28.1 C
Manila
Monday, October 21, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter 12

Ang Katotohanan

MASAKIT na masakit ang ulo ni Rain kaya napangiwi siya. Babalikwas na sana siya nang bangon pero hindi niya magawa iyon. Paano ba naman kasi, ang higpit ng yakap niya kay Adrian at ganoon din ito sa kanya.

Bakit yakap-yakap ako ng lalaking ito? Nagtatakang tanong niya gayung naalala niyang may tampuhan sila. Ngunit kahit ganu’n ay hindi naman niya magawang kumalas sa pagkakayakap nito dahil napakasarap naman sa pakiramdam na nasa bisig siya ng lalaking kanyang pinakamamahal.

Nang bahagya siyang tumingala at tingnan ito, napaangat ang isa niyang kilay nang mapagmasdan niya ito. Nakapikit pa ito pero may ngiting nakasilay sa labi nito. Parang masayang-masaya ito nang matulog. Kumunot tuloy ang noo niya. Hindi niya napigilang itanong sa kanyang sarili, bakit kaya?

“Oh, my God!” bulalas niya nang maalala niyang sa inis niya rito ay hindi na siya nagdalawang-isip na inumin ang alak na nasa wine glass nito.

Shucks, anong kalokohan ang ginawa ko? Nag-aalalang tanong niya. Alam na alam kasi niyang nagiging wild siya kapag nalalasing. Bukod doon, nagsasabi pa siya ng katotohanan.

“Ay, tipaklong!” bulalas niya ng biglang dumilat si Adrian. Huling-huli siya nitong nakatitig sa guwapo nitong mukha. Dapat nga ay aalisin na niya ang tingin dito pero hindi niya iyon nagawa dahil parang nahihipnotismo siya sa mga mata nito.

“Hindi ko naman kamukha si Joross, ah.”

“Joross?”

Hayun na naman ang ngiti nitong pilyung-pilyo. Hay, parang malalaglag na naman ang puso niya.

“Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ang pangalan ng first love mo. Hindi ba ang sabi, first love never dies?”

“Anong sinabi ko kagabi?” Kabado niyang tanong.

“Ang dami eh, pero isa lang ang natandaan ko. ‘Yung dialogue na mahal na mahal kitang manhid ka.”

“Talaga namang manhid ka!” singhal niya rito. Sa palagay niya ay nalaglag na niya ng husto ang sarili niya kaya wala ng dahilan para magkaila pa siya. After all, asawa na naman niya ito.

“Bakit ikaw ba, alam mong mahal na mahal na kita noon pa man?” Tanong nito sa kanya.

“Mahal mo ako?” gulat niyang tanong.

“Pakakasalan ba naman kita kung hindi?”

“Kaya pala puro I need you lang ang naririnig ko sa’yo kapag nasa loob ko ang sundalo mo,” nakanguso niyang sabi.

Nagningning ang mga mata nito ng magtanong. “Anong masama sa I need you?”

“Gusto mo lang ng ka-sex,” akusa niya.

He laughed.

Nais niyang mapikon sa tawa nito ngunit hindi niya magawa Ang sarap-sarap kasing pakinggan ng pagtawa nito. Akala niya ay hindi na ito hihinto sa pagtawa kaya nagulat a siya ng tumahimik ang paligid. Pagkaraan, pinakatitigan siya nito at marahang hinawakan ang magkabila niyang pisngi ara sabihing, “When I say I need you it means I love you.”

“Talaga?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. Ngunit, pagkaraan ay nagdesisyon siyang maniwala rito. Nakatitig naman kasi ito sa kanyang mga mata at nagsasaad iyon ng katotohanan. Sabi nga, eyes are the window of your soul.

Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi. “Hindi kumpleto ang buhay ko kapag wala ka. Ikaw, wala ka bang sasabihin?” Marahang tanong nito.

Kumunot ang noo niya. “Anong sasabihin ko?”

