Chapter 1
DAHIL sa mabilis niyang natapos ang Administrative work na ibinigay ng employer na si Sean James, nagkaroon pa siya ng extra $25 kaya’t ang laman ngayon ng paypal account niya ay $100. Sa sobra tuloy katuwaan na kanyang naramdaman, napapalakpak siya ng todo. Kung ‘di nga lang niya naalala na alas-dos na ng madaling araw ay baka napatili pa siya. Paano ba naman kasi, dalawang araw lamang niya iyong ginawa pero kumita na siya ng P4,700.
Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Leah Lantin. Naisip kasi niyang never niyang pagsisisihang nag-resign siya sa trabaho at tumutok na lang sa kanyang online job. Administrative Assistant at Creative Writer ang trabaho niya sa Outsourcing company na pinagtatrabahuhan niya na matatagpuan sa America. Mula sa iba’t ibang bansa ang kanyang mga boss.
Sa isang linggo, kalimitan ay kumikita siya ng 5 thousand at kung minsan higit pa, tulad ngayon. Hindi lang naman kasi fixed ang kanyang nakukuha, pati hourly kaya kung susumahin, siyam na libong piso ang kinita niya sa isang linggo. Kaya naman, masasabi niya na marami-rami na rin naman siyang naipon. Hindi naman kasi siya magastos, at wala na rin naman ang kanyang mga magulang.
Aray! May sakit na naman siyang naramdaman nang maalala na naman niyang ulila na nga pala siya. 4 years ago, sabay na nawala ang mga ito sanhi ng vehicular accident. Pauwi na ang mga ito galing sa pagsisimba nang salubungin at banggain ito ng owner type jeep na nawalan ng preno. Kahit nakakulong na ang driver, hindi pa rin gumagaan ang kanyang pakiramdam. Paano ba naman kasi, never ng mababago ang katotohanan na niyang makakausap, makakasama at mayayakap ang kanyang mga mga magulang. At iyon ang labis na nagpapahirap sa kanya.
Pero, kahit na maagang nawala sa buhay niya ang kanyang mga magulang, hindi naman siya nakaramdam ng paghihirap. Bukod naman kasi sa nakapagtapos na siya noon ng pag-aaral, may house and lot pa itong ipinamana sa kanya. Kaya naman masasabi rin niya na buhay reyna na rin siya. Gayunman, hindi naman siya ang tipo ng tao na mabubuhay na walang ginagawa kaya work pa rin siya nang work. Saka, bukod sa sarili, may isa pa siyang responsibilidad.
“Zacky!Come na, Zacky,” tawag niya sa kanyang aso matapos niyang i-off ang kanyang laptop. Ang regalo sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Jordan bago sila mag-break last year. “Time to sleep na.”
Kumunot ang noo niya nang hindi siya nito lapitan agad gayung nakabukas naman ang pinto ng kanyang kuwarto. Sanay kasi siyang lumalapit ito kaagad kapag tinawag niya. Kaya naman nakaramdam siya ng kaba. Alam niyang may kakaibang nangyayari. Bilang pet parent, alam niyang may kakaiba sa kanyang ‘anak’.
“Oh my God!” gilalas niyang bulalas nang makita niyang nakahiga ito sa sofa. Nang una ay inakala niya na natutulog na ito. Kahit tila kampante na ito sa pagkakahiga, pinili pa rin niyang lapitan ito. Alam kasi niyang mas magiging kampante ito sa kama, sa kanyang tabi. Nang mapalapit naman siya rito, tumingin ito sa kanya pero ‘di itinaas ang ulo. Malaking bahagi tuloy ng isipan niya ang nagsasabi na masama ang pakiramdam nito.
“Zacky,” wika niya saka tinabihan. Marahan pa niyang hinimas-himas ang mapuputi at manipis nitong balahibo. Kahit na askal lamang ito sa paningin ng marami, sa kanyang puso naman, sobra itong espesyal.
“Masama ba ang pakiramdam mo?” nag-aalala niyang tanong.
Bagamat wala namang salitang lumabas sa bibig nito, tumingin naman ito sa kanya na parang nagsasabi ng ‘oo’.
Hinipo niya ang ilong nito. Sabi kasi kapag daw tuyo ang ilong ng aso ay masama raw ang pakiramdam. Kailangan daw kasi, malamig at basa iyon para masabing okay ang pakiramdam nito. Bagamat tuyo naman ang ilong nito, hindi iyon ang nagpagilalas sa kanya kundi dahil sa napakainit ng singaw ng katawan nito. Ngayon lang kasi niya nadiinan ang paghaplos sa katawan nito. Ibig sabihin, may lagnat ito.
Kaya naman, hindi niya napigilan ang labis na mag-alala. Pakiwari niya kasi’y may masamang mangyayari rito kapag hindi siya kumilos agad.
Sunud-sunod ang kanyang pag-iling. Hindi siya papayag na may masamang mangyari rito. Ito na lamang ang kanyang pamilya kaya hindi niya papayagan na magkasakit ito ng matindi. Kailangan, ay gumaling ito kaagad.
Relax…relax, sabi niya sa sarili. Inhale-exhale. Baka kasi kapag hindi siya nakampante ng husto ay bigla na lamang siyang magsisisigaw.
Ang aso naman kasi ay para ring tao. Kung nilalagnat, dapat lamang na malamigan ito. Kaya kahit na may kabigatan ito, pinili pa rin niyang buhatin ito. Sa tingin naman niya, talagang masama ang pakiramdam nito kaya ‘di nagreklamo kahit na binuhat niya.
Naisip niya na kailangan niya itong bigyan ng cold compress kaya naman, agad siyang nagpunta sa cr at kumuha ng malamig na malamig na tubig at saka bimpo. Ipapahid niya iyon sa katawan nito. Tapos ay binuksan pa niya ang aircon para tuluyan ng mawala ang init ng katawan nito. Sa pagkakataong ganoon, hindi niya iniisip ang pagtitipid. Ang mahalaga sa kanya ay mabigyan ng kaginhawahan ang pinakamamahal niyang alaga.
Kung sabihin man ng marami na nababaliw siya dahil itinuturing niya si Zacky na parang tao, wala siyang pakialam. Basta ang alam niya, mahal na mahal niya ang alagang aso kaya ipaglalaban niya ito kahit kanino. Maging kay Kamatayan.
Oh, parang gusto niyang batukan ang kanyang sarili. Para kasing masyado na siyang nagiging OA. Malalalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan saka pilit kinumbinse ang sarili na nilalagnat lang ang kanyang alaga. Siyempre, hindi naman bakal ang katawan nito para hindi tablan ng sakit lalo pa nga at mahilig itong tumambay sa init ng araw.
“Zacky, magpagaling ka, ha. Alam mo namang mahal na mahal kita,” naiiyak niyang sabi.
Para namang dama rin nito ang kanyang paghihirap kaya parang nagpipilit itong bumangon pero inawat niya ito. Tinabihan pa niya ito at niyakap. Pagkaraan ay ilang beses pa niya itong hinalikan sa noo at nguso. Kailangan ay maramdaman nito ng todo ang kanyang pagmamahal para mas lumaban ito.
Pagkunwa’y hindi na siya nakapagpigil. Napaiyak na siyang tuluyan. Para kasing nakita niya sa kanyang isipan ang mga magulang niya nang bigla siyang iwan ng mga ito. Hindi niya iyon napaghandaan at ayaw niya iyong maulit sa kanyang pinakamamahal. Wala na kasi niyang maituring na kapamilya kundi ito.
“Huwag na huwag mo akong iiwanan, ha,” pakiusap niya rito.
Hiling niya ay mag-okay na ang pakiramdam nito.
Kung sakaling hindi pa rin ito mag-okay bukas, pangako niya sa sarili ay dadalhin na niya ito sa beterinaryo.
“WHAT are you doing?”
Sa tanong na iyon ng beterinaryong si Albert Vallejos, napa-straight ng tayo si Leah. Hindi niya kasi namalayan na ginagaya niya ang ginagawa ni Zacky. Inaamuy-amoy din niya ito. Ewan lang niya kung ginawa niya iyon dahil sa gusto niyang tulungan ang alaga sa pagkakilala dito o dahil may kaiga-igayang hatid ang amoy nito kaya parang gusto niya itong langhapin nang langhapin.
“Oh,” hindi niya napigilang ibulalas. Nang tumuwid kasi siya nang tayo, saktung-sakto sa kanyang mga mata ang mapupula at maninipis nitong mga labi. Muli siyang napabulalas ng ‘oh’ dahil gahibla lang ang pagitan nila sa isa’t isa kaya ramdam niya ang buga ng mainit nitong hininga. Hindi niya tuloy napigilan ang mapasinghap. May hatid kasing kakaibang kilabot iyon sa kanya.
Hindi nga niya magawang alisin sa mga mata nito ang kanyang tingin. Pakiwari niya kasi ay may kung anong klaseng kapangyarihan itong taglay kaya ‘di niya maalis-alis dito ang kanyang tingin.
“Supportive kasi ako, eh.”
“Huh?”
“May sipon kasi si Zacky kaya ako na ang tumulong sa kanya para masiguro ko rin na mabuti kang tao.
“And…anong hatol mo?”
“Mabango ka,” nadulas niyang sabi pero naging maagad siya. Agad niya iyong binawi. “I mean, mukha namang mabuti kang tao.”
“Talaga.”
“At guwapo pa,” bulong niya sa sarili.
“Thank you.”
Napasinghap siya. Hindi niya kasi akalain na maririnig nito iyon. Kunsabagay, totoo naman ang kanyang sinabi. Mala- Aga Muhlach nga ang hitsura nito. Maamo kasi ang mukha nitong perpekto ang anggulo. Kahit kasi saan ito tumingin ay hindi maipagkakaila ang kaguwapuhan nito. Mala-diyamante kasi ang mga mata nito na may mahahabang pilik, wari’y nililok ng magaling na iskultor ang ilong nito at parang kaysarap halikan ng lips nito. Tapos may dimples pa ito sa magkabilang pisngi, super lalim iyon kaya kahit na nagsasalita lang ito’y sumusulpot iyon. Mas tumingkad pa nga ang katangian nito dahil mestizo ito, malapad ang pangangatawan at matangkad. Sa tingin niya ay lagpas 6 footer pa ito kaya kahit na 5’6 na siya ay nagmukha pa rin siyang maliit ng mapatabi rito.
“Super ganda ka rin,” anito.
Kahit hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang namula siya ng husto. Nang sabihin kasi nito sa kanya ang mga katagang iyon ay matiim itong nakatingin sa kanya. Pakiramdam pa nga niya’y nangangako ito na totoo ang sinasabi nito.
“Sa tingin ko nga ay mas maganda ka pa kay Anne Curtis.”
Bagamat marami naman ang nagsasabi na ka-look alike niya si Anne Curtis, ngayon lang siya naapektuhan ng ganito. Hindi kasi nito inaalis ang tingin sa kanya. Wala nga itong kakurap-kurap. Pakiwari nga niya’y natatakot ito na bigla na lang siyang maglaho sa paningin nito.
“Ano ba ang problema ng dog mo?” tanong nito.
Hindi agad siya nakasagot. Paano, may kilig pa siyang nararamdaman. Ngunit pagkaraan, parang mayroong bumatok sa kanya. Paano, naalala niya kung bakit niya ito kaharap.
“Mainit na mainit kasi siya kaninang madaling araw. Parang mataas ang lagnat.”
“Hmmm…what’s his/her name.” tanong nitong nakatingin pa rin sa kanya kaya pang nakalimutan nitong may hawak itong pink na index card.
“Zacky.”
“Pink index card?” nagtatakang tanong nito.
“Babae siya.”
“Zacky. Pangalang lalaki,’ wika nitong pinag-aralan ng iiwas sa kanya ang tingin.
“Yap.”
“Bakit ganoon?”
“Mahabang kuwento.”
“Aabutin tayo ng isang buwan?”
Napangiti niya. “Hindi naman.”
“O, makikinig ako.”
Sa tingin niya ay hindi ito titigil hangga’t ‘di nakukuha ang kanyang kasagutan kaya napangiti siya. Pabebe tuloy niyang inayos ang kanyang buhok. Pero, dahil sa ayaw na niyang mahalata nito ang tensyon na kanyang nararamdaman, agad niya itong sinagot. “Zackyra naman talaga ang name niya.”
“Good dog,” nasisiyahang sabi nito kay Zacky. Hindi kasi umangal ang kanyang aso nang kargahin nito si Zacky at inilagay ang hospital bed para masuri.”
“She’s fine.’
“Really?”
“Normal na ang temperatura niya,” wika nito saka ipinakita pa ang ear thermometer.
“Oh, thanks,” wika niya. Kung hindi nga niya napigilan ang kanyang sarili, baka nayakap pa niya ito.
“Nagka-fever ba talaga siya?’
Tum ango siya. “Hindi na nga ako halos nakatulog. Dahil sobra ang pag-aalaga ko sa kanya. Binigyan ko nga siya ng cold compress, inilagay sa aircon at pinainom ko pa siya ng gamot.”
“Mahal na mahal mo si Zacky, ah.”
“Ang ex-boyfriend ko kasi ang nagbigay sa kanya sa akin at nagbigay ng pangalang Zackyra. Since, hiwalay na kami at ayoko na siyang maalala.”
“Hindi naman siya siguro kamukha ng aso mo para maalala mo siya palagi,”
“Uy, guwapo si Jordan. Mala-Paulo Avelino.”
“Mas guwapo sa akin?”
Bagamat first time lang niyang ipinasuri si Zacky dito at noon lamang niya ito nakilala, parang matagal na niya itong kakilala. Napakagaan kasing kausap nito. Pero, sa tingin niya’y ganoon din naman ito sa lahat ng amo ng pasyente nito.
Kaya naisip niyang walang dahilan para magpadala siya sa biro nito. So, sinakyan na lang din niya ito. “In fairness, lamang ka ng 10 paligo.”
“Kungganoon, dadalasan ko pa ang paliligo.”
“Ha?”
“Para hindi niya ako maabutan.”
Ngumiti na lang siya pero alam niyang mapait na mapait ang kanyang pakiramdam. Naalala niya kasing ganoon din ka-sweet si Jordan. Kaya kung maniniwala siya sa bawat sabihin nito, baka naman umasa lang siya at pagkaraan ay masaktan.
Sa tingin kasi niya, pinagagalaan lang nito ang damdamin niya para huwag gaanong mag-alala kay Zacky.
BEINTE otso anyos na si Albert Vallejos pero hindi pa rin siya nagkakainteres sa mga babae. Kaya naman marami ang nagdududa sa kanyang pagkalalaki. Wala naman daw kasi siyang inatupag kundi ang kanyang pag-aaral at pagkatapos ay ang kanyang karera. Sa University of the Philippines Los Banos siya nagtapos ng Doctor of Veterinary Madicine. (DVM), 6 na taon ang ginugol niya sa kurso na iyon.
Bata pa lamang siya ay alam na niya kung ano ang gusto niyang maging paglaki. Malaki kasi ang pagmamahal niya sa mga hayop kaya naman mas gusto niya ang magpunta sa zoo kaysa mamasyal sa mall. Mas nag-e-enjoy siyang alagaan at laruin ang kanyang mga aso’t pusa kaysa makipaglaro sa kanyang mga kaedad kaya naman madalas siyang tuksuhin. Ngunit hindi naman siya ang tipong pumapatol sa panunukso. Katwiran nga niya, kung ang mga hayop nga ay kanyang minamahal, ang mga kapwa pa ba niya ang sasaktan niya? Siyempre, hindi.
Kahit siya ay nagmula sa mayamang pamilya, nagtayo siya ng Pet Clinic at Pet Shop mula sa sarili niyang bulsa. Hindi naman kasi siya gastador tulad ng nakababata niyang kapatid na si Allan. Ang mga perang ibinibigay ng kanyang mga magulang at ang mga aginaldo na natatanggap niya ay iniimpok niya sa bangko. Nagbabawas lang siya roon kapag may gusto at kailangan siyang bilhin na kalimitan ay para sa kanyang mga alaga.
Mga hayop ang laging nasa utak niya. Not until today.
Bagamat maraming amo ng pet ang dumating ng araw na iyon, malinaw pa rin niyang naalala ang pangalan nito. Parang gusto niyang isipin na dahil lang iyon sa ang alaga nitong si Zacky ang huli niyang pasyente.
Iyon lang ba ang dahilan? ‘Di makapaniwalang tanong niya sa sarili.
Napangiti siya. May kilig pa siyang naramdaman nang aminin niya sa sarili na crush niya ito. Sabi nga niya, mas magandang version pa ito ni Anne Curtis. Mas maamo kasi ang mukha nito.
Mas seksi pa, bulong din niya sa sarili.
Ang lakas ng kanyang pagsinghap nang maalala niya ang vital statistic nito. 36-24-36. Ewan nga lang niya kung alam nitong mala-Diyosa talaga ang ganda nito. Sa palagay niya’y hindi, kaya nito iyon ipinagmamalaki dahil kontento na itong magsuot ng maluwag na t-shirt at pantalong maong.
Ipinilig lang niya ang ulo sa kaisipang naging mapagsuri siya. Para siyang scientist na sumisilip sa microscope.
“Gosh,” hindi niya napigilang sabihin nang makaramdam siya ng kakaibang init na pakiwari niya’y maaaring tumupok sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Kaya naman nagmamadali siyang nagpunta sa ref at kinuha ang pitsel doon, uminom siya nang uminom ng tubig. Ngunit, kahit na nga maraming yelo iyon ay parang ‘di pa rin mapawi ang nararamdaman niya.
Nakaramdam tuloy siya ng galit sa sarili niyang utak. Paano ba naman kasi, may mga tuksong katanungan kasing pumasok doon. Masarap kaya itong yakapin? Sa palagay niya’y ‘oo’ para kasing napakalambot ng katawan nitong malaman-laman. Masarap kaya itong halikan? Sa tingin niya napakatamis ng manipis at mapupula nitong mga labi. At ano kaya ang mararamdaman niya kapag inangkin ito.
Heaven!
Damn! Hindi niya napigilang sabihin dahil nakaramdam siya ng kakaiba. Parang sinasabi ng kanyang sandata na ‘ready, aim…
“Ay, may nakalimutan akong itanong.”
Fire! Wika ng kanyang ‘sandata’ nang muling makita si Leah Làntin
Chapter 2
GILALAS na napasunod ang tingin ni Leah sa tinitingnan ni Alfred Vallejos MVD, sa ibaba nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mapatuon ang tingin niya sa pantalon nito.
“Naihi ka?” mangha niyang tanong. Kahit naman kasi puti ang pantalon nito ay kita pa rin niya na nabasa iyon.
“Of course not,” mabilis nitong sabi. Kitang-kita rin niya ang pamumula ng mukha nito na para bang nakakain ng isang dakot na siling labuyo. “Nagulat lang ako sa pagsulpot mo kaya natapunan ng tubig ang pantalon ko.”
Tumango na lang siya kahit parang hindi siya kumbinsido sa winika nito. Para naman kasing wala siyang nakitang tubig na natapon. Gayunman, nagkibit na lang siya ng balikat. Muli, sinabi niya sa sarili na si Zacky ang dapat niyang intindihin. “Wala na bang kailangang inuming gamot si Zacky?”
“Wala na. Magaling na siya. Pagpahingahin mo na lang.”
Kumunot ang noo niya ng bahagya pa itong tumagilid sa kanya. Wari’y ‘di na ito interesado na makita siya. Napabuntunghininga na lang siya pagkaraan. Paano ba naman kasi, sa ilang minuto ay nag-iba na agad ang pakikitungo nito sa kanya. Para tuloy nakumpirma niya na pinaglaruan lang nito ang emosyon niya kani-kanina lang, kasi’y sobra itong sweet sa kanya.
Men!
“Mabuti naman at mayroon ng vet clinic sa malapit,” sabi niya sa sekretarya. Bahagya pa niyang hinimas ang ulo ni Zacky para maramdaman nito ang kanyang pagmamahal.
“Baka naman mapadalas ka rito.”
“Hindi naman sakitin si Zacky.”
“Good.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Ayaw mo ba?”
“Ha?”
“Kung halimbawa na magkasakit ang alaga ko, ‘di ba dapat advantage iyon dahil may kita ang clinic ninyo?” sarkastiko niyang tanong dito. Kahit kasi gaano siya kahinahon, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng inis kung may umasta sa kanya na para bang hindi kawalan dito ang kanyang presensiya.
Nanlaki ang mga mata nito. Marahil, hindi inaasahan ang kanyang naging reaksyon. Well, nakakabuwisit naman kasi talaga. Gets naman kasi niya kung ano ang tumatakbo sa utak nito na magpapa-cute lang siya sa amo nito.
“Haller, hindi ko type ang lalaking magaling lang mambola,” inis niyang sabi sabay hila kay Zacky. Hindi na rin siya nag-abala pang lumingon, umingit ang pintuan sa opisina ng vet.
So, what kung narinig nito ang kanyang sinabi, totoo naman! Aniyang masama ang loob dahil pakiramdam niya’y binola siya ng todo ng beterinaryong si Albert Vallejos.
Dahil sa okay na ang pakiramdam ni Zacky, sa tingin niya ay wala ng magiging problema kung itutuon na niya ang kanyang atensyon sa kanyang online jobs. Kahit naman kasi natapos na niya ang kanyang mga trabaho nu’ng linggo na iyon, nag-check pa rin siya ng emails. Malaki pa rin kasi ang posibilidad na makatanggap siya ng ‘invitation for interview’ at ‘assignment has begun’.
“Gotcha!” wika niya nang makatanggap siya ng assignment for creative writing. Kailangan daw niyang gumawa ng short story about vampires.
Napangiti siya. Ang paggawa ng fictional stories ang forte niya kaya naman sandali lamang niyang magagawa iyon. Kahit pa sabihing 5,000 words ang kailangan niya.
Hindi niya napigilan ang mapahalakhak nang maisip niya kung sino ang perpektong bida para sa kanyang horror story. Sabi nga pen is mightier than sword. So, hindi dapat pinapasama ang loob ng writer para ‘di maging bida sa gagawin niyang kalagiman.
Napabuntunghininga lang siya’t napailing nang maisip niyang kahit na kontrabida ito’y ‘di pa rin mababago ang katotohanan — super guwapo pa rin ito!
KAHIT masyadong busy si Leah sa trabaho, sinisiguro pa rin niya na never niyang pababayaan ang kanyang sarili. Kailangan din niya siyempreng pangalagaan ang kanyang kalusugan. At ganoon din naman si Zacky. Aba, lahat yata ng sakit ng tao ay maaaring makuha ng aso. Kaya naman, kasama rin niya ito sa pagja-jogging.
Kahit na may kalakihan na si Zacky, tiyak niya na kayang-kaya pa rin niya itong kontrolin. Magwawala lang naman kasi ang kanyang pinakamamahal na alaga kapag may panganib na nakita na maaaring magpahamak sa kanila. Tulad ng ibang aso, pusa ang number 1 nitong kaaway. Pero, mahilig din itong magpa-cute kapag may ibang aso na nakikita.
