29.7 C
Manila
Sunday, September 8, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter 10

Ang Regalo

NAHIHIRAPAN mang maglakad ang Mommy at Mama ni Rain, hindi naman maipagkakaila ang pagkasabik sa kanila ni Adrian kaya ang higpit ng yakap ng mga ito sa kanila.

“Mukhang hiyang na hiyang kayo sa isa’t isa,” natutuwang sabi ng kanyang Mommy na sinang-ayunan naman ng best friend nito. Ang mga mata ng mga ito ay nagniningning dahil sa labis na kasiyahan. Matagal na kasing pinapangarap ng kanilang mga magulang na maging isang pamilya sila.

“Matino ba ‘yang anak ko?” tanong naman ng biyenan niyang babae. Buong tiim pa itong nakatingin sa kanya na para bang gustong magsumbong siya kapag may hindi magandang ginagawa si Adrian.

“Good boy po ‘yan,” sabi naman niya saka tinapunan ng mapagmahal na tingin si Adrian. Hinaplos pa niya ang mukha nito. Dahil sa nasa honeymoon stage a sila ay nagpasya itong huwag munang pumasok sa opisina nito. May mga assistant naman kasi itong mapagkakatiwalaan talaga.

Halatang nasiyahan si Adrian sa sagot niya kaya niyakap siya nito sa beywang ngunit hindi napigilang magbiro. “Ma, kung hindi ako magtitino baka makatikim ako ng flying kick.”

Ang biyenang lalaki naman niya ang nagsalita. “Aba mabuti naman kung ganoon. Kung magloloko siya, lagot siya sa amin ng daddy mo.”

“Naku po, ang daming kakampi,” natatawang sabi ni Adrian saka buong lambing na hinalikan siya sa noo.

Maya-maya naman ay sumingit na nagtanong si Yaya Marcela. “Wala pa ba akong aalagaan?”

“Malapit lapit na panay na ang overtime ko,” pilyong sagot ni Adrian sabay kindat sa kanya.

Dahil kasama nila ang buong pamilya nila ni Adrian ay sobra-sobra ang kaligayahang nararamdaman niya. Nawala tuloy sa isip niya ang madalas sabihin noon ng ina na kung minsan, may kapalit na negatibong emosyon kapag naging sobrang saya. Katakut-takot kasi ang kanilang kuwentuhan at tawanan.

Mag-a-alas kuwatro nang magpaalam na si Adrian. Tapos na silang magmeryenda at tumanggi na ito na doon na sila mag-dinner. Ang katwiran nito ay baka masyado silang gabihin sa daan. Napangiti siya ng tapunan niya ito ng tingin dahil hindi niya pinaniwalaan ang alibi nito. Alam niya kung anong dahilan kung bakit ito nagmamadali. Sisingilin ang pangako niyang marathon.

“‘Yung regalo ninyo diyan ay dalhin na ninyo,” sabi ni Yaya Marcela

Nakakunot ang noo nila Adrian nang makita ang regalong tinutukoy ng kanyang ina dahil hindi naman wedding wrapper ang ginamit. Sa pagkakatitig nga niya sa balot na iyon ay parang may pamilyaridad siyang naramdaman. Kunsabagay ganoong mga wrapper ang binibili niya kapag may nireregaluhan siya.

“Buksan mo na kaya ‘yang regalo,” wika niya kay Adrian. Ewan niya kung bakit kinakabahan na naman siya.

Sununod naman siya ni Adrian. Sabi nga nito, lahat ng gusto niya ay susundin nito. Ngunit siyempre, hindi naman maaaring ganoon na lang palagi. Kaya nga hangga’t kaya niya ay sinusunod din niya ang lahat nang maibigan ng kanyang kabihak.

“Shit!” bulalas naman nito maya-maya dahil umalingasaw ang masangsang na amoy buhat sa regalo.

Hindi tuloy niya napigilan ang magsuka, lalo na ang patay na pusa na alaga nila ni Karl.