“Sabihin mong mahal mo ako.”

Ngumiti siya ng ubod tamis. “Sobra kitang mahal.”

“Hanggang kailan mo ako mamahalin?”

Hinaplos niya ang mukha nito bago sinabing, “Hanggang tumitibok ang puso ko. At kahit mahinang-mahina ang tibok ng uso ko, pilit ko pa ring lalabanan ang kamatayan para sa’yo.”

Ang tamis ng ngiti nito. “So, wala na akong nakikitang dahilan para di matuloy ang sex marathon,” wika nito sabay kindat sa kanya. Tiyak niyang may kung anu-ano ng tumatakbo sa utak nito.

Siya naman ay napalunok. Para kasing ang isang bahagi ng kanyang isipan ay nagsasabi na maghanda siya.

NANG una ay inakala ni Rain na hindi masyadong seryoso ang katagang ‘sex marathon’ kaso 12 hours na yata silang nagtatalik ni Adrian. Titigil lang sila kapag kakain at magsi-cr.

“Game na ulit?” nanunudyong tanong ni Adrian matapos silang mag-dinner Dalawang box na pizza ang kanilang in-order. Nagkasundo pa sila kanina na wala silang tulugan. Ewan niya kung dahil ba sa sobrang kasiyahan kaya parang hindi sila nakakaramdam ng kapaguran. Ang nais lang nila ay makita at makapiling ang isa’t isa.

“Baka naman magka-appendicitis tayo sa ginagawa natin,” biro niya.

Nakangisi ito ng tingnan niya. Gusto ko lang bumawi sa ilang taong pagtitikis ko. Biro mo ng mag-best friend pa lang tayo ay madalas tayong magkatabi sa kama pero embrace lang ang pwede kong gawin. Ang hirap kaya sa pakiramdam noon. Pero, mas nahirapan ako ng maging kayo ni Karl, imagine hindi na kita natatabihan.”

“Dumami naman ang babae mo.”

“Hindi naman sila ang mahalaga sa akin kundi ikaw.”

“Mas maigi ngang magpahinga muna tayo sa sex marathon natin.”

“Bakit naman?” Masama ang mukhang tanong nito.

“Ang cute mo kahit nakasimangot. Mas gusto ko kasing marinig ang confession mo kung gaano mo ako kamahal,” aniyang kinikilig pa.

“Ako lang ba ang sobrang nagmamahal?” tudyo nito sa kanya.

“Magaling kasi tayong magtago ng feelings natin sa isa’t isa Siguro dahil ayaw nating masira ang friendship natin kapag naging mag-boyfriend-girlfriend tayo tapos di nagtagumpay.”

“Kaya nga kasal ang alok ko para wala kang kawala.” Nakangising sabi ni Adrian.

“Gutom na ako,” sabi niya.

“May pizza pa.”

“Hindi sa pagkain.”

“Saan?” nakangising tanong nito.

“Itatanong pa ba iyon?” nakangiting tanong niya sabay dakma sa sundalo nito. Nang mapamura nito ang lakas ng kanyang paghagikgik.

“SOBRANG saya mo, ah.”

Naglaho ang ngiti sa labi ni Rain nang makilala niya ang may-ari ng boses. “Karl.”

Matalim na matalim ang tingin nito sa kanya. “Sa palagay mo ba ay magtatagal ang sayang nararamdaman mo?”

Nagsalubong ang kilay niya. “Huwag ka ngang umasta na para bang ako ang may kasalanan sa break up natin.”

“Hindi nga ba?” naghahamong tanong nito sa kanya.

“Niloko mo ako,” paalala niya rito.

“At ako ba, hindi mo ako niloko?” sarkastikong tanong nito sa kanya. “Hindi ba bago pa man maging tayo, mahal na mahal mo na ang best friend mo? Maikukunsedera rin ‘yang kataksilan. At ang mga taksil, pinapatay!” wika nito saka inilabas ang kutsilyong hawak nito at iniamba sa kanya.