“Good Morning.”
Nanlaki ang mga mata niya ng malingunan niya ang beterinaryo. “Anong ginagawa mo riyan?” Nanlalaki ang mga matang tanong niya. Nasa loob kasi ito ng bakuran ng katabi niyang bahay.
“Nakatayo.”
Pinatirik niya ang kanyang mga mata. “Pilosopo.”
Ang halakhak nito. “Dito na ako nakatira.”
“Kelan pa?’ mangha niyang tanong.
“Kagabi lang.”
“Ikaw ang bagong tenant ni Miss Claire?” tukoy niya sa dating teacher.
“Yes.”
“Kapit-bahay na kita.”
Tumango ito. “Ang saya, hindi ba?”
Yes, gustong sabihin ng puso niya. Para kasing mapapadalas na mag-ehersisyo ang kanyang puso kapag lagi niya itong makikita.
Heh, saway naman ng utak niya!
“Mabuti iyon para malapit sa clinic mo. Hindi ka na mahihirapan,” nahagilap niyang sabihin. Napabuntunghininga pagkaraan.
Oh no! Iyon naman ang wika ng kanyang puso. Ngayon nga’y nagsimula na iyong maghirap. Dama niya ang pagsisikip nito. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa nitong ngumiti ng super tamis.
“Talagang hindi na ako mahihirapan. Nandito ka na, eh,” wika nito sabay kindat sa kanya.
“Sus,” kunwa’y pagtataray niya.
“Kamusta na si Zacky?” tanong nito pagkaraan ang ilang sandali.
“She’s fine. Sige, una na kami,” wika niya. Hindi na rin niya hinintay pa na sumagot ito. Ang mahalaga sa kanya ay makaiwas dito.
“Ang ganda talaga rito, ano?”
Sa pagkagulat niya sa muling pagkarinig sa boses nito, napa-stop ang kanan niyang paa pero awtomatiko namang humakbang pa ang kaliwa niyang paa. Ang resulta, na-out of balance siya. Ihahanda n asana niya ang sarili sa pagkadapa kundi lang niya naramdaman na umangat siya sa lupa.
May powers na ba siya? tanong niya sa sarili. Ngunit, kahit na ganoon ang nangyari, hindi pa rin niya binibitawan ang tali ni Zacky. Nangamba kasi siyang bigla na lamang itong tumakbo at masagasaan. Ah, baka mamatay din siya kapag nangyari iyon.
Noong panahon na nade-depress siya, si Zacky ang lagi niyang kasama. Hindi man ito nagsasalita pero tagi itong nakatabi sa kanya para ipadama ang pagmamahal sa kanya. Pagkunwa’y hinahalikan din siya nito. Kung ang iba ay nandidiri kapag hinahalikan ng aso, siya ay hindi. Mahal niya ang kanyang si Zacky. At kapag mahal mo ang isang nilalang, matatanggap mo ang lahat sa kanya. Saka wala namang rabies si Zacky. Alaga siya sa bakuna.
“Cotton candy ka ba?”
“Oh,” bulalas niya nang mapagtanto niyang binuhat siya ng beterinaryo. Pakiramdam niya tuloy ay may milyung-milyong boltahe ng kuryenteng nanulay sa kanyang katawan.
Inulit nito ang tanong nang makatayo na siya ng tuwid. “Cotton candy ka ba?”
“Bakit, Mr. Vet?” tanong niya saka pilit tumayo nang tuwid.
“Call me Albert.”
“Why?”
“My name is Albert.”
“Okay,” aniya. Parang gusto niyang i-congratulate ang sarili. Paano ba naman, hindi man lamang nito nahahalata na nanginginig pa rin ang tuhod niya. Napahawak din siya sa dibdib. Para kasing sa sobrang lakas ng kanyang puso parang gusto nitong kumawala sa kanyang rib cage.
Shucks, bulalas niya nang magpawala pa ito ng sobrang tamis na ngiti.
“Ang lambot-lambot mo kasi, eh. Ang sarap-sarap tikman.”
“Eh, di tikman mo,” gulat niyang sabi dahil ‘di iyon ang nasa utak niya.
“Talaga?” naghahamong tanong nito.
“Joke lang siyempre,” wika niya saka nagsimulang mag-jogging. “Saka, di naman ako cotton candy.”
“Kahit na hindi naman kita tikman, alam ko namang…you are sweet and yummy.”
“Alam ko naman na sweet and yummy ako.”
“Talaga?”
“Sabi ng ex-boyfriend ko. Super duper daw ang pagka-yummy ko.” Parang gusto niyang matawa nang makita niyang natigilan ito. Tiyak na naisip nitong hindi na siya virgin.
And she didn’t care!
“Come on. Zacky run!” wika niya sa pinakamamahal niyang alaga.
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Leah. Dapat ay masiyahan siya dahil tumigil na si Albert sa pangungulit sa kanya pero hindi naman niya akalain na iyon mismo ang dahilan kaya siya nakaramdam ng pag-aalburoto.
So what? Tanong niya sa sarili saka niya binalingan ang alagang si Zacky.
“Napagod ka na ba sa pagtakbo?” wika niya saka humagikgik. Tiniyak kasi niya na mabilis na mabilis ang pagtakbo niya kasama si Zacky. Baka kasi sa pamamagitan noon ay hindi na siya sundan pa ni Albert. Naging epektibo naman iyon.
Pero, nasiyahan ba siya? Matabang na tanong niya sa sarili sabay pakawala nang malalim na buntunghininga.
Hindi! Wika naman ng kanyang puso na inayudahan naman ng mga mata niya. Hinahanap-hanap din naman kasi niya ang presensiya nito. Talaga lang nag-inarte siya dahil natatakot siya sa nagiging reaksyon ng kanyang puso. Napakaguwapo naman kasi ni Albert Vallejos kaya hindi niya nagagawang pigilan ang pagpintig ng kanyang puso. Kaya naman matindi ang disappointment na kanyang naramdaman ng hindi niya ito makita.
Dinilaan siya ni Zacky kaya naman bumalik dito ang utak niya. Sige ang pagdila nito sa kanya kaya naman sa palagay niya’y sumagod ito ng, ‘yes, pinagod mo ako.’
“I’m sorry Zacky baby, pero, mabuti iyon para mas tumibay ang mga paa mo,” ngiting-ngiting sabi niya rito. Pagkunwa’y bumuntunghininga siya. “Ang guwapo niya, ‘di ba?”
Muli, dinilaan siya nito na para bang nagsabi ng ‘oo’. Niyakap na lang niya ito saka niya biniro. “Buti na lang pala naging aso ka kung hindi, baka naging karibal pa kita.”
Napa-straight siya ng upo sa pagkakasalampak niya sa kutson na inilagay niya sa salas, sa harapan ng tv. Dahil sa ala-siyete pa lang naman, pinili na lamang niyang makipagharutan muna kay Zacky. Pet time nila iyon. Kaya naman kiniliti niya ito at ni-wrestling. Siyempre, ginagawa man nitong lumaban at kinakagat-kagat siya, hindi naman mariin iyon. Alam naman niyang hindi rin nito gugustuhin na siya’y saktan.
“Embrace, embrace,” wika niya nang maramdaman niyang napagod na siyang talaga. Agad naman itong lumapit sa kanya. Obviously, nagpapayakap nga ito. Kaya naman, hindi niya ito napigilang pupugin ng halik. Labs na labs niya talaga ito.
Ang mga ka-batch niya ay mayroon ng pamilya. Alright, hindi niya maiwasan ang magkaroon ng inggit dahil mayroon ng anak na inaalagaan ang mga ito pero wala namang pagkakaiba kung aso ang kanyang inaaalagaan. Ibinibigay din naman niya ang pagmamahal niya kay Zacky bilang ‘anak’.
Wala ka namang asawang nilalambing, wika ng atribidang bahagi ng kanyang utak.
Mula nang ipinagpalit siya ni Jordan sa ibang babae, sinabi niya sa sarili na career na lamang ang kanyang aatupagin. Sa tingin naman niya ay walang idudulot na kabutihan sa kanya ang mga lalaki kaya pag-aalaga ng aso na lamang ang kanyang aasikasuhin. At least, sigurado siyang mamahalin nito ng bonggang-bongga.
Iba pa rin ang tunay na anak, mariing sabi ng isang bahagi ng kanyang utak.
Napasinghap siya ng maisip niyang hanggang sa 12 to 16 years lamang itinatagal ng buhay ng aso. Ngayon pa lang ay gusto na niyang umiyak at maglupasay. Para kasing hindi niya talaga kakayanin kapag nag-goodbye na sa mundo ang pinakamamahal niyang alaga.
Natigil siya sa kanya pag-i-EMO nang may mag-doorbell. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya napakunot ang noo niya. Ngunit, mas nagtaka siya dahil hindi man lamang kumahol si Zacky. Sa halip, kumawag-kawag pa ang buntot nito. Parang sinasabing mabait na tao ang nasa likod ng pintuan.
Nang muling tumunog ang doorbell, binuksan na niya ito. May tiwala siya sa pakiramdam ni Zacky.
“Special delivery,” nakangiting wika ni Albert.
“Nag-order ba ako?” gilalas niyang tanong. Pero, may pananabik din siyang naramdaman.
“Nag-order ka sa puso ko. Hi, Zacky,” wika nito sa kanyang alaga.
Inamuy-amoy lang ito ni Zacky habang kumakawag ang buntot. Parang sinasabing, ‘tamang-tama, gutom na ako.’
“Wait!” aniya.
“What?”
“Hindi ako tumatanggap ng pagkain sa estranghero.”
“Magkakilala na tayo, hindi ba? Saka, sa palagay mo ba, lalasunin kita? Hindi, ah. Sa pagmamahal pwede pa.” Nakangiting sabi nito habang matiim na nakatingin sa kanyang mga mata.
“Pero…” aniyang hindi na malaman kung paano ibubulalas ang ‘no’. Pakiwari niya kasi ay gusto na nitong magtapat ng pag-ibig sa kanya. Kaya naman, ang lakas-lakas nang kabog ng dibdib niya. Pakiwari nga niya ay mabibingi na siya ng mga sandaling iyon.
“Tatanggi ka ba sa grasya?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Aba, kailangan mong alalahanin na maraming taong nagugutom, ‘di ba, Zacky?”
Napabuntunghininga na lamang siya. Sa tingin naman kasi niya’y wala na siyang magagawa pa. Pumasok na ito sa kanyang bahay, dumeretso sa hapag at inihanda na an gang pagkain sa mesa. Pagkunwa’y kumuha siya ng isang meal at ibinigay kay Zacky.
“Baka ma-spoiled sa’yo si Zacky.”
“Talagang mai-spoiled siya sa akin.”
“Bakit?”
“Para pumasa ako sa kanya,” wika nitong matiim na nakatingin sa kanya.
Ang lakas ng kanyang pagsinghap.
“Eat na. Alam kong masyado kang napagod sa pagja-jogging.”
Nag-alburoto na rin naman ang kanyang tiyan kaya no choice na siya kundi tanggapin ang dumating na grasya. Wala rin naman sa bokabularyo niya ang mamahiya ng tao. Saka, wala naman itong ginagawang masama sa kanya.
“Ang bait mong kapit-bahay.”
“Mabait lang ba?” tanong nito.
Ngumiti siya. “Anong gusto mong idagdag ko?”
“Cute, lovable at macho,” nakangiting sabi nito sa kanya sabay kindat.
Dahil sa ayaw niyang salubungin ang mga mata nitong may taglay na kung anong klaseng kapangyarihan, agad niyang iniwas ang tingin dito. “Dahil sa ayaw mo naman yatang magpaawat, mas maigi pang kumain na lang tayo. Sabi mo nga, hindi mo naman ako maaatim na lasunin kaya I trust you,” wika na rin niya. Sa palagay naman kasi niya ay mabuti itong kapit-bahay kaya wala naman sigurong masama kung tatanggapin niya ang pagkakaibigan nito.
Friendship nga lang ba?
Yes, mariin niyang sabi sa sarili.
“Talagang karapat-dapat lamang na pagkatiwalaan mo ako dahil never kitang sasaktan. Forever and ever,” wika nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Wari’y isinasaad nito sa pamamagitan noon ang katapatan na hindi nito magagawang talikdan kailanman.
Shucks, bulalas niya. Ayaw niyang maramdaman iyon pero hindi nakapagpigil ang puso niya na bumilis ang pintig.
Chapter 3
RENDAHAN mo ang iyong sarili, mariing kastigo ni Leah sa kanyang sarili habang siya ay nakatingin sa salamin. Marahas na buntunghininga ang pinawalan niya pagkaraan ng mahaba-habang saglit.
Talaga naman kasing nahihirapan na siya. Kahit naman kasi kalokohan ang nararamdaman niya, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng paghihirap. Pakiwari niya’y desidido talaga si Albert na kunin ang kanyang atensyon.
O mas tamang sabihin, ibig siya nitong paibigin.
Napaigtad siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Bagamat may takot siyang naramdaman na baka si Albert iyon, hindi naman niya maiwasan ang makaramdam ng pananabik. Paano ba naman kasi, parang nasanay na siya na lagi itong nagti-text at hindi naman niya napigilan ang mag-reply gayung iisang araw pa lang naman silang mag-textmate.
Marahil kaya ganoon ay dahil alam niya kung sino ang kanyang ka-text. Hindi siya nangangamba na baka scammer ito o holdaper. Bukod pa roon, alam niyang napakaguwapo nito. ‘Yon ang isang dahilan kaya agad niyang ibinigay dito ang kanyang cell number. Pero, naisip niyang kahit hindi niya ibinigay dito ang kanyang number ay malalaman pa rin nito iyon dahil nakalagay sa data ni Zacky.
Kaya naman, mas lalo siyang kinilig dahil mas pinili nito ang magpaka-gentleman. Dahil tuloy doon, lalong bumibilis ang pintig ng puso niya sa mga ginagawa nito.
How are you, Sweety? Tanong nito na ikinagilalas niya.
Na wrong send ka yata, naisip niyang sabihin. Siyempre, ibig niyang makatiyak na siya ang tinatawag nitong ‘Sweety’ at hindi niya naiwasan ang kiligin. Paano ba naman kasi, pakiramdam niya’y napaka-romantic ng endearment na iyon.
Agad naman itong sumagot. Of course not. Ikaw ang tinatawag kong Sweety.
Ba’t mo naman ako tatawaging Sweety, eh hindi naman tayo mag-on. Para lang ‘yan sa magkarelasyon.
Nope.
Huh.
Para ‘yan sa nagki-care. Ganoon ako sa’yo.
Hindi naman ako pet para i-care mo. Amoy pet na ba ako?
You are funny.
Baka naman kabagan ka sa kakatawa dahil sa pagiging funny ko, ah.
I miss you so much.
Wehhh.
Totoo.
Parang kahapon ka lang nagdala ng breakfast dito.
Ulitin natin.
Napasinghap siya sa sinabi nito. Parang gusto niyang isipin na niyayaya siya nito ng breakfast date.
Mapapagastos ka lang.
I don’t mind that. As long as mapasaya kita.
Ang sweet.
Nakaka-in love na ba?
Oo, gusto niyang isagot pero hindi niya magawa. Ayaw niya ito bigyan ng pag-asa. Hindi rin niya ibig mawalan ng pag-asa na…
Erase! Erase! Erase!
Sa halip na sagutin niya ang tanong nito, iba ang tinext niya. Marami akong gagawin ngayon.
Hindi ka ba kakain?
Kakain.
O, ‘di kumain muna tayo.
Ang kulit mo.
Gusto kitang makita, makasama at makausap. Kahit every breakfast lang.
Every breakfast?
Nasa clinic kasi ako ng lunch at posibleng umabot pa ng dinner time. Kaya baka hindi mo na ang mahintay sa gabi so kuntento na lang ako sa almusal.
Napabuntunghininga siya. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang isasagot dito. Para kasing gusto niyang isipin na na-love at first sight ito sa kanya kaya ganoon na lang ang pagpupumilit nito.
Ah, kailangan muna niyang mag-isip. Naka-unli promo man siya hindi siya maaaring sumagot nang pabara-bara dahil mabubuking nito ang damdamin niya. Siyempre, hindi niya gustong magmukhang easy to get.
Nag-text ulit ito.
Agad niya iyong binasa.
Please??!!!
K.
Talaga?
May kondisyon.
Ano?
Ako magluluto.
Wow, that’s better.
Pero, pagkaraan natanong niya sa sarili, ano ba ang kanyang lulutuin?
Hindi pa niya nasasagot ang tanong sa sarili dahil mayroon ng nag-doorbell at nang buksan niya ang pinto ay hindi nga siya nagkamali ng hinala. Si Albert kasi ang nakita niya roon.
“Ang bilis mo naman,” hindi makapaniwala niyang sabi.
Nag-’he-he-he’ muna ito. “Kanina pa kasi ako rito. Gusto ko lang talaga malaman ang reply mo.”
“Pasok na.”
“Sure. Good Morning, Zacky,” wika nito nang salubungin ito ng kanyang alaga.
“Ano ba ang gusto mong kainin?”
“Anything. Basta ikaw ang nagluto.”
“Gusto mo, manood ka muna ng tv?”
Umiling ito. “Mas gusto kita panooring magluto.” nakangiting sabi nito at ang mga mata ay nagsusumamo na pagbigyan niya.
“Naku…”
“Why?”
“Hindi ako sanay na may nanonood sa akin.” nag-aalalang sabi niya. Siyempre, ayaw naman niyang ma-offend ito.
“Okay, ‘di ako mang-iistorbo sa mga ginagawa mo. Basta hayaan mo na lang na pagmasdan ka.” Kahit hindi ito magsabi ng ‘please, please, please,’ nagmamakaawa naman ang boses nito.
“Talagang baliw na baliw ka sa ganda ko,” biro niya.
Lumapad ang ngiti nito sa kanya. Pakiwari niya’y inamin nga nito iyon. Kaya naman nang salubungin niya ang mga mata nito’y siya rin ang unang umiwas. Para kasi siyang napaso. Bigla, para siyang sinilihan.
“Kaya nga gusto kong maangkin ang pag-ibig mo.”
“Oha!” bulalas na lamang niya. Kahit naman may kilig siyang nararamdaman sa bawat salita nito’y kailangan pa rin niyang paalalahanan ang sarili. Hindi porke kilig to the bones and mga banat nito sa kanya, dapat niyang seryosohin iyon. Sabi nga, ang mga bolero ay eksperto sa pagpapakilig ng mga babae.
Ngunit, ganoon ba si Albert?
Nagkibit siya ng balikat. Inisip na lamang niya na ‘di naman niya ito ganoong kakilala para paniwalaan o bolahin lang siya.
Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo. Sabi niya sa sarili, concentrate! Ang pagluluto ang dapat muna niyang harapin.
Sabi ng mommy niya, kung nais niyang magkaroon ng happy family life, kailangan niyang matutunan ng husto ang pagluluto. Kapag daw kasi laging busog ang kanyang magiging mister, hindi na nito maiisipan pang mambabae. Wika nga, the way to a man’s heart is through his stomach.
Kaya kung maiisipan man ni Albert Vallejos na bolahin siya, sisiguraduhin niya na magdadalawang-isip ito.
Itlog, hotdog, bacon at green peas ang nasa loob ng kanyang ref ngunit hindi dahilan iyon para mawalan siya ng gana na magluto. Sabi nga ng mommy niya, ang mga ulam ay pare-pareho lamang kaya bilang tagapagluto, kailangan ay gawin niya itong espesyal. Mayroon din naman kasi siyang sibuyas, kamatis at corned beef para makagawa siya ng napakalinamnam na scramble egg with hotdog and bacon. Pagkatapos ay gumawa pa siya ng sinangag at nilagyan din niya ng green pease at kaunting hotdog.
“Coffee, milk or me?” tanong ni Albert sabay kindat.
“Cofee with milk,” aniya pero alam niyang may kakaibang kilabot siyang naramdaman nu’ng parang iniaalok nito ang sarili.
“Augh,” wika nito saka tinutop ang dibdib. “It hurts.”
“Done,” sabi na lang niya nang matapos niya ang ginagawa.
Lumanghap ito sa hangin. “Ang bango. Sigurado na mabubusog ako ng husto niyan,” wika nito habang inaasikaso naman ang pagtitimpla ng kape. Kailangan pa kasi nito maghintay ng ilang sandali para matiyak na kumukulo ang tubig.
“Sure na sure. Dahil kailangan mong ubusin ang lahat ng ‘yan.” Nakangisi niyang sabi rito.
“Aba’y hindi naman ako bibitayin kaya dapat hati tayo.”
“Gusto ko, mas marami sa’yo.”
“Pwede na rin.”
“Napipilitan?”
“Of course not,” anitong hindi inaalis ang tingin sa kanya. Pagkunwa’y napamura ito.
“Why? Oh my,” gilalas niyang sabi nang makitang nabanlian ito. Panay kasi ang sulyap nito sa kanya kaya hindi nito napansin na umaapaw na ang kumukulong tubig sa tasa. Pump lang ito nang pump sa ulo ng thermos
“Naku…” wika niya. Nakita niya kasi na namumula iyon.
“I’m okay.”.
“Of course not,” wika niya nang kunin ang kamay nito.
Muntik na niya iyong mabitiwan dahil sa simpleng ginawa niya ay para siyang nakuryente. Pakiwari niya ay mayroon itong kakaibang kakayahan kaya naman nagagawa nitong patarantahin ang bawat himaymay ng kanyang kalaman. Ngunit, kung gagawin niya iyon ay baka mahalata lang nito lalo ang nararamdaman niya.
Kailangan ay maging easy ka lang, saway niya sa kanyang puso na parang nagja-jumping jack.
Saglit niyang binitiwan ang kamay nito para kumuha ng toothpaste at inilagay sa bahagi ng kamay na napaso.
“Ayan, magiginhawahan na ang pakiramdam mo.”
“Hindi na yata, eh.”
Kumunot ang noo niya. Nagtatanong ang kanyang mga mata. “Inalis mo na ang kamay mo sa kamay ko.”
Napasinghap siya sa sinabi nito. Pakiramdam kasi niya ay pareho lang sila ng nararamdaman nito.
“Titig kasi nang titig, eh.” Tudyo niya.
Akala niya pagkatapos noon ay maaari na niyang ituloy pa ang kanyang paghahanda at ipagpapatuloy na rin nito ang pagtitimpla ng kape pero pinihit siya nito paharap.
Hindi pala.
Awtomatiko siyang umikot nang hawakan nito ang kanyang braso. At sa isang sandali ay nasa bisig na siya nito. Alam niyang ‘di dapat pero napako rin dito ang kanyang tingin.
Nang nasa sandaling bababa na sa labi niya ang labi nito, biglang dinilaan ni Zacky ang kanyang binti na para bang sinasabing ‘matauhan ka nga’.
“Leah…”
“Kain na tayo,” sabi na lamang niya at itinuloy ang paghahanda ng pagkain.
“PERFECT!”
