ex.

Shucks, wika niya dahil gusto n atalaga niyang umiyak sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.

Kung tutuusin naman ay wala siyang dahilan para magselos o makaramdam ng pagdududa. Malayo naman kasi ang distansiya nina Adrian at Veronica. Nakahalukipkip si Adrian at nakatingin kay Veronica na para bang matamang nakikinig sa sinasabi ni Veronica.

Ano ba’ng sinasabi ng babaeng iyon sa kanyang asawa? Naiinis niyang tanong sa sarili. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Nakaramdam kasi siya ng inis sa kanyang sarili.

“So, kay Veronica ka walang tiwala?” Natatawang tanong ni Jeremy.

Gusto sana niyang isigaw na ‘oo, wala akong tiwala sa best friend mo’ pero nagbago ang kanyang isip. Baka bigla na lang kasi siyang ipatapon ni Jeremy sa labas ng hacienda. Kahit naman kasi siya ang asawa ni Adrian, hindi pa rin mababago ang katotohanang best friend ni Jeremy si Veronica kaya’t tiyak na ito pa rin ang kakampihan ng lalaki.

Hindi naman niya kilala talaga si Veronica kaya hindi niya ito dapat husgahan gayunpaman hindi pa rin mababago ang katotohanang ex ito ni Adrian.

“Wala akong tiwala sa lahat ng babae,” wika niyang naniningkit ang mata.

“Mahal na mahal mo talaga ang pinsan ko, ano.” Nangingiting tanon have

“Asawa ko siya.”

“Pero, hindi ba pumapasok sa isip mo na maaari silang magkabalikan?” Nang-iintrigang tanong ni Jeremy.

“Kasal na kami ni Adrian, ” mariin niyang sabi dahil nais talaga niyang pagdikdikan kay Jeremy ang katotohang iyon.

Tumawa si Jeremy. Tumalim tuloy ang tingin niya rito.

“Bakit, hindi ba pwede ang salitang hiwalayan? Kung ang mga taong nagmamahalan nga ay naghihiwalay kayo pang…”

“Ano?”

“Hindi mo ba naisip na kaya ka lang pinakasalan ni Adrian ay nagi-guilty siya. Dahil kasi sa kanya ay iniwan ng ex mo.”

“Walang kasalanan si Adrian sa hiwalayan namin ni Karl.”

“O, hindi ba, kaya mo nga naging boyfriend ang Karl na iyon ay dahil gusto mong kalimutan ang damdamin mo kay Adrian?” Naghahamong tanong nito sa kanya.

Bigla tuloy siyang natigilan. Hindi naman kasi imposible ang sinasabi ni Jeremy. Hindi naman kasi imposible ang sinasabi Jeremy. Masyadong mahalaga kay Adrian ang kanilang pagkakaibigan kaya’t gagawin noto ang lahat para maprotektahan siya.

Sukdulang magpanggap ito na talagang iniibig siya? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ni Jeremy pero kilala niya talaga si Adrian.

Kung talagang mahalaga kay Adrian ang isang tao ay ibinibigay nito ng buung-buo ang atensyon sa taong iyon.

At hindi na siya nito binibigyan ng atensyon kaya parang gusto niyang humagulgol. Pakiramdam nga niya isang araw ay magsasabi na ito sa kanyang ‘maghiwalay na tayo’.

KUNG malalaman lang ni Adrian ang mga sinasabi niya kay Rain ay siguradong mabubugbog siya nito pero kailangan niyang umisip ng paraan para hindi magkahinala si Rain sa nangyayari. Saka, tiyak naman niyang hindi paniniwalaan ni Rain ng basta-basta ang mga sinasabi niya.

Eh, bakit parang gusto na niyang umiyak? Tanong niya sa sarili.

Bumuka ang bibig niya para sana itama ang mga sinabi niya pero nagbago ang kanyang isip. Sa alaala niya kasi ay biglang nanumbalik na si Rain ang dahilan kaya palaging malungkot noon si Veronica.

Napabuntunghininga siya. Masasabi niyang wala namang kasalanan si Rain dahil si Adrian naman ang nanligaw kay Veronica pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling ‘ipaghiganti’ si Veronica.

Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil hindi niya tiyak kung ikatutuwa iyon ni Veronica. Malamang hindi. Ang tipo kasi ni Veronica ay ang nagtatanggol ng inaapi ngunit sa mga sinabi niya, para na rin niyang inapi si Rain.

TULOG na mahal ko, kanta niya habang nakatitig siya sa isang garapon. Kung saan nakalagay ang kanyang mahal. Wala siyang pera pang cremate kaya siya na lang ang nagsunog sa kanyang mahal.

Mabuti na lang talaga at malawak ang kanyang lupain. Private property ito kaya walang sinumang makakapasok sa kanyang paag-aari at tiyak din niyang walang magtatangkang pumasok dahil alam ng lahat na hindi siya mabait.

Pero, ibang klase siyang magmahal. Wagas at tapat. Kaya nga kahit alam niyang galit na galit sa kanya ang mahal niya, hindi niya makuhang iwanan ang kanyang kaligayahan.

Saka, hindi rin naman niya ito madadala sa kung saan-saan dahil malalaman ng lahat na nakapatay siya.

Hindi, hindi, hindi.

Hindi maaaring malaman ng lahat ang krimen na nagawa niya sa kanyang mahal dahil kapag nabuking siya, lahat ng krimen na kanyang ginawa ay bubulwak na rin. Ayaw niyang mangyari kaya kailangan niya talagang mag-ingat.

Lalo na’t hindi pa niya nagagawang ibaon sa hukay ang magiging huli niyang biktima.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.