“HUWAG!”

Napabilis ang paglapit ni Adrian sa nang sumigaw si Rain. Nasa terrace siya at katatapos lang nilang mag-usap na mag-ina dahil may masama itong balita. Na dahilan para makaramdam siya ng matinding pag-aalala.

“Wifey…” untag niya.

Bigla naman itong dumilat nang bahagya siyang yugyugin. Alam niyang nagkaroon ito ng masamang panaginip kaya ganu’n na lang ang takot na nababanaag niya sa mga mata nito.

“Adrian…?”

“Ako nga,” nakangiti niyang sabi. “Akala mo ba si Leonardo ang nabungaran mo?”

Ang intensyon niya ay pangitiin ito para sa pamamagitan nu’n ay makalimutan nito kung anuman ang rason kaya’t nakakakita siya ng takot sa mga mata nito, ngunit, hindi nangyari ang kanyang gusto. Bagkus, bumalong pa ang luha sa mga mata nito na talaga namang nagpapahirap sa kanyang kalooban. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ang makita itong umiiyak.

“Hubby..” wika nito sabay yakap ng mahigit sa kanila wari’y nakikiusap na protektahan niya ito.

Malalim na buntunghininga ang pinawalan niya nang maalala ang sinabi ng kanyang ina. “May tumatawag dito sa bahay sinasabing may katapusan ang kaligayahan ninyo ni Rain. Nagbabanta ang boses siya kaya natatakot ako para sa inyo lalo na kay Rain. Sa kanya galit na galit ang caller.”

Nagtangis ang bagang ni Adrian. Ang naisip niya ay si Karl ang may kagagawan noon. Kahit na sa palagay niya ay wala naman itong kakayahan na gumawa ng marahas na hakbang, may layunin naman itong guluhin ng husto ang ang kanilang isipan. Hanggang sa sila mismo ni Rain ang makaramdam ng takot upang hindi makapag-isip ng tama.

“May monster ba sa panaginip mo?”

Sunud-sunod ang pagtango ni Rain.

“Huwag kang mag-alala. I will be your knight in shining armour. Huwag kang matakot,” wika niya habang hinahaplos ang bukok nito. Gaya ng ginagawa niya kapag umiiyak ito nu’ng mga bata pa sila.

“Huwag mo akong iiwanan,” nakikiusap nitong sabi sa kanya.

“Never,” mariin pa niyang sabi rito saka mas hinigpitan pa ang yakap kay Rain.

EWAN ni Rain kung bakit ang takot sa kanyang dibdib ay hindi pa rin mawala-wala. Pakiramdam niya ay may mga matang laging nakamasid sa kanya. Kung dahil pa iyon sa masamang panaginip niya ay hindi niya alam Basta ang alam niya ay hindi kampante ang kalooban niya nitong nakalipas na araw kaya’t agad siyang pumayag ng sabihin ni Adrian na magbakasyon sila sa Tarlac — sa Hacienda Rosales.

Ang Mama Sylvia niya ang Rosales at tiyuhin nito nito ang namamahala ng hacienda. Minsan na siyang nakapunta roon kaya alam niyang magandang setting iyon kung hinaharap talaga niya ang pagsusulat. Ngunit dahil mas mahal naman niya ang photogray ay siguradong mas marami siyang larawan na makukunan.

“Ang ganda talaga rito,” manghang-manghang sabi ni Rain nang pumasok na ang sasakyang minamaneho ni Adrian sa arkong may nakasulat na Hacienda Rosales. Kahit na puro palayan at tubo ang nakikita niya bukod sa mga trabahador ay ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Pakiramdam din kasi niya ay para siyang ibong nakakawala sa hawla. Kunsabagay, talagang ganoon ang nararamdaman niya dahil top down ang sasakyan ni Adrian kaya’t malayang-malaya rin ang hanging humahampas sa kanyang mukha.