Masyadong OA man ang pagbigkas ni Albert sa katagang iyon. Sobra pa rin siyang nasiyahan. Alam kasi niyang hindi lang dahil sa ibig siya nitong bolahin kundi dahil nais nitong masiyahan siya. Sunud-sunod naman kasi ang pagsubo nito.
“Ang sarap.”
“Mabuti at nagustuhan mo.”
“Gustung-gusto. Pwede ka na mag-apply,” wika nito saka tinitgan siya ng sobrang tiim.
“Bilang cook?”
“Maging misis ko,” mahina nitong sabi pero malinaw niya iyong narinig.
IBig sana niyang balewalain lang ang sinabi nito pero parang mahirap gawin. “Not available.”
Napabuntunghininga ito. “Dahil sa ex-boyfriend mo.”
“Hindi ka naman nanliligaw, paano kita magiging boyfriend? At kung hindi kita magiging boyfriend, paano mo ako bibigyan ng marriage proposal?”
“Kung liligawan ba kita, may pag-asa ako?”
“Ayoko ng ganyang biro,” aniya.
“Sino ba ang may sabi na nagbibiro ako?” anitong matiim ang tingin sa kanya.
Napalunok siya. Ang lakas-lakas kasi ng kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya’y mabibingi na siya.
Tumayo siya. “Ililigpit ko muna ito.”
“Tulungan na kita.”
Hindi na niya nagawang kontrahin ito dahil naging maagap ito.
“Leah…” anitong parang hirap na hirap.
Oh, wika niya. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.
Hindi niya ito magawang lingunin dahil alam niyang nakatayo lang ito sa kanyang likod. Kung gagawin kasi niya iyon at makita niyang nakatitig ito sa kanya, baka hindi na siya nakapagpigil. Mayakap at mahalikan na niya ito. Kaya naman malamig na malamig ang tubig na dumadaloy sa kanyang kamay, para pa rin siyang nakababad sa kumukulong tubig. Ang init-init kasi ng kanyang pakiramdam.
“I really like you,” bulong nito sa kanya.
I like you too, gustong isagot ni Leah pero hindi niya alam kung tama kaya’t ilang ulit na lang siyang napalunok. Sinikap niyang mag-concentrate sa kanyang ginagawa pero hindi niya maipagkaila na may panginginig siyang naramdaman.
“Mahirap ba ang magpakatotoo?” nahihirapang tanong nito.
Oo, gusto niyang sabihin pero hindi niya magawa. Ibig na kasi niyang haplusin ang mukha nito pero inaawat siya ng kanyang utak. Nangangamba kasi itong masaktan lang siya pagkaraan. Saka, sinumpa na niya sa sarili na hindi na siya iibig pang muli.
Kahit pa sabihing ‘promises are made to be broken’, nais niyang panindigan ang naging desisyon noon. Alam kasi niyang iyon lamang ang makapagsasalba sa kanya para hindi na madurog pang muli ang kanyang puso.
“I know you like me too,” bulong nitong nagpangilabot na naman sa kanya.
Hinarap niya ito. “What if, I say yes.”
Ngumiti ito sa kanya. Pagkunwa’y nilapitan siya nito’t niyakap.
Sabi niya sa sarili, dapat na niya itong itulak. Wala itong karapatan na yakapin siya. Hindi sila magkarelasyon. Ngunit, hindi niya magawa. May kaiga-igayang sensasyon kasi itong hatid sa kanya. Kaya naman parang nais din niyang tugunin ang yakap nito. Ngunit, mas nangibabaw pa rin ang kontrabida niyang utak.
At ang anumang pagtutol na naramdaman niya ay tuluyan nang inilipad ng hangin nang unti-unting bumaba ang labi nito sa kanyang labi. Dampi lang iyon pero sapat na para manlambot ang kanyang tuhod. Kung hindi nga lang siya nito agad naalalayan, malamang, bumagsak na rin siya sa semento.
Ohhh…pakiwari niya ngayon ay may bilyun-bilyong boltahe ng kuryente siyang naramdaman. Para pa ngang bigla siyang idinuyan sa alapaap.
“This is the start of our relationship,” bulong nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Masyadong mabilis ang pangyayari. Daig pa niya ang sumakay sa roller coaster. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang gawin at isipin.
“No.”
“We both like each other.”
“Kailan lang tayo nagkakilala,” nag-aalangan niyan sabi.
“Hindi ako masamang tao.”
“Kahit na…”
“Mas makapangyarihan ang nararamdaman natin kaysa sa sinasabi ng utak natin,” mariin nitong putol sa kanyang sasabihin.
“I agree,” wika niya. Hindi na kasi niya magawang awatin ang kanyang sarili. Pakiwari niya ay nagtitriple ang kabog noon kapag magkahinang ang kanilang mga mata.
“Kiss me.”
At nagmistulan siyang robot na naging sunud-sunuran rito.
Chapter 4
“O, ayan,” wika ni Leah. Mabilis na halik sa pisngi ang iginawad niya rito. Ngiting-ngiti siya ngunit unti-unti iyong nawala sa paglipas ng mahaba-habang sandali. Inasahan niya kasi na hihiyaw ito at magtatatalon sa tuwa pero hindi ganoon ang nangyari. Mataman lang itong nakatingin sa kanya.
“’Yun na ‘yon?” amused na tanong ni Albert.
Pinagtatawanan siya nito? Gilalas niyang tanong sa sarili. Sa pag-inhale niya, parang ayaw na niyang maglabas pa ng hangin. Kapag kasi nag-exhale siya ay maipagpapatuloy pa niya ang lahat. Sa mga sandaling parang nais na niyang maglaho sa mundong ibabaw, laging pumapasok sa isipan niya si Zacky kaya naman bigla na rin siyang nag-exhale. Ngunit, parang hindi na niya kaya pang salubungin ang nanunudyong mga mata at ngiti ni Albert.
Natakpan niya ang kanyang mukha. Paano’y talagang napahiya siya. Pakiramdam niya’y pinagtatawanan siya nito. Na-conscious tuloy siya. Naisip niya kasing bad breath siya kaya parang gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. Ah, kung mayroon lamang siyang kapangyarihan, nais na niyang maging invisible sa paningin nito.
“Hey,” wika nito. Hinawakan pa siya nito sa may pulsuhan. Pilit binabaklas ang mga kamay niya na nasa kanyang mukha. Magaan nga lamang ang mga kamay nito at walang puwersa kaya hindi ito nagtagumpay.
“Ayoko! Ayoko!” wika niya habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa mukha.
“Tanggalin mo nga ‘yan, baka ‘di ka makahinga,” nag-aalalang sabi nito sa kanya ngunit hindi pa rin maikakaila sa boses ang amusement. Kaya naman, parang nai-imagine niya rin kung paano nga ba siya nito ngisihan.
“Ayaw!” wika niya sabay iling.
“Tatanggalin mo ‘yan o kikilitiin kita?” nagbabantang tanong nito.
Hindi mo alam kung saan ang kiliti ko, wika niya pero bigla niyang inalis ang kanyang takip sa mata dahil inilagay nito sa kanyang batok ang kamay nito na nagpagilalas sa kanya.
“Ay, paano mo nalaman kung nasaan ang kiliti ko?” nagtatakang tanong niya rito pagkaraan. Hindi na niya tinangka pang muling itago ang mukha sa kanyang mga palad dahil tiyak niyang mangingiliti na naman ito at ayaw na niyang mangyari iyon. Super lakas kasi ng kiliti niya sa batok.
“Hula ko lang,” anito.
“Galing mo, ah. Bad breath ba ako?” tanong niya at hindi niya maiwasan ang kabahan sa maaari nitong isagot.
“What? Of course not.”
Napalabi siya. Hindi niya kasi ito mapaniwalaan. Paano ba naman kasi, iyon lang naman ang naisip niyang dahilan kaya ang lakas nang tawa nito sa kanya. Kaya tuloy parang gumuho ang kanyang self-confidence.
“Fresh kaya ang hininga mo.”
Sa pagkakataong iyon, naisip naman niya na ‘di siya nito binobola. Three times a day siyang magsepilyo, gumagamit pa siya ng mouthwash at saka twice a year siyang nagpapa-dental check-up. Kaya, napangiti na siya. Paano, gumaan na ang kanyang pakiramdam. Ang confidence niya ay bumalik na rin.
“Eh, bakit pinagtatawanan mo ako nang halikan kita?” wika niya. Mainit na mainit ang pakiramdam niya sanhi ng matinding pagkapahiya kaya alam niyang namumula ang kanyang mukha.
“Iyon ba?” ngiting-ngiting sabi nito nang haplusin ang kanyang pisngi.
“Oo, iyon nga.”
“Hindi kasi ako makapaniwala na may babaeng bibigyan lang ako ng halik sa pisngi ng magsabi ako ng kiss me.”
Nanlaki ang mga mata niya. “At anong halik ba ang gusto mo?” kinakabahang tanong niya.
“Torrid.”
“Ohhhh…” bulalas niya.
“You’re blushing.” Nakangiti nitong sabi.
“Nahihiya ako.”
“Wala ka namang dapat ikahiya. In fact, natutuwa ako.”
KUmunot ang noo niya. Hindi niya na-gets ang ibig nitong sabihin.
“Obviously, hindi ka marunong humalik, eh.”
Ang lakas ng pagsinghap niya. “Hindi ka na-turn off?”
“Lalo nga akong na-turn on,” pagtatama nito. Nagniningning na parang bituin ang mga mata.
“Weeehhh…”
“Yap.”
“Halik sa pisngi lang kasi ang pinapayagan ko kay Jordan.”
“Halata nga,” nasisiyahang sabi nito.
“Gusto ko kasing ang first real kiss ko, eh, sa harap ng altar.” Nagniningning ang mga matang sabi niya. Umasa kasi siya na matutupad din ang pangarap niyang iyon. Nang tumingin siya kay Albert, parang gusto niyang magkaroon ng bagong pag-asa.
“Oha.” Nanlaki ang mga matang sabi nito.
“Pero, smack-smack pwede na,” wika niya nang maalala ang paghalik nito sa kanya kanina. Saglit pa nga lang naghinang ang kanilang mga labi, pakiramdam niya ay sinisilaban na siya kaya tiyak niyang higit pa roon ang mararanasan niya kapag tunay na halik na ang ibinigay nito sa kanya.
“Alam mo ang real kiss?” mangha nitong tanong.
“Nababasa ko sa mga libro.” Nahagilap niyang sabihin. Pinakadiinan pa niya ang kanyang mga salita. Ayaw niya siyempreng maisip nito na isa siyang babaeng cheap.
“So, hindi na muna kita bibigyan ng real kiss. Makukontento na muna ako sa smack,” wika nito saka bumaba ang labi sa kanyang labi.
Oh, wika niya. Bagamat siya naman ang nagsabi na saka na ang ‘real kiss’, parang gusto niyang magreklamo. Para kasing gusto niyang matikman ang French fries, este, ang French kiss. Ayon kasi sa mga romance stories na kanyang nababasa, kakaiba ang sarap noon. Hindi lamang makapanindig balahibo, super sarap pa sa pakiramdam. Iyon ang paglalarawan ng mga manunulat sa mga istoryang kanyang binasa at alam niyang ‘di eksaherado ang mga ito.
Paano ba naman kasi, haplos at yakap pa lamang ni Albert ang nararanasan niya, feeling niya’y naglalakbay na siya sa alapaap. Kaya, tiyak higit pa roon ang matitikman niya kapag natikman niya ang halik nito.
Shucks, hindi makapaniwalang sabi niya pagkaraan.
Iilang araw pa lamang niya itong nakikilala pero pakiramdam niya’y kaya nitong baguhin ang kanyang paniniwala.
Napalunok tuloy siya.
Kinabahan.
Baka kasi sa pangalawang pagkakataon ay maloko na naman siya.
Pero, magkaibang tao naman sila, hindi ba?” tanong niya sa sarili.
Iba si Albert kay Jordan. Beterinaryo si Albert, tambay si Jordan. Independent si Albert, Mama’s boy si Jordan. Sweet at gentleman si Albert samantalang si Jordan…
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Muli na namang bumalik sa kanyang alaala ang dahilan kaya siya ipinagpalit ng ex sa iba. Hinihiling nito na ibigay niya rito ang kanyang pagkababae. Siyempre, hindi siya pumayag. Ang virginity niya ay ipagkakaloob lang niya sa magiging asawa niya.
“May gagawin ka ba?” untag nito.
“Marami.”
Nag-iba ang mukha nito. Nakita niya ang disappointment doon.
“May oras kasi akong sinusunod sa online jobs ko. Wala iyong pagkakaiba sa mga nagtatrabaho ng regular. Bawal ang istorbo kung ayaw kong masisante.” Marahan niyang sabi rito na naghahagilap ng pang-unawa.
“Istorbo ako?”
“Ang nararamdaman ko ang istorbo.”
Napangiti ito. “Hindi mo ba mapigil ang tibok ng puso mo?” marahan nitong tanong sa kanya. Hindi maipagkakaila sa tinig ang kasiyahan.
“Hindi, eh.”
“Okay, I understand. Alam mo ba kung bakit?”
“Bakit?”
“Ganoon din kasi ang nararamdaman ko.”
Muli, napasinghap na naman siya. Pakiramdam nga niya ay naninikip na ang kanyang dibdib. Hindi niya kasi maiwasan ang makaramdam ng kasiyahan.
“Saka, may work ka rin, ‘di ba?’
“10 am pa ang bukas ng clinic ko. Pero, pwede bang mag-stay muna ako rito kahit isang oras lang. Para kasing hindi pa ako nagsasawang pagmasdan ka nang pagmasdan,” anitong matiim na matiim na nakatingin sa kanya.
Kakaibang kilig man ang idinulot ng mga salita nito sa kanya, minabuti niyang i-off muna niya ang kanyang nararamdaman. “Sure.”
Quarter to seven nang i-on niya ang kanyang computer. Tulad ng ibang empleyado, ayaw niyang ma-late. Kaya, eksaktong 8am ay nag-online work na siya. Dahil hourly ang type of work niya ngayon, naka-on ang camera niya para mai-screenshots ang kanyang ginagawa. Kailangan noon ay tutok na tutok siya sa kanyang ginagawa dahil kapag nahuli ng camera na may iba siyang ginagawa habang nagtatrabaho tulad ng pagpi-Facebook, malalagot siya sa kumpanya, pati na rin sa kanyang employer.
Bilang Administrative Assistant, madali lamang ang kanyang ginagawa. Ngunit, hindi siya lubos na makapag-concentrate. Hindi lang dahil sa naiilang siya sapagkat may nanonood sa kanya kundi dahil sa presensiya mismo ni Albert. Para kasing gusto niyang magpakulong na lamang sa mga bisig nito at nais na rin niyang mag-request ng kiss. Kaya naman panay ang buntunghininga niya. Dapat kasi niyang kontrolin ang kanyang emosyon kung ayaw niyang magkasablay-sablay ang kanyang ginagawa.
“I have to go.”
“Aalis ka na?” gulat niyang tanong. “Akala ko ba 1 hour?”
Ngumiti ito. “Kahit mahirap sa akin, yes. At para na rin makapag-concentrate ka na,” anitong tila nanunudyo.
Ohhh…bulalas niya.
Hindi niya kasi naiwasan ang mapahiya dahil buking nito nito na natataranta ang puso niya.
EKSAKTONG alas-dose nang tanghali ng may mag-doorbell. Bagamat imposible, umasa pa rin siya na si Albert ang nasa likod ng pintuan. Dahilan para ma-disappoint siya. Hindi kasi si Albert iyon kundi isang delivery boy.
Kumunot pa ang kanyang noo nang mapagtanto niyang delivery iyon mula sa paborito niyang fastfood. Nakaramdam tuloy siya ng pangangasim.
Bubuka na sana ang bibig niya para sabihing nagkamali ito ng bahay na pinuntahan, ngunit, naunahan siya nitong magsalita. “Kayo po ba si Ma’am Leah Lantin?” magalang nitong tanong.
“Oo.”
“Para po sa inyo.”
“Hindi naman ako nag-order.” Buong pagtataka niyang sabi.
Nakangiti ito nang sagutin ang kanyang tanong. “Padala po ni Sir Albert Vallejos.”
Ang lakas nang pagsinghap niya. Hindi niya inasahan iyon pero siyempre, nakaramdam siya ng kilig.
“Bayad na?’ tanong pa niya.
“Opo.”
Iyon lang at agad na niyang binuksan ang pinto para kunin iyon. Tulad ng dati, nakasunod sa kanya si Zacky pero hindi na nito kinahulan ang delivery boy dahil nasaway na niya ito kanina. Basta naman kasi nagawa niyang iparamdam sa kanyang aso na maayos ang sitwasyon ay tatahimik na ito. Saka ang iniimbistigahan na nito ngayon ay ang pagkaing dala ng delivery boy. Inaamuy-amoy nito iyon na para bang sinasabing nagugutom na rin ito.
Pero siya, kahit kumukulo na ang tiyan parang hindi pa rin siya makakain. Paano ba naman, parang parang punung-puno ng hangin ang kanyang puso kaya pakiramdam niya’y sasabog na ito anumang oras. Sobra kasi siyang nasiyahan sa ginawa ni Albert kaya parang gusto niyang maiyak sa labis na kaligayahan. Hindi niya kasi inasahan na mayroong magpapahalaga sa kanya ng ganoong katindi.
Nag-ring ang kanyang cp. Agad niya itong sinagot, si Albert kasi ang tumatawag. Bukod sa nais niyang magpasalamat dito, ibig din niyang marinig ang boses nito.
“Hello,” malambing niyang bungad.
“Natanggap mo na?”
“Thank you.”
“Love you,” anito.
“Ang sweet-sweet mo naman,” wika niya sa halip magsabi ng I love you too. Pero, nangangati pa rin ang dila niya niya nagsabi noon.
“Ganyan ako magmahal. Kaya sana, mahalin mo rin ako.”
“Ang drama mo.”
Natawa ito. “Sige, kumain ka na. Alam kong magbabalik-work ka pa ng 1pm.”
“Okie.”
“Lab you. Muwah! Muwah! Muwah!”
Nang maputol ang kanilang pag-uusap, pagkain na ang kanyang binalingan pero siyempre, tulad ng dati, hindi niya kinalimutan si Zacky. Nakakatuwa rin na mayroon pang sariling meal ang kanyang alaga.
“Hmmm…mukhang mayroon ka ng tatay, Zacky.’
Kahit narinig ng alaga niya ang kanyang sinabi, hindi siya nito pinansin. Masyado kasi itong busy sa pagkain kaya nakaramdam na rin siya ng kasiyahan allo pa’t panay ang kawag ng buntot nito. Ibig sabihin, sobra itong nasisiyahan. Kaya sigurado niyang aprub din kay Zacky na maging pet parent nito si Albert.
Dahil sa pakiramdam niya ay mahalagang-mahalaga siya kay Albert, nagkaroon siya ng kasiglahan. Naging mas magana siya sa pagtatrabaho at napansin iyon ng kanyang bossing.
“I guess you’re in love,” wika ng kanyang bossing. Isa itong Canadian. Dahil video chat ang pag-uusap nila’y napansin daw nito ang kumukuti-kutitap niyang mga mata at abot-tengang ngiti.
“Yap.”
“Who’s the lucky guy?” excited na tanong nito.
Kahit naman hindi sila nito personal na magkakilala, hindi dahilan iyon para ‘di siya mapalapit dito. Isang taon na rin naman ang kanilang relasyon bilang employer-employee online.
“He’s name is AlbertAlbert.”
“He is what?” interesadong tanong nito.
Ngumiti siya. “Veterinarian.”
“Interesting.”
Tumango siya.
“I have another project for you,” wika nito sa kanya pagkaraan ng mahaba-habang sandali.
“Wow,” wika niya. Ibig kasing sabihin noon ay magkakaroon na naman siya ng trabaho. Kaya naman napa-straight siya nang upo.
“But there’s a problem,” anito.
“What is it?”
“This project is fixed.”
“No problem.”
“I need this in a month,” mariin nitong sabi sa kanya. Matiim itong nakatingin sa kanya na para bang binabasa kung ano ang kanyang magiging reaksyon.
“Okay,” wika niya.
Ikinatuwa naman nito ang sinabi niya. “I will give you $2000 to do 100 articles. Each should have 1thousand words.Can you do this?” marahan nitong tanong. Para hinihintay din nito na tumanggi siya.
“Of course,” mabilis niyang sabi.
“The project is about farm. You can write everything about farm. It also include the poultry and piggery, fruits and vegetables. So…?” pambibitin pa nito.
“I can definitely do that,” mayabang pa niyang sabi.
“Yes of course, I know how creative you are and you are grammatically good too so I trust you for this project.”
Iyon ang pinakamasarap na mga katagang narinig niya. I trust you. Kaya naman, wala siyang basagin ang tiwala nito. Kunsabagay, ganoon din naman siya sa iba niyang employer. Sinisikap niyang ibigay sa mga ito ang dedikasyon niya sa mga trabaho na ipinagkakaloob sa kanya.
Ngunit, makaraan ang dalawang araw, na-realize niyang kahit gaano siya kagaling magsulat, mauubusan pa rin siya ng isusulat kung puro lang research ang kanyang gagawin. Siyempre, importante talaga na mayroon siyang karanasan sa kanyang isinusulat. Dahil doon, nagpawala na naman siya nang malalim na buntunghininga.
Sa farming? Gilalas niyang tanong sa sarili.
Napalunok siya. Pagkunwa’y napailing. Akala niya kasi’y ganoon lang kadali ang lahat pero mali siya. Maling-mali, actually. Para tuloy gusto na niyang i-chat ang kanyang employer at sabihing hindi niya kayang tapusin ang project na ibinigay nito. Ngunit, kapag ginawa niya iyon, sigurado siyang katapusan na rin ng kanyang online career.
Ang pangako ay pangako, ‘yun ang golden rule sa trabaho na kanyang pinili. Kahit gaano kahirap, kailangan mong tapusin sa araw ng deadline. Bukod doon, dapat lamang na mapasaya mo ang iyong kliyente para maramdaman nila na sulit ang ibabayad sa’yo. Tulad na lang ni Mr. John Green. Aba, hindi yata biro ang $2,000 dahil kung iku-convert mo iyon sa Philippine money, iyon ay nagkakahalaga ng P94,000.
Dahil nga sa fixed ang project na iyon, nabayaran na rin siya nito ng 30% o $600. Bagamat hindi pa niya iyon wini-withdraw ay nakalagay na iyon sa kanyang paypal account. Kaya kapag hindi niya nagawa nang maayos ang kanyang project, malamang, iyon na ang last sahod niya. So, hahayaan ba niyang mangyari iyon?
No! No! No! paulit-ulit niyang sabi sa sarili.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Iisang solusyon na lang ang naisip niya. Kailangan niyang manirahan sa isang farm kahit ilang araw lang. Sa pamamagitan noon ay alam niyang marami siyang magagawang artikulo dahil sigurado siyang marami siyang matututunan.
Pero, paano si Zacky?