NAKAUWI na sina Adrian at Rain sa kanilang bahay pero hindi pa rin makausap ni Adrian si Rain dahil panay pa rin ang iyak nito. Kaya, wala siyang magawa kundi yakapin ito nang mahigpit na mahigpit. Habang panay ang hagod niya sa likod nito.

“Kawawa naman si Kitty,” tukoy ni Rain sa patay na pusang nasa regalong ipinadala sa kanila. Obviously, si Karl ang nagpadala noon sa kanila. Ayon kasi kay Rain, si Kitty ay ibinigay nito sa ex-bf.

Naputol nito sa kalye ang pusa at dinala sa bahay ng ex-boyfriend. Gusto daw sanang iuwi iyon ni Rain pero tumanggi si Karl. Mas maaalagaan daw kasi sila si Kitty kapag sa bahay nina Karl dahil pakiramdam daw ni Karl ay hindi ito welcome sa tahanan nina Rain..

“Shhh…”

“Ang tanga-tanga ko talaga.” Naiinis na sabi sabi ni Rain sa sarili.

Hindi siya sanay na nakikitang mahina si Rain kaya naman parang dinurog ang puso niya ng mga sandaling iyon. Para tuloy gusto niyang ituloy ang naisip na pambubugbog noon kay Karl. Ang kapal ng mukha nitong padalhan sila ng patay na pusa gayung ito ang may kasalanan kung bakit ito hiniwalayan ni Rain. Kung siya at ang mga magulang nila ni Rain ang masusunod, gusto nilang ipa-blotter ang Karl Villaroman na iyon pero kumontra si Rain. Sabi nito ay ayaw na nito ng gulo.

Sang bahagi ng vital organ niya ang kumokontra sa dahilan nito. Para kasing tuksong sinasabi ng utak niya na may pagmamahal pa si Rain sa dating kasintahan. At sa kaisipang iyon ay labis siyang nasasaktan.

“Bakit ba sa kanya ko pa iniwan si Kitty?” Wika nitong parang sising-sisi. Siguro iniisip nitong kung ito ang nag-alaga ng pusa, buhay pa ang pusang tinatawag nitong Kitty.

Sa mga sinabi ni Rain ay parang gusto na niyang mangiti. Para naman kasing wala itong iniisip kundi ang patay na pusa. Gayunpaman, ayaw pa ring tumigil ng demonyo sa kanyang isipan at parang tuksong tinatanong siya, sasabihin ba sa’yo ni Rain na iniisip niya ang kanyang ex-boyfriend?

“Hindi mo naman alam na mangyayari iyon,” sabi niya para kahit paano ay gumaan ang loob nito.

Tumango siya. “Magaling kasi siyang magpanggap.”

“Dahil kinuha niya ng husto ang loob mo.”

Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito.

“Pwede bang makahingi ng pabor?” malungkot niyang tanong.

Maang na napatingin si Rain sa kanya.

“Pwede bang kalimutan mo na si Karl?” Mahinahon niyang tanong dito. Pakiramdam kasi niya kapag naaalala ni Rain ang ex-boyfriend, binabalikan lang ni Rain ang nakaraan ng mga ito.

“Ha?”

See? Nang-aasar pang sabi ng atribidang bahagi ng kanyang isipan. Kitang-kita sa reaksyon ng Rain mo ang kanyang pagkalito.

Rain mo.

She’s yours.

Pero buung-buo nga bang sa’yo siya?

O, baka namang katawan lang niya ang nakuha mo.

She loves me, mariin niyang kontra sa sarili.

Ilang beses na niyang narinig kay Rain na sinasabi nitong mahal siya at naniniwala siya roon. Ngunit, sapat na ba iyon para makalimutan ni Rain ang dalawang taon na pinagsamahan nito at ni Karl?

Sa inis niya tuloy ay nasabi niyang, “Ako kasi ang asawa mo tapos ibang lalaki ang nasa isip mo.”

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.