“Gusto mo bang dito tumira?” tanong ni Adrian.

“Kahit saan. Basta nandoon ka.”

Tinapunan muna siya nito ng tinging punung-puno ng pagmamahal “Kaya lalo akong nai-in love sa’yo. Lagi mo akong pinapakilig.”

“Love you,” wika niyang nanghahaba ang nguso. Nitong nakalipas na aaw ay gustung-gusto niyang natitikman ang maiinit nitong halik at yakap. Bukod pa siyempre doon ay gustung-gusto niyang nagma-marathon sila.

Mabilis naman niya akong binigyan ng mabilis ngunit mainit na halik sa labi na talagang nakapagpangiti sa akin ng ubod tamis. Damang-dama niya kasi ang pagmamahal ng asawa.

“I love you, wifey!” sigaw pa ni Adrian.

“Binobola ka lang niyan,” wika ng tinig sabay halakhak.

Nasa bukana na sila ng mansyon ng mga Rosales at ang sumigaw ay nasa ikatlong palapag. Hindi niya naigilan ang mapangiti sabay kaway nang makita niya ang pinsan ni Adrian — si Jeremias Rosales, short for Jeremy.

“Ulol!” ganting sigaw naman ni Adrian na parang makalunok ng microphone. “Sa lahat ng babae, itong si wifey ang hindi ko mabobola at never na bobolahin.”

“MABUTI naman at nagkatuluyan din kayo niyang si Adrian,” nasisiyahang sabi ni Lolo Segundo habang nasa salas kami at nagkukuwentuhan. Sina Adrian at Jeremy naman ay nasa may veranda at mukhang seryosong-seryoso ang pag-uusap.

“Torpe po kasi si Adrian,” wika niya sa tonong nagsusumbong.

Ang lakas nang tawa ng matandang lalaki. Sabi kanina ni Lolo Segundo ay nasa 60 years old na ito pero dahil sa kasiyahan na nakikita niya rito’y parang bumata ito ng sampung taon. “Ang playboy kong apo torpe pagdating sa babaeng tunay na minamahal?” hindi makapaniwalang tanong nito.

Umiinom siya noon ng kape kaya hindi siya agad nakasagot. Sa kabila noon ay hindi niya maintindihan ang sarili ng bakit nagugustuhan niyang uminom ng kape pagkatapos kumain. Ibig niya iyong maraming gatas.

“Mabuti naman at nagkalakas ng loob na manligaw.”

“Hindi nga po nanligaw. Nag-alok na lang ng kasal,” nakangiti niyang sabi. “Love ko naman ko kaya tinanggap ko agad. Baka pa po kasi magbago ng isip.”

Muli ay napahalakhak ang matandang lalaki. Ngayon lang kasi sila muli nagkakuwentuhan. Dahil nang mag-attend ito ng kasal nila ni Adrian ay sandali lang ito, hindi nga nag-overnight sa bahay ng pamilya ng kanyang asawa at kung sakali man, wala rin silang panahong makapag-usap dahil busy sila ni Adrian sa isa’t isa.

“Hay naku…”

“Bakit po?” nagtatakang tanong niya rito pagkaraan. May pag-aalala rin siyang naamdaman dito dahil ang emosyon nito ay dagling nag-shift sa kalungkutan.

“Naisip kong sana ganyan din si Jeremias.”

Kumunot ang noo niya. “Ano pong ibig ninyong sabihin?”

“Gusto ko na magkaapo,” anitong parang nagmamaktol.

Napangiti siya sa sinabi nito “Dapat po yatang magpakasal muna si Jeremy bago kayo magkaapo.”

“Iyon nga, ayaw mag-asawa.”

“Baka naman po di pa nai-in love.”

“Nai-in love na pero hiniwalayan ang babae dahil sa pangarap niyang maging ahente,”

“Agent po,” pagtatama niya.