GULAT na gulat si Albert nang sumulpot siya sa clinic nito. Kahit nakaingos sa kanya ang sekretarya nito, nginitian pa rin niya ng sobrang tamis. Sa tingin niya, iyon ang isang dahilan kaya naging mabilis dito na payagan siyang pumasok sa clinic ni Albert. Ngunit, hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtataas nito ng kilay. Sa halip kasing aso ang dala niya, picnic basket ang kanyang dala.
Tatlong katok ang ginawa niya nang marinig niya ang pagsabi nito ng ‘tuloy’ kaya naman pumasok na siya. Naabutan niya itong nakaupo sa swivel chair nito. Nakapikit, parang pagod na pagod.
Sa isang sandali tuloy, parang gusto na niyang umatras. Para naman kasing wala siyang puso kung iistorbohin lang niya ito. Ngunit, para namang hindi niya kayang umalis. Para kasing ang sarap-sarap nitong pagmasdan. Kaya naman, gusto niya itong lapitan at haplusin ang mukha nito.
“May pasyente ka ba, Claire?” mahina nitong tanong. Parang hirap na hirap.
“Ako ito,” wika niya.
Bigla itong dumilat. Agad tumayo nang makita siya.
“Pasensiya na kung naistorbo kita,” aniyang parang ibig na matawa. Para kasi itong cellphone na biglang na-charge. Nagkaroon ng sigla kaya hindi ito maawat sa paggana. Naging masiglang-masigla kasi ang kilos nito. Nagniningning na ang mga mata, matamis na matamis pa ang ngiti.
“No, of course not.”
“Ilang araw na tayong walang breakfast date kaya nagpunta na ako rito para magkaroon tayo ng lunch date.”
Ngumiti ito ng husto. “Na-miss mo ba ako?”
“Of course,” mariing sabi nito. “Teka, ihahanda ko na ang lunch date natin.”
Nagniningning ang mga mata nito nang magsalita. “Kanina pa ako walang kagana-ganang kumain, eh. Pero ngayon, parang mauubos ko ang lahat ng ito,” wika nito habang nakatitig sa kare-kare at fried chicken niya.
“Bigyan mo naman ako,” biro niya.
“Dahil mahal na mahal kita, sige.”
Sandaling nahinto ang pag-uusap nila dahil natuon ni Albert ang atensyon sa pagkain. Samantalang siya naman ay sa pag-iisip kung paano niya sasabihin dito ang sadya.
“May problema?” tanong nito sa kanya.
Ilang ulit muna siyang lumunok bago niya sinubukang magsalita pero pakiramdam niya ay may nakabara pa rin kaya naman uminom siya ng tubig. “May pabor akong hihilingin sana sa’yo, eh.”
Kumunot ang noo nito. Alam niyang nabasa nito ang kaseryosohan niya.
“Pwede mo bang alagaan si Zacky?”
“Iiwan mo sa akin si Zacky?”
“Yes.”
“Why?”
“Aalis ako.”
Nagsalubong ang kilay nito. “Saan ka pupunta?”
“Kung saan mayroong farm.”
“What?”
Agad naman siyang nagpaliwanag dito. “Napakaimportante talaga nito sa akin. Nakataya rito ang career ko sa online works ko. Please, tulungan mo naman ako.”
“Aalis kang mag-isa.”
“Yap.”
“Saang lupalop ka pupunta?”
Nagkibit siya ng balikat.
Nagsalubong ang kilay nito.
“Madali lang naman akong makakita ng farm. Kung saan ako maaaring mag-stay.”
“Makikipagsapalaran ka sa lugar na ‘di mo alam kung ano ang mayroon dahil lang sa online project mo?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Yes. You know why?”
“Why?”
“Ito lang kasi ang mayroon ako. Kailangan ay mapanindigan ko ang ipinangako ko sa aking employer. Sa lahat kasi ng ayoko ay iyong sumisira sa pangako,” mariin niyang sabi. Gusto niyang ipaalam dito kung gaano niya pinahahalagahan ang salitang ‘tiwala’.
“So, please, sa’yo muna si Zacky habang wala ako,” nakikiusap niyang sabi rito.
“No way!” matigas nitong sabi na nagpagitla sa kanya.
Oh, para tuloy gusto niyang humagulgol sa labis na pagkapahiya.
Chapter 5
“HINDI ko pwedeng iwan sa’yo si Zacky?” disappointed na tanong ni Albert.
“Hindi ka pwedeng umalis,” mariing sabi sa kanya ni Albert.
“Marami akong kailangang i-research about sa farm,” nahagilap na lamang niyang sabihin pagkaraan.
Mataman lang itong nakatingin sa kanya. Wari’y pinag-aaralang mabuti ang kanyang sinabi.
“Hindi ako nagsisinungaling, ah.”
“Wala naman akong sinabing ganyan.”
Napabuntunghininga na lamang siya.
“May pupuntahan ka bang farm kung sakali?”
Marahan siyang umiling. “Magre-research pa lang ako. Ang gusto ko muna ay malaman kung papayag kang maging temporary pet parent ni Zacky.”
“Good.”
Malalim na buntunghininga ang pinawalan niya. Sa pagkakatitig niya rito ay napagtanto niyang hindi na mababago pa ang isip nito. Tiyak niyang hindi nito tatanggapin si Zacky kaya parang ibig niyang umiyak.
“Wala kasi akong ibang kakilala na pwedeng mag-alaga…”
“Hindi mo iiwan sa kahit sino si Zacky.”
“Kailangan ko nga…”
“Then, pupunta tayo sa farm ng tiyo Manuel ko.”
“Farm ng Tiyo Manuel mo?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ito.“Sa Nueva Ecija.”
“Talaga?” hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
“Yap.”
Problem partly solve, sabi ng isip niya kaya naman hindi niya napigilan ang sarili. Niyakap niya ito ng pagkahigpit-higpit. Pero, natigilan siya ng maisip ang pinakamamahal na alaga.
“O, ano pang problema?”
“Paano si Zacky?” nag-aalala niyang tanong.
Mabilis ang pagsagot nito. “Isama natin.”
“Talaga?”
“Yap.”
Sa sobrang katuwaan niya, hindi na niya napigilan na yakapin ito nang pagkahigpit-higpit. Kumalas lang sila sa isa’t isa ng may mag-‘ehem ehem’. Napasimangot siya nang makita ang sekretarya ni Albert.
Istorbo, inis niyang sabi sa sarili.
Ang sarap-sarap kasi sa pakiramdam na nasa bisig sila ng isa’t isa. Pakiramdam niya’y protektado siya ng pag-ibig nito at siya naman ay nagagawang ipadama rito ang kanyang pag-ibig.
“Marami nang aso’t pusa sa labas,” wika nito saka siya tinapunan ng tingin. Parang sinasabi nito na umalis na siya.
Sa halip ma-bad trip, nginitian pa niya ito nang matamis na matamis saka binalikan si Albert. “Mag-eempake na ba ako?” malambing niyang tanong dito. Pinapungay pa niya ang kanyang mga mata dahil gusto niyang inisin ang kaharap.
“Aalis ka na?”
“Baka nakakaistorbo na ako, eh.”
“Of course not.”
“Pwede pa akong mag-stay?” naniniguradong tanong niya.
“Hindi ka ba maiinip?”
“Pwede mo naman akong maging assistant.”
“Shoot,” wika nito saka binalingan si Claire. “Tawagan mo rin si Doc Shiela. Sabihin ko, kailangan niyang mag-take over sa akin dito ng 2 weeks.”
“Wow,” bulalas niya. Hanggang ngayon kasi’y hindi siya makapaniwala. Biruin mo, sa isang saglit ay nasolusyunan ang kanyang problema.
Kaya naman, bawat pagkilos niya ay may kaakibat na sigla.
BAGO sila nagbiyahe papunta ng Nueva Ecija, todo ang pakiusap ni Leah kay Albert nang dumaan muna sila sa puntod ng kanyang mga magulang. Hindi kasi siya sanay na naglalakbay na hindi nagpapaalam sa kanyang mga magulang. Kahit pa sabihing hindi na siya nito sasagutin ng, ‘ingat ka’ o ‘huwag kang magpapagabi’.
Limang taon na ring wala ang kanyang parents pero parang hindi pa rin iyon tuluyang rumerehistro sa kanyang puso’t isipan. Ang hirap naman kasing tanggapin lalo na’t ang mga buhay na nawala ay basta na lamang kinuha ng kung sino. Sabihin man ng driver na hindi niya sinadya, ‘di dahilan iyon para maghilom ang sugat sa kanyang puso.
“Hi po,” wika ni Albert. “Kamusta na po kayo riyan sa heaven? Sayang po, hindi ko kayo nakilala pero huwag po kayong mag-alala, aalagaan ko po ang anak ninyo.Tinitiyak ko rin po sa inyo na guwapo at magaganda ang magiging apo ninyo sa akin.”
Ang lakas ng pagsinghap niya sa tinuran nito. Hindi niya akalain na may lakas ito ng loob na magsabi ito ng ganoon sa puntod ng kanyang mga magulang. Natanong niya tuloy sa sarili, ibig bang sabihin noon ay seryoso talaga nito sa kanya? Siguro ay naramdaman nito na pinagmamasdan niya ito kaya naman tumingin at ngumiti ito sa kanya.
“O, siguro naman, di mo na pagdududahan ang pag-ibig ko.” Marahan nitong tanong sa kanya.
“Thank you,” nasisiyahan niyang sabi pero agad niyang inalis ang tingin dito. Hinila kasi siya ni Zacky. Kaya nga lang dahil sa maluwag ang pagkakahawak niya sa tali nito, agad itong nakatakbo. Kung hindi siya agad naalalayan ni Albert, malaman, sumubsob na siya. Gayunman, hindi niya napigilan ang mapatili dahil ang bilis-bilis ng takbo ni Zacky.
Mabuti na lang at mabilis din ang pagtakbo ni Albert kaya naman para siyang nakahinga nang maluwag ng maabutan nito si Zacky.
“Ang suwerte-suwerte talaga ni Zacky dahil ikaw ang kanyang pet parent,” wika ni Albert nang bumalik na sila sa Honda Civic nitong kulay blue matapos silang makapagpaalam ulit sa parents niya. After, makuha ni Albert ang kanyang alaga mula sa ‘pagtakas’ nito, bumalik ulit sa puntod ng kanyang mga magulang para sabihing aalis na sila at magbibiyahe dahil malayo ang Nueva Ecija at tiyak na mata-trapik sila kapag masyadong tinanghali. 6 am pa lang noon kaya nagagawa pa niyang yakapin ang sarili. Malamig kasi ang simoy ng hangin.
“Si Zacky lang ba ang masuwerte?” tanong niya kay Albert, pinapungay pa niya ang mga mata.
Niyakap siya nito at kinintalan ng mabilis na halik sa noo. “Mas masuwerte ako dahil akin ka.”
“At ikaw?”
“Iyong-iyo ako.”
“Ang sarap naman.”
“Talagang masarap umibig.”
“Sana, wala ng katapusan.”
“Never.”
“Huwag magsabi ng pangako na ‘di kayang tuparin.”
Kumunot ang noo nito nang pakatitigan siya. “Sa palagay mo ba ay ganoon ako?” mariin nitong tanong sa kanya. Ewan lang niya kung ibig na ba nitong mapikon. Kung ‘oo’ hindi nito ipinahalata. Humugot lang ito nang malalim na buntunghininga na para bang pinapagpag ang negatibong emosyon.
Hindi siya agad nakakibo. Paano, ang sarap-sarap nitong titigan. Ang tingin nito sa kanya ay nakakatunaw.
“Huwag mo akong tingnan ng ganyan.”
“Why?”
“Baka sa hotel kita madala at hindi sa farm.”
Nag-init ang kanyang pisngi. Hindi niya akalain na ganoon ang tingin nito sa kanya, nang-aakit. Pero, hindi ba nito alam na may kakaiba ring idinudulot sa kanya ang mga titig nito?
“In your dreams,” wika niya nang makabawi.
Humalakhak ito. Pagkaraan ay napagaya na rin siya rito.
“Saka, ‘di ka makakaisa.”
“Why?”
“May Zacky. Bawal sa motel.”
“Who told you na sa motel kita dadalhin?”
“Eh, saan?”
“Sa aking kaharian,’ mariin nitong sabi.
“Let’s go, my princess.”
Agad namang sumampa si Zacky sa backseat. Pagkunwa’y siya naman an gang inalalayan ni Albert sa harapan ng sasakyan.
“Are you sure, okay lang si Zacky sa likod?”
“Yap. Sanay si Zacky sa sasakyan, don’t worry. Kapag pinapasyal ko siya sa park, nagta-taxi kami.”
“Wow, iba ka talaga maging mommy. Siguradong extra best mommy ka na kapag nagkaanak tayo.”
Matamis na matamis ang ngiti niya rito. “Sure na sure iyon.”
“Magpakasal na nga tayo.”
Natawa siya.
Kahit naka-start na an gang makina ng sasakyan, ‘di pa rin nito pinaandar iyon. “Seryoso ako,” mariin nitong sabi.
“Please…?”
“What?”
“I-enjoy na muna natin ang isa’t isa.”
Kumunot ang noo nito. “Hindi ka pa ba sure sa nararamdaman mo sa akin?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Mahal kita.”
“Higit sa pagmamahal mo sa ex mo?”
Napabuntunghininga siya. “No comparison please.”
“Talagang ‘di mo ako maikukumpara sa lalaking iyon dahil ako, kahit saan at kailan, kaya kitang panindigan,” wika nito bago tulyang pinaandar ang sasakyan.
“Masuwerte rin pala ako.”
“Bakit?’
“Siyempre, dahil ikaw ang natagpuan ko,” ubod lambing niyang sabi rito. Hindi niya tuloy napigilan ang sariling humilig dito.
Sabi ni Albert, apat na oras ang biyahe hanggang sa Nueva Ecija ngunit hindi siya nakaramdam ng pagkainio kahit nakakadalawang oras na sila. Pareho kasi silang ‘di maubusan ng kuwentuhan.
“Baka naman masira ang mata mo niyan,” pansin nito sa kanya nang i-on niya ang kanyang tablet. “Don’t tell me magwu-work ka.”
“Nope. Selfie lang tayo,” wika niya saka nag-‘v’ sign. Siyempre, tiniyak niya na kasama niya sa picture na iyon si Zacky na kampante lang na nakahiga sa backseat.
“Wala akong hourly ngayon. Pinagku-concentrate ako ni bossing sa fixed project ko.”
“Ano ba ang project mo?” nagtatakang tanong nito.
“100 articles about farming,” nagmamalaki niyang sabi.
Namilog ang mga mata nito sa labis na pagkamangha. “Oha, kaya mo iyon?” ‘di makapaniwalang tanong nito.
“Wala ka bang tiwala sa akin?” nagdaramdam niyang tanong dito pero pagkaraan, naisip niyang hindi naman niya iyon dapat maramdaman. Kailan lang naman kasi sila nito nagkakilala kaya talagang wala pa itong ideya sa kanyang mga kakayahan.
“Nabigla lang ako.”
“1 thousand words lang naman ang isa. Kaya nga lang, kailangan ko ng iba’t ibang topic about sa farming.” Nakangiti niyang sabi. Gusto niyang ipagmalaki dito na siya ay may creative mind.
Napabuntunghininga ito at umiling pagkaraan. Hindi rin nito napigilan ang mapangiwi. “Kung ako ‘yan, duda ako kung kung kaya kong makabuo ng 100 words. Talented ka talaga,” ngiting-ngiting sabi nito sa kanya.
“Since then kasi, pagsusulat talaga ang pangarap ko. Kaya nga lang ang pagsusulat sa pocketbook, TV o movie ay masyado ng madugo kaya nagsusulat muna ako sa paggawa ng articles. Saka, mas mabilis ang pero rito sa trabahong ginagawa ko. Pero, huwag mong iisipin na mukha akong pera ha. Siyempre, kailangan ko rin naman ang kumain at bumili ng pangangailangan ko. Anyway, gusto ko rin naman itong ginagawa ko kaya, talagang nai-enjoy ko rin.”
“Kaya alam kong hindi mabibigo sa’yo ang boss mo.”
“Sana, sana at sana,” paulit-ulit niyang sabi. Siyempre, hindi pa rin siya dapat na makampante.
“Huwag kang mag-alala, marami kang matututunan sa farm. Promise, ako ang bahala sa’yo,” ngiting-ngiting sabi nito sa kanya sabay kindat.
Nagrigodon na naman tuloy sa pagtibok ang kanyang puso. Pakiwari kasi niya’y nagpa-promise din itong aalagaan ang kanyang damdamin.
“FARMVILLE ba ito?” gilalas na bulalas ni Leah nang tumambad sa kanyang harapan ang Vallejos farm. Mayroon kasi iyong malaking arko sa harapan. Saglit na huminto roon ang sasakyan. Gusto kasi ni Albert makita kung anu-anong klase ang mga panananim doon.
“Farm Ville?”
“Paborito kong laro sa Facebook. Don’t tell me, hindi mo alam ‘yun?” napapantastikuhan niyang tanong.
Natawa ito. “Ah, oo, natatandaan ko na. Candy Crush at Pet Society lang kasi ang nilalaro ko.”
Sa pag-amin nito, hindi niya napigilan ang mapahagikgik. Akala niya kasi noong una ay wala itong kaalam-alam sa mga ganoong bagay, nagkamali siya. Ah, talagang hindi mo lubos na makikilala ang isang tao hangga’t hindi kayo nagkakaroon ng pagkakataon na mag-bonding. Kaya masasabi niyang hindi totoo ang first impressions last. Dahil kung ganoon ang paniniwalaan niya, hindi niya malalaman na mayroon palang ganoong kalaking farm ang pamilya ni Albert.
Nanlalaki na ang mga mata niya pero hindi pa rin maabot ng tanaw niya ang dulo ng farm. Gayunman, busog na busog ang mga mata niya sa kanyang nakikita. Iba’t ibang klaseng prutas at gulay kasi ang nakikita niya roon. Tulad ng kamatis, talong, sili, repolyo, pinya, may palayan din at mga puno tulad ng mangga, makopa, bayabas, buko at kung anu-ano pa. Organized ang mga iton kaya naman kaysarap pagmasdan. Kaya naman, parang nai-imagine niya na nasa loob talaga siya ng paborito niyang laro sa FB.
“100 ektarya ito,” wika ni Albert.
“Itong Vallejos Farm?”
“Yes.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Ang yaman mo pala,” hindi makapaniwala niyang sabi.
Napahalakhak ito. “Hindi ako ang mayaman. Ang tiyuhin ko. Siya lang naman kasi ang nagpakahirap na magtrabaho nang magtrabaho hanggang sa makuha niya ang lahat ng ito. Ako, kuntento na ako sa aking propesyon.”
“Selfie naman tayo, o,” nakikiusap niyang sabi.
Marahan nitong kinurot ang kanyang pisngi. “Ang cute-cute mo talaga.”
“Alam ko naman iyon,” wika niya sabay hagikgik. Ewan nga lang niya kung nahalata ba nito ang kilig na kanyang naramdaman.
Bumaba siya sa sasakyan at nagkuha nang nagkuha ng pictures at dahil wala namang tint ang sasakyan ni Albert, nagawa rin niyang isama sa selfie si Zacky.”
“Sama ako diyan,” wika ni Albert.
Matapos niyang magsawa sa kaka-selfie with Albert at Zacky, malakas na pag-inhale ang kanyang ginawa. “Ang sarap talaga ng hanging probinsiya.”
“Nakain mo ba?” tudyo nito.
“Ang sarap langhapin, I mean.”
“Gusto mo bang dito tumira?” walang anu-ano’y tanong nito sa kanya.
“Kung dito mo ba ako ititira, eh,” biro niya pero alam niyang sa kaibuturan ng kanyang puso, seryoso siya sa kanyang sinabi.
“Gusto mo ba?” naghahamong tanong nito.
“Kahit saan, basta kasama ka,” hindi niya napigilang sabihin.
Mataman siya nitong pinagmasdan na para bang gusto nang maluha. “Kung nakakasugat lang ang pag-ibig, siguradong kanina pa ako sugat-sugat dito.”
“At ‘di ako magsasawang gamutin ka,” madamdamin niyang sabi. At iyon ang kanyang pangako na hindi niya hahayaang mapako lang.
Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito ngunit hindi maalis ang tingin sa kanya. “Kung hindi lang ako nakapangako sa’yo na bibigyan lang kita ng real kiss kapag nasa harap na tayo ng altar, baka kanina pa kita nayakap at nahalikan.”
“Promises are made to be broken naman, eh.”
Natawa ito. Siguro ay nahalata na gusto na rin niyang magpahalik pero hinawakan lang nito ang mapupula niyang labi. “Ang tunay na lalaki ay hindi nagbabasag ng pangako kaya embrace-embrace na lang.”
Habang nagbibiyahe sila sa kabuuan ng Vallejos farm, hindi na napigilan ni Albert ang magtaka, ni isa kasing tauhan ay wala itong makita.
Kahit hindi magsalita si Albert, alam niyang kinakabahan na ito kaya naman, hinawakan niya ang tuhod nito. Gusto niyang ipadama rito na kahit na anong mangyari, nasa tabi lang siya nito.
“Anak ng baka…” bulalas nito sabay preno.
Dahil sa pagkagulat niya, napisil pa rin niya ang tuhod nito kaya katakut-takot na salita ang lumabas sa bibig nito tulad ng, “Oh, ah, oh, ah, naman kasi…” “Nasasapian ka ba?” mangha niyang tanong dito.
“’Yung tuhod ko.”
Hindi niya na-gets agad ang ibig nitong sabihin kaya sinuri niya ang tuhod nito. “Anong meron sa…?” Saglit siyang natigilan. Sa muli niyang pagpisil sa tuhod nito at muli nitong pagbigkas sa kung anu-anong salita. Hindi na niya napigilan ang mapahalakhak. “May kiliti ka sa tuhod?”
“Malakas.”
Napahagikgik siya. “Halata nga.”
“Thank you.”
“Saan?’ nagtataka niyang tanong.
“Kahit paano ay nababawasan ang kaba ko.”
“Kaya, halika na. Don’t worry, kahit ano pa ang matuklasan mo, nandito lang ako sa tabi mo,” pangako niya pero dalangin niyang sana nasa maayos na kalagayan ang tiyuhin nito. Hindi lang sa maaaring mapurnada ang kanyang project kundi dahil sa ayaw niyang makita ang kalungkutan at sakit sa mga mata nito. Nai-imagine pa lang niya kasi’y parang dinudurog na ang kanyang puso.
Ngunit, nang palapit na sila sa pinakadulo ng lupain ng mga Vallejos, kung saan naroroon ang two-storey house nito, nakita niyang maraming tao sa paligid.
“Ohhh…” bulalas niya nang mabasa sa streamer na may nakalagay na ‘Welcome home, Albert.’
Chapter 6
DAMANG-dama ni Leah ang pagmamahal kay Albert ng tiyuhin nito kaya parang gusto niyang maiyak sa labis na katuwaan. Para kasing bigla rin niyang naalala ang kanyang mga magulang. Ganoon din kasi ang mga ito sa kanya. Ibinibigay ang anumang makapagpapaligaya sa kanya. Kaya naman, pakiwari niya ay ibinaon din siya sa lupa ng mamatay ang mga ito. Mabuti na nga lang at naging matatag siya at hindi napatid ang kanyang katinuan.
“Lumabas ka na,” wika niya. Kung hindi niya napigilan ang sarili, baka napahagulgol na siya. Matagal na kasi niyang ‘di naramdaman ang ganitong pagpapahalaga. Kaya naman, nakaramdam siya ng inggit kay Albert.
“Tayo,” pagtatama naman ni Albert.
“Paano si Zacky?” nag-aalala niyang tanong.
“Ako ang bahala,” mariin niyang sabi rito.
Napangiti siya nang kunin nito si Zacky at parang batang kinarga. Naisip tuloy niya na magiging mabuti itong ama. Hindi sanay si Zacky na maraming tao kaya naman din a ito makapag-react. Parang nakaramdam ng takot. Kaya naman, hinawakan niya si Zacky, nais niyang ipadama rito na ‘di niya ito iiwanan.
“Albert!”
Ang karamihan ng tao ay biglang nahawi nang pumailanlang ang boses na iyon. Makapangyarihan pero may kalakip na lambing. Nakabuka pa ang mga kamay nito na naghahandang sumalubong ng yakap.
“Tiyo Manuel,” natutuwang wika ni Albert.
“Wow, si John Lloyd,” wika niya. May kalakasan pa ang pagkakasabi niya noon kaya naman natakpan niya ang kanyang bibig. Nag-peace sign pa siya dahil lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.
“What?” maang na tanong ni Albert, salubong ang kilay.
Bagamat isang matandang lalaki ang palapit sa kanila, ‘di niya maiwasang maalala ang actor nang makita niya ito dahil sa eksena na iyon.
“Kamukha ko ba si John Lloyd?” ngiting-ngiting tanong ng matandang lalaki.
Mabilis ang pagsagot niya. “Mas guwapo po kayo kaysa kay Lloydie. Naalala ko lang po sa inyo ang eksena nila ni Sarah sa pelikulang It takes a man and a woman.”
Natawa ito. “I like you.”
Napa-‘ehem’ si Albert.
“Girlfriend mo ba siya?”
“Yap.”
“Then, ngayon pa lang ay pasado na siya. Mas guwapo raw ako kay John Lloyd,” ngiting-ngiting sabi nito.
Lumapad ang ngiti niya sa labis na kasiyahan na nakikita niya ngayon sa mukha nito. Pero, hindi naman pambobola ang sinabi niya. May katotohanan naman iyon. Guwapo at matikas pa rin ito kahit marami ng putting buhok. Para ngang ito ang older version ni Albert. Kung hindi lang ito tinawag na ‘Tiyo’ ni Albert, mapagkakamalan niyang ito ang ama ni Albert.
“Hindi ko po kayo bonobola, ah. Totoo po iyon, Sir.”
“Tiyo Manuel din ang gusto kong itawag mo sa akin o kung gusto, Tiyo John Lloyd,” wika nito sabay kindat sa kanya.
Napahagikgik siya. Tiyak niya kasi na mabait ito kaya ngayon pa lamang ay sinisiguro na niyang magkakasundo sila.
“’Yan ba ang anak n’yo?” nakangiting tukoy nito kay Zacky. Hinaplos nito ang ulo ng kanyang alaga. “Mabait na aso.”
“Ako po kasi ang pet parent niya,kaya hindi ko po siya kayang iwanan. Sana ay okay lang,” wika niya.
“Of course, no problema.”
Pagkunwa’y binalingan niya ang mga bisita sabay sabi ng, “Hello sa inyong lahat.”
“Mas maigi siguro na dalhin muna natin siya sa loob at ikaw naman, Albert, intindihin mo muna ang iba mong bisita. Ako na muna ang bahala sa ‘mag-ina’ mo,” nakangising sabi ni Tiyo Manuel.
Kaya napilitan siyang kunin kay Albert ang kanilang ‘anak’.
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Albert. Ibig sana niyang tumutol sa kanyang Tiyo Manuel pero hindi niya nagawa. Bukod sa ayaw niyang ipahiya ito sa harap ng maraming tao, ‘di rin niya kayang isnabin ang mga tauhan ng kanyang tiyuhin na tila sabik na sabik sa kanyang presensiya.
Highschool siya nang manirahan siya sa Nueva Ecija para mag-aral. Iyon kasi ang panahon na nagkakaroon ng problema ang kanyang mga magulang. Marahil, iyon ang dahilan kaya naging pasaway ang bunso niyang kapatid. Pero, kahit na malayo siya sa kanyang pamilya, ‘di naman siya nakakaramdam ng pangungulila. Para naman kasing tunay na anak ang turing sa kanya ng tiyuhin. Paano ba naman, iisa lang naman ang hilig nila – pag-aalaga ng hayop. Pero, nagawa rin niyang pagtuunan ng pansin ang pagtatanim.
Kapag kasi nakakaramdam siya ng pagkainip ay lumalabas siya ng bahay. Nagpupunta siya sa taniman at nangungulit sa mga tauhan ng kanyang tiyuhin. Pakiramdam niya kasi’y hindi siya tatagal ng walang kausap. Siyempre, hindi naman maaaring lagi na lamang niyang iistorbohin ang kanyang tiyuhin.
Kaya ngang nakita niyang muli ang mga ito’y nakaramdam sin siya ng tuwa. Ewan nga lang niya kung bakit hindi lubos ang kasiyahan niwa. Dahil wa si Leah sa tabi niya, eh, iilang dipa lang naman ang layo niya rito.
“Mukhang mahal na mahal mo si miss, ah,” wika ni Aling Tasya.
Mabilis ang pagsagot niya. “Oho. Na-love at first sight ho ako.”
“Sinasabi ko na nga ba, eh.”
Binalingan niya si Mang Teban. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Lumikha kasi ito ng ingat. Pinukpok nito ang mesa.
Sinagot naman siya nito kaagad. “Na ‘di totoo ang mga kumakalat na tsismis noon na ikaw ay hmm…” wika nito saka pa-OA na itinikom ang mga labi sa halip na ituloy ang sasabihin.
Natawa siya. Gets na gets niya siyempre ang ibig nitong sabihin.
“Hindi siyempre ako bading. Now lang kasi dumating ang ka-forever ko.” Nang maalala na naman niya si Leah, napatingin siya sa bahay. Para kasing gusto na niya itong puntahan at yakapin.
“Sige na, puntahan mo na ang mahal mo,” sabay pang sabi ng matatanda.
“Kumain na muna kayo,” wika niya.
Nang ibaling niya sa mahabang mesa ang kanyang tingin, napangiti siya. Talaga kasing pinaghandaan g mabuti ng tiyuhin niya ang kanyang pagdating kahit kahapon lang naman niya ito tinawagan. Ibig lang sabihin noon, labis lang siya nitong pinahalagahan at kailanman, hindi niya iyon naramdaman sa kanyang mga magulang.
Bagamat may lechong baboy at baka, fried chicken, menudo, kare-kare, relyenong bangus, barbeque, bicol express, dinuguan at kung anu-ano pa’y hindi pa rin kumakalam ang kanyang sikmura. Pakiwari niya tuloy, dinala ni Leah ang kanyang gana.
“Ikaw?”
Umiling siya. “Gusto ko sabay kami ni Leah,” iyon lang at nagpaalam na siya rito na babasok muna sa bahay.
“MARAMING-maraming salamat po,” tuwang-tuwang sabi ni Leah kay Tiyo Manuel. Mula sa kanyang pagkakatalungko, agad siyang nakatayo. Pinakain niya kasi si Zacky, gaya ng sinabi ni Tiyo Manuel. Agad siyang kinontra ng matandang lalaki. “Ako nga ang dapat na magpasalamat sa’yo. Dinala mo rito muli si Albert.”
“May project po kasi akong ginagawa about farm. Kaya kung makakaistorbo po ako rito, pasensiya na po.”
“May palagay akong magiging parte ka ng aming pamilya kaya ‘di ka makakaistorbo sa amin.”
Napangiti siya sa sinabi nito. Siyempre, labis niya iyong ikinatuwa. “Salamat po kung ganoon.”
“Ito bang aso mo, pinapakain mo ng buto?” nag-aalalang tanong nito.
“Kapag po manok ang ulam.”
“Naku, kahit buto ang paboritong pagkain ng aso, huwag mo siya gaanong pakainin niyan lalo na kung maliliit at matutulis. Malaki kasi ang posibilidad na tumusok ‘yan sa kanyang bituka kaya kung gusto mong humaba ang kanyang buhay, huwag mong pakainin ng buto,” mariin nitong sabi.
May katwiran naman ito kaya tumangu-tango siya. “Tatandaan ko po,” sabi pa niya.
“Nagugutom ka ba? Kumain na tayo.”
“Gusto ko po sanang kasabay si Albert,” nahihiya niyang sabi. Hiling niya ay huwag sana itong ma-offend kaya naman pinigilan niya ang kanyang paghinga. Hindi niya kasi naiwasan ang makaramdam ng kaba. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong may sasama ang loob sa kanya.
Ang lapad ng ngiti nito. “I really like you para kay Albert.”
“Salamat po.”
Ikinumpas-kumpas nito ang kamay na parang sinabing, ‘Wala siyang dapat na alalahanin.’
“Okay lang ba sa parents mo na nadito ka?” nag-aalalang tanong nito. Pagkunwa’y bumuntunghininga ito. “Kunsabagay, tingin ko naman ay hindi ka na under age.”
Tumango siya. “23 na po ako.”
“Malaki siguro ang tiwala sa’yo ng parents mo, pati na rin kay Albert. Kunsabagay, mapagkakatiwalaan naman ang pamangkin ko na ‘yan,” wika nitong pinakadiinan ang katagang ‘pamangkin’ na para bang nagmamalaki.
Matabang ang kanyang pagngiti. “Wala na po sila rito.”
“Nasa abroad?’
“Sa heaven po.”
“Oh, I’m sorry.”
Ngumiti na lang siya. “5 years ago na po.”
“May kapatid ka?’
Umiling siya. “Si Zacky lang po ang pamilya ko,” wika niya. Muli, parang gusto na naman niyang umiyak, miss na miss na niya ang kanyang mga magulang. Kahit matagal ng panahon na wala ang mga ito, bumibigat pa rin ang kanyang dibdib kapag naaalala niya ang mga ito.
“There you are,’ si Albert.
Lumiwanag ang mukha niya nang makita ito. Kung hindi lang siya nakapagpigil, tinakbo na niya ito at niyakap. Pero dahil nanatili siyang nakaestatwa, si Zack yang gumawa noon para sa kanya. Nag-up kasi it okay Albert at may bonus pang halik.
“Leah is wonderful lady. Huwag mo sana siyang paiiyakin o lolokohin,” mariing sabi ni Tiyo Manuel na labis na nagpagilalas sa kanya. Paano ba naman kasi, parang labis-labis ang pagpapahalaga nito sa kanya gayung hindi naman sila magkakilala talaga.
MASASARAP ang mga pagkaing nakahanda, kaya naman maganang-magana ang pagkain ni Leah. Hindi naman siya high blood kaya naman medyo naparami ang pagkain niya ng lechon. Mayroon ding kare-kare at menudo. Type niya ang mga ito kaya naman kumuha siya nang kumuha. Hindi na muna niya iisipin ang kanyang diet, ang mahalaga sa kanya ay mawala ang pangangasim niya at masiyahan ng todo ang kanyang sikmura.
Sabi ng magtiyuhin na sa loob na lamang sila kumain para hindi siya mailangan ngunit naisip niyang may iba pang bisita si Albert kaya dapat lamang na i-entertain din nila ang mga ito. Kaya naman kahit na kumakain siya ay nakikihalo pa rin siya sa kuwentuhan kapag may nagtatanong.
Bumagal lamang ang kanyang pagnguya nang maramdaman niyang may kakaiba sa kanyang paligid. Bigla kasing nanahimik ang mga ito kaya naman, umangat ang kanyang tingin. May palagay kasi siyang may kailangan siyang matuklasan at hindi siya nagkamali. Ang mga tao na nasa kanyang paligid ay nakatingin sa kanya partikular na si Albert at Tiyo Manuel.
Naitanong niya tuloy sa sarili kung dapat nga ba siyang makaramdam ng hiya.
“Sorry,” nahihiyang sabi niya kay Albert. May palagay kasing nabibigyan niya ito ng kahihiyan.
Napalunok tuloy siya.
“Wala kang dapat na ihingi ng sorry,” wika nito sa kanya.
Si Tiyo Manuel ang sumagot. “Oo nga naman, natutuwa nga kami sa’yo dahil hindi mo inaalala ang iyong figure.”
“Malakas naman po kasi ang metabolism ko. Saka, ang sarap-sarap po talaga ng pagkain.”
“Ako ang nagluto niyan,” nagmamalaking sabi naman ng matandang babae na nagngangalang Aling Tasya.
“Naku, kung kayo po lagi ang magluluto habang naririto ako, baka kahit mabilis ang metabolism ko ay tumaba ako. Napakasarap po talaga. Pang-5 star restaurant.”
“Ay naku, masayang-masaya ako at nagustuhan mo ang luto ko. Kapag ikinasal kayo ni Albert, ako ang magluluto, ha.”
Napalunok siya sa sinabi nito. Hindi kasi niya inaasahan ang sinabi nito. Gayunman, ikinatuwa niya marami na ang tumatanggap sa kanila ni Albert.
“Makakaasa kayo, Aling Tasya,” wika ni Albert saka hinagilap ang kanyang palad.
“Mabuti naman kung ganoon. Kailan ba?”
Si Albert ang sumagot. “Ako ready na anytime, si Leah lang naman ang hinihintay ko. Para kasing hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya sa akin.”
Pinanlakihan niya ito ng mata.
Natawa si Tiyo Manuel. “Makuha ka raw sa tingin.”
Natawa siya saka umiling. Mas mabuti pang idaan na lang muna niya sa pagkain ang lahat. Talaga kasing kapag napag-uusapan ang kasal ay parang gusto muna niyang magtago sa kung saan. Paano ba naman kasi, hindi pa talaga siya handa sa pag-aasawa.
Sa ngayon ang nais lamang niya ay matapos ang articles na kanyang ginagawa.
Dahil sa hindi naman siya hinayaan ni Tiyo Manuel at Albert na tumulong sa pagliligpit, minabuti na lamang niyang humarap sa computer at gumawa ng ilang artikulo. Mayroon kasing topic na bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan at pinamagatan niya itong ‘How to have a beautiful farm’. Siyempre, hindi lamang iyon dahil sa may malaki silang lumain kundi dahil kailangan din na bigyan ng pagpapahalaga ang mga trabahador na nagpapakahirap sa farm at iyon ang ginagawa ni Tiyo Manuel dahil kahit na multi-milyonaryo ito ay nagagawa pa rin nitong makipagkapwa tao. Hindi kasi ito tulad ng ibang mayaman na sobra sa pagiging matapobre.
Matapos niyang maisulat ang isang article, malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Kahit kasi malalim na ang gabi, hindi pa rin siya makatulog.
Dahil nga hindi naman siya sanay matulog na ‘di nakakasama si Zacky sa pagtulog, parang hirap siyang dalawin ng antok. Nahiya naman siyang ‘di papasukin ang alaga sa loob ng kuwartong tinutulugan dahil baka maging abusado na siya. Tulad ng dapat niyang asahan, nasa likod ng pintuang tinutulugan niya si Zacky. Nang bumukas iyon, agad itong tumayo. Kitang-kita sa hitsura nito ang katuwaan, kumakawag-kawag pa ang buntot at nakataas pa ang dalawang tenga.
“Sorry, ah, ‘di ka puwedeng pumasok,” mahina niyang sabi. Siyempre, ayaw naman niyang makabulahaw siya. Oh, pakiwari naman niya’y nilamutak ang kanyang puso nang matitigan niya ang mga mata nito. Talagang nakakaawa. Naintindihan kasi nito ang kanyang sinabi. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Talagang kahit kailan ay magaling mangonsensiya ang kanyang alaga.
Malalim na buntunghininga ang ginawa niya bago niya ito niyukod, hinipu-hipo pa niya ang ulo nito. “Okay, you win. Tabi na tayo matulog.”
BILING baligtad si Albert. Alam niyang hindi iyon dahil sa namamahay siya kundi dahil sa naiisip niya si Leah. May palagay siya na kahit dis oras na ng gabi ay nagtatrabaho pa rin ito. Sabi nga nito kaninang pumasok ito ng kuwarto ay magpupuyat ito ng husto at hindi niya siyempre, maiwasan ang mag-alala sa kalusugan nito.
Kahit naman kahanga-hanga sa isang babae na nagtatrabaho ng todo at hindi umaasa sa kung sinuman lalo na sa mga kalalakihan, hindi pa rin niya gusto na tila nagpapakamatay ito sa pagtatrabaho. Kaya naman, parang gusto niyang bumalikwas nang bangon at puntahan ito para tiyakin kung nagtatrabaho ba ito o natutulog na. At kung sakali ngang nagtatrabaho pa ito, kailangan niya itong sitahin dahil alas-dos na ng madaling araw. Kahit pa mayroon itong deadline na hinahabol, hindi pa rin narason iyon para magpakapuyat ito ng husto, marami pa naman kasing araw na magdaraan bago sumapit ang isang buwang deadline nito.
Natigilan siya sa pagpunta sa kuwarto ni Leah nang mapadaan siya sa sala. Nakita niya kasing nakahiga sa sofa bed si Leah at nasa sahig naman si Zacky. Hula niya’y ‘di ito nakatulog dahil ‘di nito katabi ang pinakamamahal na alaga. Dahil doon, parang lalong lumambot ang kanyang puso. Sa palagay niya kasi ay sobra talagang sarap nitong magmahal. Kaya naman para siyang nangangasim na tikman iyon.
“Umalis ka na,” sabi ng kanyang utak ngunit parang ‘di niya kayang gawin. Sa pagkakatitig niya kasi rito’y parang nai-engganyo pa siyang lapitan ito.
Tila naman naramdaman ni Zacky na may ibang tao sa paligid kaya naman nagising ito. Pero, dahil sa kilala na naman siya nito’y tumaas lang ang tenga nito, wari’y nagtataka ito kung ano ang ginagawa niya roon. Tumayo lang ito nang ma-realize nitong gusto niyang lapitan ang amo nito. Sa tingin nito ngayon sa kanya ay parang sinasabi nitong handa itong manakmal kung sakaling may gawin siyang masama.
“Hinding-hindi ko sasaktan si Leah,” pangako niya rito. “Mahal na mahal ko siya at kailanman, hindi ko siya pababayaan.”
Sapat na ang mga salitang iyon para magtiwala sa kanya si Zacky. Agad itong sumuot sa ilalim ng sofa matapos umunat at maghigab.
Napalunok lang siya ng kung ilang ulit nang matitigan niya si Leah. Napakaganda nito. Mistulan itong anghel na itinakwil ng langit para maging kanya habambuhay.
Yes, iyon nga ang gusto niyang mangyari.
Maaari ngang kailan lamang niya ito nakilala, ngunit, sapat ng dahilan iyon para magawa niya itong mahalin forever. Tiyak niya kasing isa itong mabuting tao. Hindi ito mapagpanggap at alam niyang mapagmahal ito. Kita niya iyon sa kung paano nito alagaan at mahalin si Zacky. Kung ganoon, mas higit pa ang pagmamahal na maibibigay nito sa kanya at sa magiging anak nila. Kaya, ngayon pa lang ay nag-i-excite na siyang magpalitan sila ng ‘I do’. Iyon kasi ang simula ng walang hanggan nilang kaligayahan.
Napangiti siya. Ngayon pa lang kasi ay sabik na siyang bigyan ito ng real kiss. Ibig na kasi niyang ipadama rito ang kanyang damdamin.
“Ohhh, my!” bulalas niya. Umunat kasi ito kaya lumiyad ito dahilan para mapansin niya ang dibdib nito. Para iyong napakasarap na melon na ibig niyang tikman dahil parang napakatamis. Napamura na naman tuloy siya. Pakiwari niya kasi’y may kakaibang init na nanunulay sa kanyang katawan na ‘di niya tiyak kung mawawala kapag uminom siya ng malamig na malamig na tubig.
“My Gulay!” bulalas nang mag-landing ang kanang kamay nito sa ‘pintuan ng langit’. Tila nangati ito kaya kinamot-kamot iyon. Muli na naman siyang napamura nang alisin naman nito ang kamay ‘doon’ at dinala iyon sa ilong nito.
Pakiwari niya’y gusto niyang tuklasin kung sino ba ang makikita at maaamoy niya roon. Napasinghap tuloy siya nang ubod lakas. Pakiwari niya’y masusunog na siya sa sobrang taas ng kanyang temperatura. Kaya naman tumalikod na siya. Pakiwari niya, kung hindi pa niya ginawa iyon ay hindi niya mapipigilan ang kanyang sarili. Para kasing nais na niya itong romansahin at angkinin.
Ngunit, kahit na magpaubaya ito, nangangamba naman siya na baka hindi pangalan niya ang bigkasin nito.
Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito. Kahit naman nagsabi iyo ng I love you sa kanya, parang hindi sapat iyon para makasiguro siyang wala na sa puso nito ang ex-boyfriend nito. Kung talaga kasing mahal na siya nito ng higit kaysa sa ex nito, papayag na itong magpakasal sila. Kahit pa sabihing whirlwind romance ang kanilang pagmamahalan, magagawa pa rin nitong sumugal kung 100 percent na ang pagmamahal nito sa kanya.
Ngunit, masisisi ba niya ito?
Hindi!
Ang kailangan na lamang niyang gawin ngayon ay gawin ang lahat, sa abot ng kanyang makakaya para mahalin siya nito ng husto. Kapag nagawa naman niya iyon ay nakasisiguro siya na wala na itong iba pang mamahalin kundi siya.
Ang kailangan lang niyang gawin ay maghintay. Pero, habang ganoon ang kanyang ginagawa, dapat lamang na ipakita rin niya rito kung gaano nga ba niya ito kamahal. Kaya nga lang, bago niya gawin iyon, dapat muna siyang maligo. Sa pamamagitan noon ay maaaring mapawi ang init na kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan niya ito sa ganoong ayos.
Chapter Seven
GISING na ang diwa ni Leah. Pakiramdam kasi niya kapag ganu’n ang kanyang ginawa, mawawalan na siya ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang panaginip. Ngunit, hindi naman maaaring lagi na lamang siyang nakapikit. Kailangan din niyang dumilat para magawa niyang paghiwalayin ang panaginip sa reyalidad.
Ayaw pa nga sana niyang imulat ang kanyang mga mata pero pakiramdam niya’y may nakatingin sa kanya kaya napilitan siyang dumilat.
“Good Morning,” bati nito sa kanya.