Bata pa lang kasi si Jeremy ay pangarap na nitong maging pulis. Madalas kasi itong magbakasyon kina Adrian noon tuwing summer kaya pati sila ay naging magkaibigan. Iyon nga lang laging nakapagitan sa kanila si Adrian. Ang katwiran ni Adrian, ito lang ang dapat niyang maging best friend.

“Ewan ko kung anong mapapala niya gayung nasa panganib naman lagi ang kanyang buhay.”

“Gusto po kasi niyang maging tagapagtanggol ng naaapi at tagapagligtas ng mga napapahamak.”

“Ang dapat pamahalaan niya itong hacienda at magkaroon siya ng tagapagmana. Ang tradisyon kasi ng pamilya Rosales, tanging ang mga lalaki lamang ang maaaring mamahala nitong hacienda. At dahil ako ang lalaki sa aming magkapatid, si Jeremy ang tagapagmana nitong hacienda. Kaya, hindi dapat maputol sa kanya ang aming lahi,” mariing sabi nito at kitang kita sa mukha nito ang panggigigil. Kung kaharap lang nito si Jeremy nang mga oras na iyon ay siguradong nasasakal na ito ng ama. “At hindi dapat bastardo. Gusto ko legal kong apo kaya dapat siyang mag-asawa. At dapat ay pakasalan niya ang ex-girlfriend niya dahil doon siya talaga magiging maligaya.”

Napangiti siya ng may maisip at hindi niya napigilang ibulalas. “Baka naman mamaya niyan ay magpagawa pa kayo ng testamento na nagsasabing makukuha lang ni Jeremy ang buong asyenda kapag pinakasalan niya ang ex-girlfriend at nagkaanak sila..”

Mapapitik ito. “Bright idea!”

“Ho?” gilalas niyang sabi.

“TALAGANG hindi pa rin ako makapaniwala na ang playboy kong pinsan na tinuruan pa akong mambabae ay kasal na.”

Ang lakas nang tawa ni Adrian sa sinabing iyon ni Jeremy. “Ikaw naman kasi, hindi ka um-attend sa kasal namin.”

“May operasyon kasi kami nu’ng time na iyon.”

Isang special agent si Jeremy na nasa grupong ‘the Dragons’ kaya naman lagi itong sumusuong sa panganib. Kung sa tingin ng ibang tao na mapanganib ang uri ng trabahong mayroon ito, tiyak niyang para kay Jeremy ay isa iyong kasiyahang hindi mapapantayan. Mga bata pa lang sila ay paulit-ulit na nitong sinasabi na iyon ang pangarap nito, maging isang tagapagligtas.

Kaya naman may laro sila noon na si Jeremy ang pulis, siya ang kidnaper at si Rain naman ang hostage tapos kapag nasukol na siya ni Adrian ay hihilingin naman niyang ikasal sila ng kanyang hostage.

“Mabuti naman at wala kang trabaho ngayon.”

“Naka-leave ako dahil ayaw akong tantanan ng Lolo,” naiiling nitong sabi sabay hugot nang malalim na buntunghininga.

Hindi man magsalita si Jeremy ay alam niyang matindi rin ang bigat na nararamdaman nito sa dibdib ngayon dahil kahit na mayroon itong trabaho ay may responsibilidad din ito sa Hacienda Rosales na di nito matatalikuran. Dahil bilang anak ni Segundo Rosales, ito pa ang panganay na apo ng kanyang Lolo Segundo kaya si Jeremy lang direktang tagapagmana ng Hacienda Rosales at hindi lang ang hacienda ang responsibilidad nito kundi lahat ng tauhan na umaasa rito. Kaya naman itong pagpipilian kundi sundin ang tradisyon ng kanilang pamilya. Gayunman, nang magtapos nito ng Bachelor of Science in Agriculture ay hindi na rin ito naawat ng ama na kumuha ng Criminology at sumailalim sa iba’t ibang training para naman matupad ang pangarap nito.