Kasabay noon, bumalikwas din nang bangon ang natitira pa niyang antok. Hindi niya kasi inasahan na makikita ito at katabi pa niya itong matulog. Gilalas niyang inilibot ang tingin sa paligid. Positibo. Naroroon nga siya sa silid na kanyang tinutulugan at nakahiga rin ito sa kanyang tabi. Marahan pa nga nitong hinahawi ang buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha.
“Ang ganda-ganda mo talaga,” wika nitong hindi kumukurap. Pakiwari niya ay gusto talaga nitong ipadama sa kanya kung gaano siya nito kamahal.
Mahal nga ba siya nitong talaga? Tanong niya sa sarili. Kahit naman kasi ilang ulit na nitong binigkas sa kanya ang mga salitang iyon, pakiwari niya ay hindi pa rin iyon lubos para sa siya ay maniwala. Hindi siya nagdududa dahil saw ala siyang tiwala rito kundi natatakot siya na lubos na umasa. Hindi naman kasi ng magkapareha ay nagkakaroon talaga ng forever. May pagkakataon nga na kahit ikinasal na ng bonggang-bongga ay naghihiwalay pa rin kahit nagkaroon na ng anak o mga anak.
Kaya naman hindi niya natugon ang pagbati nito ng “Good Morning” nito. Paano ba naman kasi, bukod sa nakaramdam siya nang matindi pangamba, nagrigodon pa sa pagtibok ang kanyang puso. Nakakabingi ang lakas noon. Pakiwari rin niya ay may kakaibang klase ng kuryente ang nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.
Ano ang nangyari sa kanila? Kinakabahang tanong niya sa sarili, pagkaraan ay ilang ulit siyang napalunok.
Ang huli niyang natatandaan ay…
“Sa salas ka nakatulog. Gusto kong maging komportable ka kaya dinala kita rito.”
“Hindi kasi ako makatulog na hindi kasama si Zacky kaya nga lang, hindi ko naman siya mapapasok sa kuwarto kasi baka sabihin mo abusada ako.Eh teka nga pala, bakit ikaw nandito? Katabi pa kita,” kinakabahan niyang sabi. Naisip niya siyempre kung ano ang maaaring ginawa ng lalaki at babae sa isang silid.
Ngumisi ito. “Hindi ako nakapagpigil, eh.”
“May nangyari?” mangha niyang tanong. Pagkunwa’y may naalala siya. Hindi pa iyon lubos na malinaw sa kanyang isipan pero kinabahan na siya.
Ang lakas nang tawa nito.
Pakiwari niya tuloy ay napuwersa ang utak niyang mag-flashback. Kailangan niyang masiguro ang lahat.
Ang halik, ang yakap at haplos nito sa kanya.
Dahil sa pagmamahal niya rito, hindi niya natutulan ang kanyang damdamin.
“Pakiramdam mo ba ay may nabago sa’yo?” nanunudyong tanong niya sa kanya.
“Ha?”
“Na-devirginized ba kita?” Nakangiting tanong nito. Para pa ngang bituin na kumukuti-kutitap ang mga mata nito.
Sa tanong nito, hindi siya nakapagpigil. Naluha siya.
“Hey–,” gulat nitong sabi.
“Wala na akong maipagmamalaki sa’yo.”
“That’s not true.” At tuluyan na siyang napahagulgol. Hindi niya kasi nagawang tuparin ang simple niyang pangarap kaya naman ang bigat bigat ng kanyang dibdib.
“Anong hindi totoo, eh, nskuha mo na ang perlas na iniingatan ko? Porke hindi ako nakatutol sa halik at yakap mo, itinuluy-tuloy mo rin…?” Dahil sa inis niya sa sarili, hindi siya nakapagpigil, hinampas-hampas niya ito ng unan at mas dinagdagan pa niya iyon dahil tumawa pa ito na para bang gusto ng hikain. Ang init-init na tuloy ng pakiramdam niya. Biruin mo ba naman, todo-todo ang pag-e-emote niya pero parang balewala lang dito.
“Kelan ko ba nakuha?” Ngiting-ngiting tanong nito.
Gilalas siyang napatingin dito.
Lalong nagningning ang mga mata nito. “Ang suwerte ko naman, parang kahit sa panaginip mo ay kasama po pa rin ako.”
Ang lakas ng pagsinghap niya. Paano, para ngang totoo ang sinabi nito. Gayunman, nais pa rin niyang makasiguro. Kaya namanlumuhod siya sa higaan at sinuri ang kanyang pinaghigaan. Wala nga siyang nakitang bahid ng dugo na nagpapatunay na wala na ang kanyang virginity. Saka, nang ibaba niya sa katawan ang kanyang tingin ay hindi naman nabago o nawala ang kanyang suot.
“Ikaw kasi…” naninisi pa niyang sabi. Ibig kasi niyang pagtakpan ang kanyang pagkapahiya.
“Ako?”
“Sabi mo, ‘di ka nakapagpigil.”
“Na dalhin ka rito at humiga sa tabi mo. Kontento naman akong humiga sa tabi mo at pagmasdan ka lamang. Hindi kasi, nakakasawa ang kagandahan mo, eh.”
“Bola!”
“Hindi ako bolero, ah. Halika na.
“Saan?” nagtatakang tanong niya rito. Pero, kahit naman saan siya nito yayain ay willing na willing siya ritong sumama.
“”Di ba, kailangan mong mag_research?”untag nito sa kanya.
“Yap.”
“Pero,bago iyon kailangan mo munang kumain. Kailangan mo ng lakas para makapag-research ng husto.”
“Anong oras na?’
“Alas-siyete kaya naunahan ka na ni Zacky, nasa labas na siya at naglalaro.”
Tumayo siya. Agad naman siya nitong inalalayan. Kung hindi niya napigilan ang sarili’y baka naitulak niya ito. Para kasing nakuryente siya sa simpleng pagdadaiti ng kanilang mga balat. Pakiwari lang niya’y imposibleng magawa iyon. Paano ba naman kasi, may kaiga-igayang sensasyon siyang naramdaman.
“Teka muna,” wika niya sabay taas ng kamay na para bang susuko.
“Why?’
“Hindi pa ako naghihilamos. Bad breath pa ako.”
“Maganda ka pa rin at ‘di ako naniniwalang bad breath ka. Natikman ko na ang laway mo, super tamis,” ngiting-ngiting sabi nito.
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Huwag ka ngang ganyan.”
“Bakit?” nagtatakang tanong nito
“Kinikilig ako, eh,” amin niya. Hindi naman kasi niya makuhang magkaila ng nararamdaman. Kung ano ang nadarama niya, agad niyang ibinubulalas. Pero siyempre, ayaw naman niyang mapahiya at masaktan kaya naman kailangan ay rendahan din niya ang kanyang damdamin.
“Better.”
Tumayo siya. Agad naman siya nitong inalalayan. Kung hindi niya napigilan ang sarili’y baka naitulak niya ito. Para kasing nakuryente siya sa simpleng pagdadaiti ng kanilang mga balat. Pakiwari lang niya’y imposibleng magawa iyon. Paano ba naman kasi, may kaiga-igayang sensasyon siyang naramdaman.
“Alam mo ba ang pangarap ko?”
“Maging beterinaryo.” Kunot noong sabi niya. Hindi kasi niya maiwasan ang magtaka kung bakit kakailanganin pa nitong pangarapin ang isang bagay na nakamit na nito.
“Mayroon pa.”
“Ano?” nagtataka niyang tanong.
“’Yung masanay kang wala ka ng ibang gugustuhing makita sa umaga, kundi ako,” mariin nitong sabi sa kanya. Mataman pa siya nitong pinagmasdan na tila nagpapahiwatig ng abot-langit na pag-ibig.
BIGAS ang pangunahing pangangailangan ng tao kaya iyon ang unang destinasyon na kanyang pinili.
Sa tingin naman niya ay hindi gaanong mapapansin ni Zacky kung mawawala siya, may mga kalaro naman kasi itong aso. Hindi tuloy niya napigilan ang mapabuntunghininga. Dahil doon, nakita niyang super saya nito. Kahit naman kasi magkasama sila palagi, hindi niya nakita na ganoon ang kasiglahan nito. Gayunman, naniniwala siya na hindi siya nito ipagpapalit kahit kanino, na mahal na mahal pa rin siya nito.
Sa kaisipang iyon, parang ibig niyang matawaw. Para kasing pati ang mga aso ay pinagseselosan niya.
Binigyan katwiran niya ang nararamdaman, siyempre nagmamahal siya at saka, hindi lang basta aso o alaga ang turing niya kay Zacky. Para sa kanya, isa itong kapamilya na aalagaan niya habang ito ay nabubuhay.
“Sure ka bang hindi tayo sasakay?” nag-aalangang tanong ni Albert.
“Sayang lang ang diesel.”
“Full tank naman, eh.”
“Mauubos din iyon.”
“Marami akong pera.”
“Mas masarap ang maglakad kapag ikaw ang kasama.”
Ngumiti ito ng super tamis. “Sabi ko na nga, pampalakas ng tuhod ang paglalakad ng mahaba.”
“Magkakaroon pa ako ng inspirasyon.”
“Ako ba ‘yun?”
“Hmm…kasama ka na rin.”
“Sino pa ang iba?”
“Bukod kay Zacky?”
“Yes.”
“Ang mga farmers.”
Ngumiti ito. “Akala ko ibang lalaki.”
“Seloso ka naman masyado.”
“Labs kita, eh.”
“The feeling is mutual,” hindi niya napigilang sabihin. Sa bawat araw nga na kasama niya ito, mas lumalalim ang kanyang nararamdaman.
“Nakakaisip ka ba ng iba’t ibang topic sa paglalakad nito.”
“Yah.”
“Sample?”
“Advantages of having a farm.”
“Ano naman?”
“Getting rich.”
“Iyon lang?”
“Mayroon pang iba.”
“Ano?”
“Falling in love.”
“Wow.”
“Pero, ngayon tutok muna ako sa rice.”
“Sure.” Ngiting-ngiting sabi mo. “Basta, tandaan mo lang na ako’y nandito lang. Hindi lang body guard mo kundi knight in shining armour mo. Pwede ring Prince Charming,” malambing nitong sabi sa kanya sabay kindat.
Hindi na naman niya napigilan ang sarili. Natutop niya ang kanyang dibdib. Kailangan kasi niyang hulihin ang kanyang puso at ibalik sa kinalalagyan nito. Nangangamba kasi siyang kapag hindi niya ginawa iyon ay bigla na lamang itong kumawala at magpunta sa kung saan. Para sa kanya, kontento na siyang kay Albert niya ialay ang kanyang pag-ibig.
“Ang gusto kong topic ay how to plant a rice, pero, paano nga ba ang magtanim?” tanong niya.
“Kahit may ideya ako, mas maiging sa mas may karanasan ka magtanong.”
Tumango siya. Kaya naman napatakbo siya nang may makita niyang may babae siyang magsasaka na kasalukuyang nagtatanim. “Magandang umaga po.”
Napa-straight ito nang tayo. Agad itong ngumiti nang makita siya. Namukhaan din niya ito, nagpunta ito sa Welcome Party ni Albert. Well, sa tingin naman niya ay lahat ng tauhan ng mga Vallejos ay nasa Party ni Albert.
“Magandang Morning din po, Miss Leah.”
“Pwede po bang makaistorbo?”
Tumingin muna ito kay Albert na ngiting-ngiti bago sumagot. “Aba’y ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Paano po ba ang magtanim?”
Ngumiti ito. “IYon lang po ba?”
Tumango siya. “Opo.”
“Ganito,” wika nito ng hawakan ang itatanim na binhi na sinasabing damo saka yumuko para ibon iyon sa malambot na lupa na mayroong tubig.
“Hmmm, mukha namang madali.”
“Gusto mo bang subukan?”
Nanlaki ang mga mata niya. “Pwede?”
“Of course.”
“Naku, miss, baka mahirapan ka,” nag-aalalang sabi ng matandang babae.
Umiling siya. “Kayang-kaya ko ‘yan, manang,” mayabang niyang sabi.
“Pero…”
Si Albert naman ang nagsalita. “Hayaan mo, Aling Tale, may research siyang ginagawa kaya naman dapat lamang na matutunan niya ang ginagawa ng mga magsasak,” nakangiting sabi nito.
Napakamot sa ulo si Aling Tale. “Kayo po ang bahala.”
Dahil sa nais din niyang maranasan ng todo ang ginagawa ng magsasaka, ginaya pa niya ang posisyon nito. Bahagyang nakabukaka, straight body, saka yumuko para magtanim nang magtanim.
“Aray ko!” hiyaw niya pagkatapos.
Sa bilang niya’y limampung ulit lamang siyang umunat at yumuko pero sapat ng dahilan iyon para siya ay mapangiwi ngayon. Masakit na masakit na ang kanyang likod kaya naman parang gusto na niyang mag-request ng stretcher. Nang balingan naman niya si Albert ay panay ang kuha nito ng picture sa kanya.
Kahit naman sa palagay niya ay nakakahiya ang hitsura niya, hindi niya ito sinita sapagkat siya naman ang may utos dito na kumuha rin ng pictures sa kanya habang siya ay nagri-research. Hindi lang dahil sa may ebidensiya siyang maipapakita sa kanyang bossing habang siya ay nagtatrabaho kundi dahil gusto niyang magkaroon ng soveneir sa bawat sandali na pananatili niya sa lugar na iyon.
“Okay ka lang, mahal ko?”
Tumango siya kahit napapangiwi siya sa sakit.”
“Kaya mo pa ba?”
“Kaya kong tiisin ang sakit pero hindi ang gutom. Hungry na kaming lahat,” wika niya saka binalingan ang ibang magsasaka.
Ngayon niya na-realize na ang pagtatrabaho sa bukid ay hindi basta-basta kaya hindi dapat na inaaksaya lamang ang bigay. Kailangan ay isiping mabuti ang pagpapakahirap ng mga magsasaka na nagtatanim doon. Buti na nga lang, hindi siya ang tipo ng tao na nag-aaksaya ng pagkain lalo na ng kanin kaya wala siyang guilt feeling na nararamdaman nu’ng maranasan niya ang pagtatanim.
“Tumawag na si Tiyo Manuel, dumating na ang food para sa lahat,” pag-aanunsiyo ni Albert.
“Mabait talaga ang magtiyuhin na ‘yan,” wika ni Aling Tale. “Regular na nagpapadala dito ng tanghalian si Don Manuel kaya nga hindi namin nararanasan ang hirap ng pagsasaka dahil may puso para sa lahat. Saka pag may pinansiyal kaming problema, agad silang tumutulong.”
“Ang suwerte pala natin dahil kakilala natin sila.”
Agad lumapit sa kanya si Albert. “Hindi ka na ba talaga makagalaw diyan. Halika, buhatin na lang kita,” wika nito saka siya pinangko. Kahit hindi siya tumingin sa paligid, alam niyang lahat ay nakatingin sa kanila kaya naman tiyak niyang namumula ang kanyang mukha sa labis na hiya. Pero, ang puso naman niya ay kilig na kilig. Kaya naman, hindi niya napigilang hilingin na sana ay wala ng katapusan ang mga sandaling iyon.
KAHIT na may sakit pa rin siyang nararamdaman sa kanyang likod, pakiwari ni Leah, hindi na niya iyon alintana. Paano pa niya iintindihin iyon kung super saya ang nararamdaman niya – sa piling ni Albert at mga magsasaka.
“Happy?” tanong sa kanya ni Albert.
Tumango siya. “Super.”
Nasa munting dampa sila at magkatabing nakaupo kaya naman nagkakatinginan at napapangiti sa kanila ang mga magsasaka. Kahit naman kasi mahaba ang bangko, magkadikit na magkadikit pa rin sila. Pakiramdam yata nila’y giginawin sila kapag nagkahiwalay.
“Bakit?” malambing na tanong nito.
“Kasi, nandito ka.”
Marahan nitong hinawakan ang kanyang likod paakyat sa kanyang batok. Kaya naman, muntik na siyang napasigaw. Siguro ay naalala nito na malakas ang kiliti niya roon. “Masakit pa ba ang likod mo?” nag-aalalang tanong nito.
“Konti na lang. Alam mo ba kung bakit?”
“Bakit?”
Matamis na ngiti muna ang pinawalan niya saka sinagot ang tanong nito. “Kasi, inalagaan mo ako, eh,” wika niyang pinapungay ang kanyang mga mata. Pagkaraan, hindi niya napigilan ang sariling bigyan ito ng mabilis na halik sa labi.
“Para saan iyon?” nagtatakang tanong nito.
“Reward ko sa’yo.”
“Ang sarap.”
Umalingawngaw tuloy ang pag-‘uyy’ sa paligid. Hindi itinago ng mga magsasaka ang kilig na naramdaman sa kanila.
“Aprub po ba sa inyo na maging misis ko si Leah?”
“Aprub na aprub,” sabay-sabay na wika nito.
Ohhh, hindi niya magawang hagilapin ang tamang salita. Siyempre, pangarap naman niya na may makasama sa habambuhay at sa palagay niya’y si Albert ang fit na fit roon, pero, sapat nab a ‘yon para mag-‘Yes, I’ll marry you’ siya?
Malalalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya saka umiling. Marami pa siyang dapat ayusin at intindihin, kabilang na roon ang project na kanyang ginagawa.
“Ikaw?”
Lumunok muna siya bago sumagot. Dalangin niya’y hindi ito ma-hurt. “In time.”
“Maghihintay ako,” wika nito na tila ‘di naman na-offend dahil ang tingin nito sa kanya ay punung-puno ng pag-ibig.
Dahil sa marami-rami siyang isusulat na ideya tungkol sa subject na rice at farm, nagpasya muna siyang huminto sa paggala. Nagkulong muna siya sa kanyang silid at nagsulatdoon nang nagsulat. Kung hindi nga lang siya kinakatok ni Albert para kumain ay mananatili na lamang siya sa silid pero siyempre, nakakahiya namang tumanggi sa grasya saka kailangan din namang magkalaman ang kanyang utak para gumana ng husto ang kanyang creative mind.
“Kilala mo pa ba ako?” tanong sa kanya ni Albert.
“Ha?”
“Wala ka kasing ginawa kundi ang magsulat.”
“Selos?’ Nakangiting tanong ni Tiyo manuel.
Napangiti siya. “Wala ka namang dapat na ipagselos dahil ikaw lang ang nasa puso ko, ang mga isinusulat ko ay nasa utak ko lang.”
“Muwah, muwah, muwah,” wika ni Albert sabay halik sa hangin.
Kahit naman kasi gusto nitong pupugin siya ng halik, hindi nito basta magagawa iyon, magkatapat lang kasi sila ng upuan at kung sakaling dudukwangin siya nito, siguradong kakailanganin pa nitong sumampa. Pero siyempre, hindi nito gagawin iyon at may batas ang Tiyo nito na hindi maaaring tumayo hangga’t hindi natatapos kumain.
Kaya naman sinagot na lang din niya ito ng, “Muwah!”
SA loob ng isang linggo ay 40 articles na ang kanyang nagagawa plus pa ang 15 articles na dinaan niya kay Manong Google kaya naman nakapag-submit na siya ng partial. Bilin kasi ng bossing niya, mag-submit siya agad kapag nakakalahati na siya. Kaya naman ang kabang naramdaman niya sa paggawa ng artikulo ay nabawasan nang makatanggap siya ng ‘excellent’ feedback sa kanyang bossing.
Marami siyang papuri na tinanggap dito. Talaga raw hindi ito nagkamali ng pagtitiwala sa kanya. Dahil doon, mas na-inspire siya sa kanyang ginagawa. Muli niyang napagtanto na ‘di siya nagkamali ng trabahong pinili. Nailalabas na niya ang kanyang creative juices, mabait pa ang kanyang boss.
Napabuntunghininga siya. Kung minsan talaga, mas masarap pang magtrabaho ang mga dayuhan kaysa kapwa Pilipino. Sa mga eksperiensiya niya sa pagtatrabahong serbidora sa fastfood at sales lady sa Shoe Department sa SM, napatotohanan niya ito. Nakaranas din kasi siya roon nang pambu-bully ng kapwa empleyado niya dahil masyado raw siyang masipag kaya nagmumukha siyang masyadong sipsip. Ang mga employer naman niya ay kalimitang naniniwala sa mga tsismis na ibinabato sa kanya kaya napipilitan siyang mag-resign. Para kasi sa kanya, wala nang patutunguhan ang samahan kung napingasan na ang tiwala at nabahiran nang pagdududa.
“Hey, what?” gilalas na bulalas ni Albert. Agad niya itong niyakap paglabas ng silid.
Sa halip sagutin niya ito, mas hinigpitan niya ang yakap nito.
Ito ang unang kumalas sa kanila. “Why? Nagtatakang tanong nito pero may matamis na ngiti sa labi.
Matagal muna niya itong tinitigan bago niya ibinulalas ang, “Thank you.”
Kumunot ang noo nito. “Saan?”
“Sa suporta mo. Hindi ako makagagawa ng articles kung hindi mo ako sinala rito.”
Matamis na matamis ang ngiti nito nang ikulong ng kamay nito ang kanyang pisngi. “Kahit naman dinala kita rito kung ‘di ka naman creative, balewala rin. Ikaw ang gumagawa ng iyong kapalaran. Magpasalamat ka sa’yong sarili dahil mayroon kang sapat na talino at lakas ng loob. Ang obligasyon ko lang ay suportahan ka dahil mahal na mahal kita.”
“Wow,” ‘di makapaniwalang sabi niya.
Tinaasan siya nito ng kilay. “Huwag mo sabihing duda ka pa sa pagmamahal ko.”
“Of course not.”
“Talaga?”
“Yap.”
“Marry me.”
Natawa siya.
Nagsalubong ang kilay nito. “Stop it.”
Huminto naman siya. Itinikom din niya ang labi. Nangamba siyang bawal din pati ang pagngiti.
“Hindi ba sapat ang pagmamahal mo sa akin?”
“I love you.”
Umiling ito. “Hindi ‘yan ang gusto kong marinig.”
Mataman niya itong tinitigan. Hindi na niya ito gusto pang masaktan. Pakiramdam niya kasi’y wala siyang utang na loob kapag ginawa niya ito kaya sunod-sunod na pagtango ang pinawalan niya.
Chapter 8
“PAKAKASALAN mo ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Albert.
“Yes,” wika niya. May pagkabigla lang siyang naramdaman sa reaksyon nito. Hindi kasi maipagkaila sa anyo nito ang sobrang kaligayahan.
“Kungganoon, ayusin na natin ang ating kasal,” excited nitong sabi.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Buong akala kasi niya ay maghihintay pa sila ng ilang buwan o taon. Naisip din niya na isa lang iyong katanungan na mayroon ding simpleng sagot.
“Leah…”
“Ha?”
“Magpakasal na tayo.”
“Agad?” hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi naman niya gustong maglaho na parang bula ang saying nakapaskil sa mukha ni Albert pero, hindi naman niya maiwasan ang magtanong.
“Kung maaari lang.”
Matagal niya itong tinitigan. “Why?”
“Dahil mahal kita at sabi mo, mahal mo ako. Mahal mo nga ba ako?” marahang tanong nito, matiim na nakatingin sa kanya. Wari’y ibig nito talagang malaman kung ano nga ba ang nararamdaman sa kanya.
“Yes.”
“Pero…”
“Hindi pa tapos ang project ko.”
Umikot ang mga mata nito. “Project na naman.”
“Of course. Hindi dapat baliin ang pangako.”
“Then, tapusin ang project.”
“May problema.”
Kumunot ang noo nito. “Naubusan na rin ako nang maisusulat, eh.”
“Iyon lang ba?”
“Yap.”
“Then, research ulit.”
“Sa taniman naman ng gulay at prutas.”
“As you wish,” wika nito sabay yukod na para bang prinsepe na nangangako ng pag-ibig na walang hanggan.
Matamis na matamis tuloy ang ngiting kanyang pinawalan. Kaya naman nasabi niya sa sarili na imposibleng
“ANG sarap ng buko,” wika ni Leah na parang humihiling habang nakatingala. Ang puno kasi ng buko ay hitik na sa dami ng buko kaya naman kailangan na talaga itong tapyasin para mainom na.
“Gusto mo?” tanong nito, malambing na malambing pa ang pagkakabigkas nito na may layunin talagang magpakilig.
“Pwede ba?”
“Siyempre naman,” ngiting-ngiti nitong sabi.
“Sinong aakyat?” nag-aalalang tanong niya. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan saka nilibot ang tingin sa paligid. Wala pa kasing tauhan doon dahil masyado pang maaga. Nang tumingin siya sa kanyang wristwatch ay napagtanto niyang ala-siyete pa lamang. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang umalis ito, nagtungo sa may dampa at nang muling maglakad patungo sa kanya ay may bitbit ng itak kaya naman nanggilalas siya ng ibulalas niya ang katagang, *Ikaw?”
“Wala ng iba.” ngiting-ngiting sabi nito.
“Kaya mo?” gilalas pa niyang tanong.
Marahan nitong pinisil ang kanyang ilong. Watch and learn what love can do,” masuyo nitong sabi sa kanya sabay pisil sa kanyang ilong.
Napasinghap na lamang siya ng magmistulan itong Spiderman ng mga sandaling iyon. Ang bilis-bilis ng pag-akyat nito. Kahit sa tingin naman niya ay marunong naman itong umakyat, tinutop pa rin niya ang dibdib. Paano, kabado pa rin siya. Feeling niya kasi, kaunting pagkakamali lang nito ay babagsak ito. Dumoble ang kabang naramdaman niya nang inabot nito ang buko kaya naman isang kamay lang nito ang may hawak sa puno, ang isa naman na may hawak ng itak ay patulog sa pagtapyas.
Hindi niya tuloy napigilan ang maiyak sa sobrang takot. Kung magkamali kasi ito at mahulog doon, tiyak niyang hindi lang ito maaaring mapilayan.
“Albert, huwag mo na akong ikuha ng buko. Okay na ako. Bumaba ka na lang, please.”
“Naku, miss, huwag kang mag-alala dyan kay Albert, bata pa lang ‘yan ay sanay ng umakyat sa puno ng buko.”
Kahit na ganoon ang sinabi ni Aling Tale, hindi pa rin niya makuhang makampante habang nasa itaas ng puno si Albert. Pakiwari niya kasi’y siya ang dapat na sisihin kapag may masamang nangyari rito. Napatili pa siya nang may bumagsak sa kanyang harapan. Paano ba naman, mayroong bumagsak sa kanyang tabi. Buong akala niya ay si Albert. Nakahinga lamang siya nang maluwag ng makumpirma niyang buko lang iyon.
“I’m here,” wika ni Albert.
Agad naman niya itong nilapitan at niyakap ng pagkahigpit-higpit. Muli at muli niyang aaminin sa sarili na mahal niya ito at hindi niya hahayaan na mapahamak ito dahil sa kanya.
“YES!” hiyaw ni Leah nang magawa na niyang tapusin ang 100 articles. Wala nga lamang boses na lumabas sa kanyang lalamunan dahil malalim na ang gabi. Nang tumingin siya sa kanyang cellphone ay napagtanto niyang alas-tres na pala ng madaling araw.
Kung siya lamang ang tipo ng taong medaling takutin, makakaramdam siya ng kilabot. Sabi kasi sa mga horror novels at horror movies, ang oras na iyon ang dapat na katakutan dahil iyon daw ang oras ng mga engkanto. Subalit, sa tagal na panahon naman niyang nag-iisa sa buhay, hindi siya nakaranas ng kung anong katatakutan kaya naniniwala siyang hindi naman iyon totoo. Maaari talagang likha lamang iyon ng malikot na isipan ng tao.
Kahit na madaling araw na, hindi pa rin siya dalawin ng antok kaya nagpasya siyang tumayo at bisitahin muna si Zacky.
“Oh,” bulalas niya nang hindi niya ito makita sa labas ng pintuan. Kahit naman naisip niya na sa labas ito natulog kasama ang ibang aso, ibig pa rin niyang makatiyak. Mahal na mahal niya ito kaya alam niyang hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanyang buhay.
Ang lakas ng kanyang pagsinghap nang makalabas siya ng bahay. May pakiramdam siya na nasa may lanai si Zacky kasama ang dalawang aso na naging kabarkada na nito roon. Ngunit, may kaba siyang naramdaman dahil wala naman siyang asong nakita roon.
Kinabahan tuloy siya.
“Pssst…”
Nang mga oras na iyon ay pinipili niyang maging matapang pero parang kayhirap gawin. Paano ba naman kasi niya magagawa iyon, eh, parang may naglalakad pa sa may gawing likuran niya. Hindi niya napigil ang mapasigaw nang maramdaman niya ang kamay na iyon na humawak sa kanyang braso na para bang gusto siyang isama sa hukay.
“Hey –” wika nito saka siya iniharap.
Namilog ang mga mata niya nang makilala kung sino ang may kagagawan noon — si Albert. Kaya naman, hindi na siya nagdalawang isip pa na yakapin ito. Kailangan niyang pawalan ang takot na kanyang naramdaman kanina kaya mahigpit na mahigpit ang yakap niya rito. Pagkunwa’y hindi rin niya napigilan ang mapahagulgol. Pakiwari niya, ang lahat ng takot na naramdaman niya ay kailangan na niyang ilabas.
Kaytagal na panahon na pinili niya ang magtapang-tapangan. Pakiramdam niya kasi kapag naging mahina siya ay bibigay pati ang kanyang katinuan. Pero sa bisig ni Albert, pakiwari niya’y protektadung-protektado siya kaya okay lang na ilabas din niya ang kanyang kahinaan.
“What? Why?”
Hindi rin niya masagot ang katanungan nito kaya umiling-iling na lang siya. Basta ang gusto niya ng mga sandaling iyon ay isang dibdib na masasandalan at hinayaan lang siya nito na umiyak nang umiyak. Basta hagod lang ito nang hagod sa likod niya para siya ay payapain. Subalit, parang hindi niya kayang awatin agad ang sarili. Feeling niya, kailangan muna niyang ilabas ang lahat ng takot na naipon sa kanyang dibdib.
“Okay ka na?”
Tumango siya.
“Ano bang nangyari sa’yo?” nagtatakang tanong nito.
“Hinahanap ko si Zacky.” naiiyak niyang sabi. Hindi kasi maalis sa isipan niya na maaaring napahamak ito.
“Nakatagpo siya ng panibagong barkada.”
“Ha?”
“Mabaho ako,” wika nito. Kumalas ito sa kanya nang mapagtanto na okay na siya.
“Hindi, ah,” tanggi niya. Kahit naman kasi wala itong pabango, kaiga-igaya pa rin ang amoy nito.
Ngumisi ito. “Talaga ngang mahal mo ako.”
“Kaya nga pakakasalan kita,” malambing niyang sabi. “Tapos na ang articles ko.”
“Wow!”
Kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi inakala na ganoon lang kasimple ang reaksyon nito.
“Nasaan nga pala si Zacky?” matamlay niyang tanong dito.
“Nasa kural.”
Namilog ang mga mata niya. “Anong ginagawa roon?”
“Sinundan niya ako, eh.”
“Anong ginagawa mo roon?” nagtataka niyang tanong.”
“Nagpaanak ng baboy.”
Namilog ang mga mata niya. “Ilan ang biik?” excited niyang tanong.
“8.”
“Ang dami.”
“Kung minsan nga, umaabot ng 13, eh.”
“Patingin,” excited niyang sabi saka ito hinila sa may kural.
Tulad ng sinabi ni Albert, nakatagpo nga ito ng bagong kabarkada. Sumuot pa kasi ito sa kural at tumabing matulog sa mga baboy kaya naman hindi niya muna ito inistorbo. Ang nais kasi niya ay makita ang mga biik. Kahit mahaba ang kural, alam niyang ang destinasyon nila ay iyong mayroong ilawan.
Napa-‘wow’ pa siya nang makita niyang mga biik na plain at may batik-batik.
Dahil sa animal lover talaga siya, hindi niya napigilang i-request kay Albert na kargahin ang isang biik. Inamoy-amoy pa niya ito na para bang ito ang pinakamabangong nilalang sa buong mundo.
“HINDI ka pwedeng maligo.”
Gilalas na napatingin si Leah kay Albert. “Ang baho ko,” wika niya paglabas ng kural. Ngayon lang niya nailapag ang biik dahil nag-enjoy siya masyadong kargahin ito. Feeling nga niya, sa kanya ito lumabas.
Kung hindi nga lamang napansin ni Albert na panay na ang paghigab niya at tapos na rin ito sa ginagawa, mananatili pa rin niyang karga ang biik. Para kasi sa kanya, ang cute-cute nito. Kaya nagulang tang pa siya ng paglabas nila sa kural ay nagbubukang liwayway na.
“Mahal mo ba ang buhay mo?” tanong nito sa kanya.
Mabilis ang kanyang pagsagot. “Siyempre naman.”
“Kungganoon, dapat lamang na sundin mo ang sinasabi ko.”
“Pero…”
“Alam mo ba kung ano ang posibleng mangyari kapag hindi mo ako sinunod?”
Hindi man nito sinagot ang sarili nitong tanong, kinabahan na siya. May nabasa kasi siyang artikulo na nagsasabi na ‘di talaga makabubuti iyong naliligo na ‘di pa nakatitikim ng tulog. Gayunman, gusto pa rin niyang marinig ang sasabihin nito. Kaya nga lang, hindi pa niya naibubulalas ang ‘ano’ sinagot na siya nito.
“Maaari kang ma-stroke.”
“Ha?”
“Kasi, wala ka pang tulog tapos nagtrabaho ka pa ng husto ang utak mo. Kumbaga sa makita, nainit na mainit na ‘yan kayakapag binuhusan mo nang malamig na tubig…”
“Sasabog,” aniya.
“Very good.”
Napalunok siya. Para kasing nai-imagine na niya kung ano ba ang maaaring mangyari.
“Kaya kung ayaw mong ma-stroke, matulog ka muna. Kahit 5 hours lang.”
“Ang baho ko para mahiga sa kama…” Natigilan siya nang may mahagip siya ng tingin. “Pwede bang matulog sa duyan?”
“Of course”.
“Mabaho ako.”
“Correction, hindi ka mabaho dahil wala namang amoy ang mga biik. Malinis ang biik na ibinigay ko sa’yo kaya walang dahilan para maging mabaho siya,” wika nito habang inaalalayan siya nito patungo sa may duyan at maging noong sumasampa na siya. . Pagkunwa’y tanong nito, “Pwede bang tumabi?”
“Kakaiba ang amoy ko,” nag-aalangan niyang sabi.
Sumampa muna ito bago siya sinagot.“Kahit ano pa ang amoy mo kaya kong tiisin, saka, pareho lang naman tayo ng amoy kaya dapat lang na magsama.”
“Bahala ka,” wika niyang naninigat na talaga ang mga mata pero may kakaiba siyang sayang naramdaman nang yakapin siya nito ng pagkahigpit-higpit. Sa pagitan ng kanyang paghigab, nagsumiksik pa siya sa dibdib nito. Hindi niya tuloy napigilan na magsabi rito ng ‘I love you’.
KAHIT namimigat na ang mga mata ni Albert, hindi pa rin niya magawang pumikit. Paano ba naman, sarap na sarap siyang pagmasdan si Leah. Mistulan itong anghel na payapang natutulog.
Hindi lamang ito mayroong mala-anghel na kagandahan, Napakabait din nito. Kaya naman masasabi niyang loko ang lalaking umiwan dito. Para kasing hindi nito naisip na 1 in a million lamang ang tulad ni Leah, pero pinawalan pa. Pero, para sa kanya, mabuti ng ginawa nito iton dahil nagawa na niyang makapasok sa buhay nito at naniniwala siya na nagawa na rin niyang pasukin ang puso nito.
Kaya naman nang magsabi ito sa kanya na pakakasalan siya, walang pagsidlan ang kaligayahan na kanyang naramdaman. Kaya nga lamang, hindi pa niya nagawang pormal na mamanhikan dito. Alam niyang mas gugustuhin nito na maging bahagi rin ng ‘pamamanhikan’ niya ang mga magulang nito. Kaya ibibigay niya ang engagement ring niya rito kapag nasa puntod na sila ng mga magulang nito. Isa pa, ibig din muna niya itong ipakilala sa kanyang pamilya.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Masyado kasing busy ang kanyang mga magulang sa kani-kanilang negosyo at ang kapatid naman niyang si Jordan ay hindi rin niya mahagilap. Paano, wala itong inatupag kundi ang barkada.
Mabuti na nga lamang at nasanay na rin siya sa kanyang pamilya na tila wala namang pakialam sa kanya. Kahit na nga nang magdesisyon siyang lumipat ng bahay ay parang balewala lamang sa mga ito. Ewan nga niya pero pakiramdam niya minsan ay hindi siya bahagi ng pamilya Vallejos.
Dini-dismiss lamang niya sa isipan iyon kapag naiisip niya ang kanyang Tiyo Manuel na 100 percent ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya. Kung minsan nga, naiisip niyang mas naging ama pa niya ito kaysa sa tunay niyang ama. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo para maitaboy niya sa kanyang isipan ang iba’t ibang negatibong emosyon. Madali naman niya siyempreng nagawa iyon dahil umaapaw ang pag-ibig sa kanyang puso.
Nang unang beses na matitigan nga niya ang mga mata ni Leah, para na siyang nahihipnotismo. Parang may boses na nagsasabi sa kanyang hindi na niya ito dapat na pawalan pa. Kaya naman ng makita niya na may bakanteng paupahan sa tabi nito ay agad siyang nagdesisyon na lumipat doon. Siyempre, nais niya itong maging kapit-bahay para naman lagi nitong makita ang kanyang presensiya.
Para ngang pati ang kapalaran ay umaayon sa sitwasyon kaya nagkalapit sila. Kunsabagay, hindi naman ito tulad ng ibang babae na suplada. Mabait ito at super sweet dahilan para mahulog lalo ang loob niya rito. At isang umaga nga, nasabi na lamang niya sa kanyang sarili na ito ang gusto niyang makasama sa habambuhay.
Noon ay hindi niya alam kung magkakaroon pa siya ng pamilya dahil sumapit na siya sa edad 28 na hindi man lamang nagka-crush. Mas gusto pa nga niyang tumingin sa mga hayop kaysa sa maaarteng babae pero nag-iba ang pananaw niya sa pag-ibig dahil kay Leah. Para ngang nabubuo na sa kanyang isipan na magkakaroon sila ng isang dosenang anak.
Mahal niya ito, iyon ang isinisigaw ng kanyang puso at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kapag nawala ito sa kanyang buhay.
Kaya naman kahit lumipas pa ang 3 oras, hindi siya nakaramdam ng pagkangawit. Ewan nga lamang niya kung nakatulog pa siya dahil napapikit din siya. Basta ang alam niya, muling nag-flashback sa kanyang isipan ang mga alaala nila ni Leah na alam niyang laging nakatatak sa kanyang isipan.
“Hmmm…” wika ni Leah nang imulat nito ang mga mata.
“Kamusta ang tulog mo?” malambing niyang tanong.
Ilang ulit muna itong kumurap-kurap na para tinitiyak pa kung okay nab a siya. “Masarap. Guest nga kita sa panaginip ko.”
“Talaga?”
“Yap.”
“Anong ginagawa natin?”
Pilyang-pilya ang ngiti nito bago sumagot. “Secret.”
“Censored?”
“Bawal.”
“Bakit?”
“Dehins pa rin tayo kasal, eh.”
“Malapit na.”
Ngumuso ito.
“Huwag mo sabihing duda ka?” Hindi makapaniwala niyang tanong. “Heto nga at sinisimsim mo na ng todo ang amoy ko. Kahit pa medyo kakaiba.
“Hindi mo nga ako ipinapakilala pa sa pamilya mo, eh.”
Matabang siyang ngumiti. “Ipapakilala siyempre kita.”
Hindi pa man niya naibubulalas ang tanong na kailan, may boses siyang narinig na nagsasabing, “Ang init sa probinsiya.”
Chapter 9
AGAD lumipad ang tingin ni Leah kay Albert.
“He’s Allan, my younger brother.”
Mabilis pa sa alas-kuwatro ang paglapit nito sa kanila. “And you are?” anitong titig na titig sa kanya.
“Leah…” wika niya.
“Allan,” wika nito sabay lahad ng kamay.
Marahang tinapik ni Albert ang kamay nito. “She’s my fiancée.”
“Fiancee?” wika nito sabay halakhak.
Nagsalubong ang kilay niya sa ginawi nito. Pagkunwa’y tiningnan siya nito at hinagot ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkaraan, nilipat nito ang tingin kay Albert.
“Weehhh?’
Marahas na hininga ang pinawalan ni Albert. “Sa maniwala ka’t sa hindi, totoo.”
“Hah, talagang ‘di ako naniniwala dahilan alam kong bading ka.”
“No. Of course not,” gilalas niyang sabi. Kahit sa tingin niya mali ang pgsingit niya sa usapan ng magkapatid, may palagay siyang dapat lamang niyang ipagtanggol ang kanyang boyfriend.
“Wow, may tagapagtanggol ang ate ko,” nakangising sabi ni Allan.
Marahas at malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. “Sinabi ng hindi bading ang kuya mo.”
“Napatunayan mo na ba? Naikama ka na ba niya? Nasiyahan ka bang talaga –?“ hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil itinulak ito ni Albert.
“Shut up!”
Sa takot na masaktan nito ang kapatid, agad niyang inawat si Albert. “Huwag mo na siyang patulan,” aniyang parang gusto niyang umiyak. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ganoon ang pagtrato ng bagong dating kay Albert. Para tuloy dinurog ang puso niya. Hindi dapat ganoon ang trato nito sa kanyang mahal. Siya ang higit na nasasaktan kaya naman parang gusto niyang humagulgol.
“Talagang ‘di niya ako pwedeng patulan dahil mag-utol kami.”
“Bastos ka talaga!” Namumula na ang mukha ni Albert sa tindi ng galit.
“Totoo ang sinasabi ko.”
“Nagpunta ka lang ba dito para manggulo, ha, Allan?” galit na tanong ni Tiyo Manuel. Kahit open ang lugar, pakiramdam pa rin ni Leah, dumagundong sa paligid ang boses ng matandang lalaki.
“My uncle,” wika ni Allan sabay palakpak.
“Tigilan mo na ang kapatid mo,” nanlalaki ang mga mata nito habang hinihimas ang dibdib. Hindi niya tuloy napigilan ang alalahanin ito kaya naman napatakbo siyang palapit dito.
“Sipsip,” tudyo sa kanya ni Allan.
“Kalmante lang po.”
“Alam mo ba ang dahilan kaya gusto kang pakasalan ng kapatid ko?” nang-iinis na tanong nito sa kanya.
“Mahal niya ako.”
Ang lakas ng tawa nito. “Bading ‘yan, paano ka mamahalin niyan? Ang sabihin mo, pinaibig ka lang niya at pakakasalan dahil gusto niyang makuha ang lahat ng ito. Mas mahal niya ang pera kaysa…” Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nasuntok ito ni Albert.
SA tingin ni Leah, lalong lalaki ang gap ng magkapatid. . Pinalayas kasi ni Tiyo Manuel si Allan. Anito’y wala itong karapatan na manira lalo’t walang katotohanan. Lumabas din na kaya ito naroroon ay dahil ibig nitong kumbinsihin si Tiyo Manuel na ibenta na lang ang farm nito at magpatayo ng resort doon.
“Naniniwala ka ba sa akin?” nag-aalangang tanong ni Albert.
“Of course,” mabilis niyang sabi. Kahit naman kailan lang sila nagkakilala, alam niyang hindi nito magagawang manggamit ng ibang tao para lamang makakuha ng milyones. Simpleng tao lang ito.
“Paano kung bading nga ako?” wika nito saka umiling.
Mabilis ang kanyang pagsagot. “Hindi ako naniniwala.”
“Why?”
“Dahil mahal na mahal natin ang isa’t isa at malaki ang tiwala ko na ‘di mo ako lolokohin.”
“Talagang hindi.”
“Then, wala kang dapat na ipag-alala.”
Ngunit, bakit naging mapagmatyag siya sa mga kilos ni Albert? Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya iyon ginagawa dahil nagdududa siya kundi dahil…
Ano nga ba?
Ah, dahil gusto niyang kumpirmahin sa kanyang sarili na sinungaling si Jordan. Mula ulo hanggang paa, lalaking-lalaki si Albert Vallejos.
Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba pag-aaksayahan niyang isipin ang nakababatang kapatid ni Albert.
“Anong iniisip mo?” untag nito.
“Bakit siya ganoon?” nagtatakang tanong niya.
“Sino?”
“Ang kapatid mo – si Allan.”
“Matagal ko nang tanong ‘yan sa sarili ko.”
“Baka nagseselos siya sa’yo.”
“Mas mahal siya ng parents ko.”
“Eh, ang Tiyo Manuel mo?”
Napapalatak ito.
“Hindi ko naman pinag-iinteresan ang farm. Pero, siyempre, ayaw ko rin itong ibenta. Malaking bahagi ng kabataan ko ang naririto. Saka, kawawa naman ang mga tao na umaasa sa farm na ito.”
Tumango siya. “Alam ko,” wika niya saka ito pinakatitigan.
“What?”
“Talaga bang kapag nagpakasal ka sa’yo mapupunta ang farm?”
Nagkibit ito ng balikat. “I don’t know.”
“Ang suwerte mo –,”
Marahan na hininga ang pinawalan nito. “Hindi ako interesado sa mana,” mariin nitong sabi. “Ikaw lang ang mahalaga sa akin.”
“But still,” wika ni Tiyo Manuel. “Ikaw pa rin ang may karapatan sa lahat ng ito.”
KUmunot ang noo ni Albert. “Pamangkin n’yo lang ako.”
“Pero kasal ka man o hindi, anuman ang pagkatao mo, ikaw pa rin ang magiging tagapagmana ko,” mariing sabi ni Tiyo Manuel.