“Masarap ang buhay may asawa.”

“Ayokong ilagay ang buhay ng magiging asawa ko sa panganib,” malungkot nitong sabi.

“Kaya, nakipag-break ka nu’n kay Katrina?”

Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito. “Mas magiging maligaya siya kung hindi ang tulad ko ang pakakasalan niya.

“General din naman ang ama niya.”

“Retired na.”

“Hindi mo na ba siya mahal?”

“Sa trabaho ko, hindi dapat pairalin ang emosyon. Kaya, masuwerte ka, walang sagabal sa relasyon ninyo ni Rain.”

“Dyan ka nagkakamali.”

Maang itong napatingin sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”

“Dinala ko dito si Rain para sa ex-boyfriend niyang nanggugulo.”

“Ex-boyfriend?”

“Yup.”

“Nasingitan ka? Di ba bantay sarado sa’yo si Rain?” Mangha nitong tanong.

“Sinagot ni Rain para makalimutan niya ang feelings niya sa akin dahil marami naman daw akong girlfriends,” wika niya sabay hugot nang malalim na buntunghininga. Kahit nga bihira lang siyang magpunta ditto sa Tarlac ay nagkaroon din siya ng girlfriend. Napatitig siya kay Jeremy nang maalala niyang best friend nga pala nito si Veronica.

“Sa madaling salita, nilabanan ninyo ang feelings ninyo sa isa’t isa. Mabuti nag-break ang dalawa?”

Nagtangis ang bagang niya nang maalala ang nangyari sa MAG Corner. “Niligawan lang ni Karl si Rain para mapakasalan ang ex kong si Emily.”

“Teka..” wika ni Jeremy. Base sa pagkakakunot ng noo nito ay halatang naguguluhan ito.

“Bakit?”

“May hindi akma sa kuwento mo?”

May mali, iyon din ang sinabi sa kanya ni Rain dahil sa ginawang pagpapadala ni Karl ng patay na pusa. Bakit nga daw kailangan nitong gawin iyon samantalang kung tutuusin ay ito ang may kasalanan sa kanya? Ngayon ay si Jeremy naman ang nag-react at hindi nakapagtataka ang reaksyon nito dahil nga sanay itong humawak ng kung anu-anong krimen.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Kung plano lang pala ng guy na lokohin si Rain, bakit kailangan niyang manggulo ngayon?”

Bigla siyang natigilan.

“Napa-blotter ba ninyo ang guy?”

“Hindi pumayag si Rain na ipa-blotter ang luko-luko na iyon nang magpadala ng patay na pusa.”

“Patay na pusa?”

“Ginilitan ng leeg ang pusa saka iniregalo sa amin.”

“Shit! Ang mga ganyang kaso ay di dapat pinalalampas. Malinaw na isang uri ‘yan ng pagbabanta. Na kahit takbuhan, hindi ninyo matatakasan kung hindi ninyo haharapin.” Napamura na naman si Jeremy nang may maalala. May ganyang kaso kaming hinawakan years ago pero hindi pa nasu-solve dahil hindi naman nagma-match sa suspect namin ang ebidensyang nakuha. Anong pangalan ng ex-boyfriend ni Rain?”

“Karl Villaroman.”

“Karl Villaroman?” manghang bulalas ni Jeremy. Kunwa’y kinuha nito ang cellphone sa bulsa. Nagpipindot ng ilang sandali pagkaraan ay iniharap sa kanya ang cellphone nito bago nagtanong. “Siya ba ang ex-boyfriend ni Rain?”

“Bakit may picture ka ng hayop na ‘yan?” gulat niyang tanong.

Mataman siyang tinitigan nito bago dahan-dahang sinabing, “Kasangkot siya sa mga serial killings.”

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.