ANUMAN ang pagkatao mo? Hindi makapaniwalang bulalas ni Leah sa kanyang isipan. Ewan niya kung bakit kinabahan siya ng husto sa tinuran na iyon ni Tiyo Manuel. Hindi naman niya makuhang magtanong dito kung ano ang ibig nitong sabihin. Alam niyang may kakaiba siyang matutuklasan.
Ibig bang sabihin, totoo ang sinabi ni Allan?
No! mariin niyang sabi sa sarili.
“Malungkot ka na naman,” wika ni Albert na tila ‘di pinagkaabalahang isipin ang sinabi ng tiyuhin nito. O baka naman kaya ganu’n ay dahil alam naman nito ang ibig sabihin ng matandang lalaki. Sa medaling salita, dedma lang ito. Ngunit, pinakatitigan siya na para bang may gustong basahin sa kanyang ekspresyon.
Agad siyang naghagilap ng maisasagot dito. “Malapit na kasing matapos ang takdang araw,” tukoy niya sa pagbabalik Manila.
“Di mag-extend.”
“Di pwede.”
“Why?”
“Marami akong gagawin.”
“Maisisingit ba sa hectic mong schedule ang kasal natin?” mataman nitong tanong sa kanya.
Pakakasalan ka lang niyan dahil gusto niyang makuha ang lahat ng ito. Bading ‘yan! Bading! Naalala na naman niya ang sinabing iyon ni Allan na parang paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang isipan.
Matamis na matamis ang kanyang ngiti. “Siyempre naman. Simpleng kasal lang naman, di ba?’
“I want the best for you kaya bonggang kasal ang gusto ko. Okay lang bang dito sa Nueva Ecija gagawin?” excited na tanong nito.
Marahan siyang tumango.
KUmunot ang noo nito.
“Napipilitan ka lang yata?” nagdaramdam nitong tanong.
Ilang beses siyang umiling. “Nang sinabi kong pakakasalan kita dahil iyon sa pagmamahal ko para sa’yo.”
“Wow. Ilang percent?” naglalambing nitong tanong.
NGumiti muna siya bago sumagot. “101.”
“Wow.”
“Eh, ako?” nag-aalangan niyang tanong. Ewan kung bakit may kaba pa rin siyang nararamdaman.
“Infinite.”
Natigilan siya sa tinuran nito. Dapat sana ay maging Masaya siya nang sabihin nitong walang hanggan ang pag-ibig na nararamdaman sa kanya pero hindi niya nagawa. Naalala kasi niya si Jordan. Ganoon din ang ipinangako nito sa kanya. Na mamahalin siya ng walang hanggan pero biglang naglaho.
Napabuntunghininga siya. Matagal na iyon pero may sakit pa rin siyang naramdaman. Sa palagay niya ay hindi iyon mawawala hangga’t hindi nagku-close book ang kanilang love story. Kahit naman si Albert na ang nagmamay-ari sa kanyang puso ngayon, alam niyang may 1 percent pa rin siyang nararamdaman sa ex na hindi niya magawang pawalan talaga.
“Ang sweet,” malambing niyang sabi pagkaraan. Ayaw niyang mahalata ni Albert na nagagawa pa rin niyang isipin ang kanyang ex. Ayaw niyang mag-isip ito ng masama, na pagdudahan pa nito ang pagmamahal sa kanya.
Pero…
Maraming pero ang tumatakbo sa kanyang isipan. Basta ang alam niya at sigurado niya, mahal niya si Albert. Pero, sabi ng atribidang bahagi ng kanyang isipan, hindi siya makakapag-move on kung hindi mawawala ang natitira pa niyang pag-ibig kay Jordan.
“Yakap nga,” anito.
Siyempre, malugod niya itong pinagbigyan. Kapag yakap siya nito, nasasabi niya sa kanyang sarili na wala siyang ibang gustong makasama sa habambuhay kundi ito lamang.
“Hindi na ba talaga kayo magpapaawat?’ tanong ni Tiyo Manuel.
“Marami pong gagawin, eh.”
“Sana lang bumalik kayo agad dito.”
“Sigurado ho iyon,” wika niya saka ito niyakap ng super higpit. “Maraming salamat po.”
“Ako nga ang dapat na magpasalamat sa’yo.”
KUmunot ang noo niya.
“Nagawa mong pasayahin ang pamangkin ko.”
“Basta sa kasal naming dapat nandoon kayo. Kunsabagay, dito naman gagawin ang kasal naming,” wika ni Albert sabay akbay sa kanya. Pagkunwa’y tinapunan siya nito ng nakalulusaw na tingin.
“Kahit saan kayo ikasal, sisiguraduhin ko na nandoon ako. Kailangan kong makasiguro na talagang magpapalitan kayo ng ‘I do’.
Kahit sa tingin niya ay nagbibiro lamang si Tiyo Manuel, bumalikwas nang bangon ang kaba sa kanyang dibdib. Naalala kasi niya ang sinabi ni Jordan. Marahas na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan. Sabi ng isip niya, hindi niya ito kilala kaya walang dahilan para magtiwala siya rito kaya pumikit siya ng mariin. Gusto niyang palisin sa isipan ang pagdududa sa lalaking kanyang minamahal.
“Sad din si Zacky,” ani Tiyo Manuel.
Pilit siyang ngumiti para ‘di nito mapansin ang lungkot ang pagdududa. “Mawawala na kasi ang kabarkada niya.”
“Baka gusto ng magpaiwan ni Zacky,” biro ni Tiyo Manuel.
“No,” mariin niyang sabi.
Para rin namang naintindihan ng alaga niya ang sinabi ng matandang lalaki kaya naman dali-dali itong tumabi sa kanya.
“Ayaw kang iwanan,” wika ng matandang lalaki.
“Alam niya siguro na ako lang ang magmamahal ng sobra-sobra sa kanya.|
Tumango ito. “Palagay ko nga. Albert, ingat sa pagmamaneho,” anito nang balingan ang pamangkin.
“Mas dodoblehin ko pa ang pag-iingat ko ngayon dahil kapiling ko ang babaeng mahal na mahal ko,” wika nitong buong tiim na nakatingin sa kanya.
Chapter 10
KAHIT na nakatutok ang mga mata ni Leah sa screen ng kanyang laptop habang naglalaro ng Candy Crush parang gusto pa rin niyang umiyak. Ramdam na ramdam kasi niya ang paghihirap ng kanyang kalooban. Pakiramdam nga niya, anumang oras ay kakapusin na siya ng paghinga.
Para kasing naloko na naman siya at sa palagay niya, higit iyong masakit. Pinaasa kasi siya ni Albert na magkakaroon sila ng forever pero mula nang bumalik sila ng Manila 1 week ago, hinayaan na lang siya nitong nakakulong sa bahay gayung pader lang naman ang nakapagitan sa kanila.
Kaya, kahit marami siyang project na ginagawa, hindi niyamaiwasang isipin na lahat ng sinabi, ipinadama at ipinangako nito ay isa lamang kasinungalingan. Kung katotohanan kasi ang mga iyon, dapat naman ay nagkakaroon pa rin sila ng breakfast date.
Pero, anong nangyari?
Mula nang bumalik sila mula sa Nueva Ecija, hindi na ito nagparamdam sa kanya kaya naman kahit gusting-gusto na niya itong makapiling, sinikap niyang magtiis. Lagi kasing pumapasok sa isipan niya ang sinabing iyon ng nakababatang kapatid nito. Bagamat alam naman niyang simple lang naman si Albert at lalaking-lalaki, marami pa ring katanungan na pumapasok sa utak niya.
Bakit dinidedma na siya nito? May kasalanan ba siyang nagawa rito?
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Pwede naman niya itong tanungin pero parang wala siyang lakas ng loob na tumayo at magpunta sa kabilang bahay.
Muli, napabuntunghininga na naman siya. Alam na alam kasi niya ang dahilan kung bakit ganu’n katinding takot ang naramdaman niya. May kinalaman iyon kay Jordan.
Dati kasi, lakas-loob siyang lumapit dito para tanungin kung ano ba ang nangyari sa kanila. Bigla na lang kasi, nanlamig ito sa kanya. Mahal niya ito at nangangamba siyang tumandang mag-isa kaya naman hinarap niya ito. Naniniwala kasi siya na mahal din siya nito. Maaari lang na mayroon itong tampo sa kanya.
She wanted to know the truth.
Hindi lang niya akalain na super sakit pala talaga ang katotohanan. Paano, nang magpunta siya sa apartment nito noon, hindi ito nag-iisa. Sa silid nito ay mayroon itong kasamang babae. Hindi man niya nakita ang mga ito sa akto, alam niyang walang ibang dahilan kaya magkasama ito sa kuwarto ni Albert.
“Hindi na kita mahal kaya kalimutan mo na ako. Ayaw na kitang makita pa,” gigil na gigil na sabi noon ni Jordan. Ewan niya kung bakit kahit ito na nga ang may kasalanan sa kanya nu’ng panahon na iyon, ito pa ang matapang. Pakiwari niya tuloy kaya ganoon ay dahil nais nitong ipadama sa kanya na ‘di na siya nito kailangan sa buhay nito.
Oh my, sobra ang sakit na naramdaman niya nu’n na parang nagpapahinga sa kanya. Kaya naman ngayon, may pag-aalinlangan siyang naramdaman kahit paulit-ulit na sinabi sa kanya ni Albert na wala itong naiisip na pakasalan kundi siya.
Napasinghap siya nang maalala niya ang isang mapait na katotohanan. Isang pangako lang naman ang binigkas nito at siya ay nagtiwala lamang ngunit wala naman siyang pinanghahawakan na tutuparin nga nito na makikipagpalitan ito ng ‘I do’ sa kanya. Ni hindi nga ito nagbigay ng singsing sa kanya na simbolo na engaged na sila.
Kungganoon, maaari bang isa lamang iyong pangako na maaaring mapako? Nangangamba niyang tanong sa sarili.
Mauulit na naman ba ang sakit? Naiiyak niyang tanong sa kanyang sarili. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi kumawala roon ang hagulgol. Alam kasi niyang kapag hindi niya pinigilan ang sarili ay magmimistula siyang bakang iiyak sa labis na paghihinagpis. Aba’y kailangan niyang rendahan ang kanyang sarili.
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Siyempre, hindi na niya gugustuhin pang mangyari iyon. Nangamba kasi siyang hindi na niya iyon kayanin pa. Ah, kung maaari sanang turukan na lamang ng pampamanhid ang kanyang puso, ginawa na sana niya. Kaya lang, hindi ‘di maaari iyon, eh.
Oh, parang ibig niya magsisi kung bakit nagawa pa niyang mahalin si Albert. Napa-‘tsk’ lang siya ng sagutin niya ang sariling tanong. Mahirap kasing kalabanin ang puso.
Dahil sa pakiramdam niya ay nagsasayang na lamang siya ng kuryente, minabuti niyang i-off na lamang niya ang kanyang computer. Kahit kasi nakatuon sa monitor ng TV ang kanyang atensyon, wala sa ginagawa niya ang kanyang utak. Biruin mo ba naman, kahit nasa easy level lang siya ng Candy Crush, natatalo pa rin siya.
Ang ibig niya nang mga oras na iyon ay makalimot sa sakit na nararamdaman kaya naman minabuti na lamang niyang mahiga sa couch at magmuni-muni. Kailangan ay mag-isip siya ng mabuti kung ano bang matinding kasalanan ang kanyang nagawa para parusahan ng ganoon ng langit.
Siguro ay naramdaman ni Zack yang sakit na kanyang nararamdaman kaya tumabi ito sa kanya – sa couch. Malaki naman kasi iyon kaya nagawa nitong isiksik ang sarili. Lalo tuloy niyang naalala sina Jordan at Albert.
Kahit naman si Albert ang nagmamay-ari sa malaking bahagi ng kanyang puso, ‘di pa rin niya nakakalimutan na si Jordan ang ‘ama’ ni Zacky.
“Minahal ko naman ang Tatay Jordan mo, eh, kaya lang, niloko niya ako. 3 years ang pinagsamahan naming, itinapon lang niya dahil sa isang babae.” Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Mabuti na lamang at ‘di niya nagawang ibigay dito ang kanyang virginity kahit ilang beses itong nagtangka na kunin iyon. “Pero, ‘di ang Tatay Jordan mo ang nagpaparamdam sa akin ng ganitong sakit kundi ang Daddy Albert mo. Mahal na mahal ko kasi siya.”
Hindi niya napigilan ang magtawa sa kanyang mga pinagsasasabi. Pakiramdam nga niya, kapag may nakarinig sa kanya, aakalain na nababaliw na siya.
“I love you, Zacky,” wika niya saka ito niyakap ng pagkahigpit-higpit at hinalikan din niya ang mahaba nitong nguso. Hindi siya umiwas nang dilaan siya nito. Alam niyang gusto lang din nitong ipadama sa kanya kung gaano ba siya nito kamahal.
Pipikit na sana siya upang matulog, para naman kahit papaano ay maipahinga na niya ang kanyang isipan, kahit saglit lang. Pakiramdam niya kasi’y magdurugo na iyon nang biglang may kumatok. Si Albert ang una niyang naisip kaya naman bigla siyang bumalikwas nang bangon. Napagaya din tuloy sa kanya si Zacky.
Kahit naman may tampo siyang nararamdaman kay Albert, ‘di sapat iyon para dedmahin niya ito. Kaya naman mabilis ang pagkilos niya. Agad niyang binuksan ang pintuan para mabigo lamang.
Di si Albert ang naroroon.
KUndi ang babae ni Jordan.
“ANONG ginagawa mo rito?” tanong niya sa babae. Naningkit ang kanyang mga mata. Kahit naman para sa kanya, isa nang nakaraan si Jordan, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para bigyan niya ng ubod tamis na ngiti ang babaeng ito.
“Kailangan kitang makausap,” mariin nitong sabi.
“Demanding ka?” inis niyang tanong dito. Malalalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan pagkaraan. Hindi siya ang tipo ng tao na nakikipag-away pero parang hindi niya kayang kontrolin ang emosyon niya. Paano ba naman, babae rin ito pero parang hindi nito nagawang isipin kung anong klaseng sakit ang maaari niyang maramdaman kapag nang-agaw ito ng boyfriend.
Ex-boyfriend, pagtatama niya sa sarili.
“Hindi mo muna ba ako papapasukin?” tanong nito sa kanya.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Kahit naman tutol ang kalooban niya, hindi niya magawang magsabi rito ng ‘no’ dahil ‘di nama siya namamahiya kaya naman bahagya siyang lumihis ng tayo.
“Tuloy…”
Sinunod naman nito ang sinabi niya pero gumagala ang mga mata nito.”Nice house.”
“Thank you,” matabang niyang sabi. “Ano ba talaga ang sadya mo? I’m sure, ‘di lang para purihin ang bahay ko.”
Umupo muna ito bago nagsalita. “Dahil kay Jordan.”
“”Wala na kami, matagal niya at siguro naman wala kang amnesia para makalimutan mong dahil iyon sa’yo.”
“He lied.”
Napabuga siya sa hangin. “Kung nagsinungaling siya sa’yo, anong paki ko?” aniyang sinikap na tarayan ito pero alam niyang malambot pa rin ang kanyang boses. Hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na nagtatanim ng galit.
“Sa’yo siya nagsinungaling. He loves you. He still loves you.”
Nakabibiglang marinig ang mga salitang iyon sa babaeng naging dahilan nang hiwalayan nila ni Jordan, kaya, napakunot noo siya. Parang may mali lalo na’t nakikita niya sa mga mata ng kaharap ang lungkot. Kaya nang maalala niya ang una nitong sinabi, napakunot ang noo niya.
“Hindi iyon ang sinabi niya.”
“Kailangan lang niyang gawin iyon. Gusto niyang maging masaya ka.”
“Gusto niya akong maging masaya?” hindi makapaniwalang bulalas niya. “Sinaktan niya ako.”
“Kung nasaktan ka, nadurog ang puso ni Jordan.”
Napapalatak siya sa sinabi nito. Bagamat parang kinurot ang puso niya sa narinig, sinaway niya ang sarili.
“Kalokohan!”
“Iyon ang totoo.”
“Huwag mong bilugin ang ulo ko. Alam kong nakukonsensiya ka lang. Huwag kang mag-alala, pinatawad ko na kayo.”
Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito. “Wala akong kasalanan sa’yo.”
“Nakipagrelasyon ka –.”
“Pinsan ko si Jordan.”
Ayaw niyang maniwala sa sinabi nito pero namangha siya nang mapansin, hindi tumatahol si Zacky kahit may ibang tao sa paligid. Bagamat maamong aso si Zacky, tumatahol pa rin ito kapag unang beses pa lang nitong nakita ang tao. Pero, kung susuriin niya ang aksyon ni Zacky, para kilalang-kilala nito ang babae.
“Hi, Zackyra..” wika nito.
Kumunot ang noo niya.
“Sa akin niya hiningi ang dog mo,” nakangiting sabi nito.
“Walang bawian, ah,” mariin niyang sabi. Kaya naman kahit na may kabigatan si Zacky, pilit niya itong kinarga. Hindi niya hahayaan na maagaw sa kanya ang pinakakahal niyang alaga. Si Zacky na kasi ang bumubuo sa kanyang pagkatao.
Umiling ito. “Wala akong planong bawiin sa’yo si Zackyra. Baka kasi maging dahilan pa ‘yan para…”
Kumunot ang kanyang noo. Sa tingin kasi niya ay parang gusto nitong humagulgol. “What?” naiinis niyang tanong. Ewan niya kung bakit sa bawat paglipas ng minuto ay kinakabahan na siya.
“He’s dying.”
Oh, pakiramdam niya ay may bombang sumabog sa kanyang harapan.
HINDI inaasahan ni Leah na makikita niya sa ganoong kalagayan si Jordan. Para tuloy may dumaklot sa kanyang puso at nilamutak ito kaya sobra ang sakit na kanyang naramdaman.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan na iniwan siya nito dahil nalaman nito na mamamatay na ito. Nagkaroon ito ng AIDS dahil nakipagtalik ito sa kung sinong babae nang minsang malasing. Bagamat naging unfaithful ito sa kanya nu’ng maging magkasintahan sila’y hindi na niya makuhang magalit dito. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit hindi na ito naging sweet sa kanya, ilang buwan bago makipaghiwalay sa kanya.
“Jordan…”
Agad itong dumilat.
Nalaglag ang luha niya nang masalubong niya ang tingin nito. Nakita kasi niya ang saglit na pagkislap noon nang makita siya. Alam niya, natuwa ito. Ganoon kasi ang tingin nito sa kanya palagi noon kapag sasabihin nitong siya na ang babaeng gugustuhin nitong makasama sa habambuhay.
“Anong ginagawa mo rito?” pagalit nitong tanong pero wala ng lakas. Ang payat-payat na nito ngayon kaya ‘di na niya napigilan ang maawa rito.
“Dinadalaw ka.”
“Wala na ang mala-Paulo Avelino kong kaguwapuhan,” nakangiting sabi nito pero punung-puno pa rin ng pait ang boses.
“Para sa akin, guwapo ka pa rin.”
“I’m sorry…”
Tumango siya.
“Ayan, dahil napatawad mo na ako, pwede na akong mamatay.”
“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan,” saway niya rito.
“I wan’t you to be happy.”
“Kung gusto mo akong maging masaya, magpagaling ka.”
“Imposible na.”
“Walang imposible kay God.”
“Siya ang may kagustuha nito. Kunsabagay, bakit ko ba naman sa kanya isisisi ito, eh, ako ang nagpasarap. Kamusta na si Zackyra?”
Hindi niya masabing, Zacky na an gang pangalan ng kanilang ‘baby’. Ayaw niyang masaktan ito. “She’s fine. Ang taba-taba niya,” pagkunwa’y ipinakita niya rito ang mga pictures nila ni Zacky na magkasama.
“Ang laki na nga ng baby natin.”
Tumango siya.
“Wala pa bang boyfriend?”
“Bata pa siya para riyan.” Nakaingos niyang sabi rito.
“Eh, ikaw?” tanong nito matapos magpawala nang malalim na hininga. Pakiramdam niya ay gusto pa nitong habulin ang hininga. Siguro naisip nito na kapag hindi nito nagawa iyon, ay mawawalan na rin ito ng hininga. Alam niyang iniisip nito na hindi pa ito dapat na mamatay.
“Ha?”
“May boyfriend ka na?” mapait nitong tanong sa kanya pagkaraan.
Kahit hindi na niya alam kung ano ba ang estado ng relasyon nila ni Albert, tumango pa rin siya.
“Wow, napalitan mo na pala ako sa puso mo,” anitong naiiyak.
Umiling siya. “May sarili kang puwesto sa puso ko.”
Tumaas ang kamay nito na para bang gusto niyang abutin pero biglang nagbago ang isip kaya agad nito iyong ibinaba. Kaya, siya na ang umabot dito.
“I miss you,” madamdamin niyonh sabi.
“I miss you more,” naiiyak niyang sabi.
“I love you,” mahina ngunit hirap nitong sabi.
HIndi na niya ito tinugon.
“He is lucky to have you. Sabihin mo sa kanya, huwag ka niyang lolokohin at sasaktan. Huwag niya hahayaang ulitin sa’yo ang ginawa ko dahil kung pagtataksilan ka rin niya, hihilahin ko ang paa niya at isasama ko siya sa hukay kapag nadedo na ako,” wika nito.
Chapter 11
ANG ‘nangyari’ sa kanila ni Albert ay pansamantalang nalimutan ni Leah. Alam niya kasing sasandali na lang ang itatagal ni Jordan sa mundo kaya naman itinuon muna niya dito ang kanyang atensyon. Hanggang isang araw, binawalan na siya ni Jordan na magpunta pa roon. Paano, nararamdaman na raw nito na mawawala na ito kaya hindi na nito gugustuhin pang makita niya na mawala ito.
Tutol man ang kalooban niya sa request nito, wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Siyempre, nais niyang igalang ang kapasyahan nito.
Ngayon tuloy ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na maisip si Albert pero ang tanong niya sa sarili, naiisip din ba siya nito? Kung ‘oo’, bakit ‘di man lang magparamdam sa kanya?
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Nasabi niya sa sarili, mas maigi na kung siya ang magpaparamdam.
“Good Morning po,” bati niya kay Miss Claire nang pagbuksan siya nito ng pintuan.
Namilog ang mga mata nito. “Magandang Umaga rin.”
“Si Albert po?” lakas loob niyang tanong.
“Naku, umalis na.”
“Nasa clinic na po?” nagtatakang tanong niya. Alas-siyete pa lang kasi.
“Malamang nandoon na nga ‘yon dahil umalis na siya dito, eh. Nag-alsa balutan na.”
“Ho? Bakit po?” gilalas niyang tanong.
“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko? Anong nangyari sa inyo? Akala ko’y pang-forever na kayo.”
“Baka po nagbago na ang isip,” matabang niyang sabi.
Matagal siya nitong tinitigan. “Bakit ‘di mo siya puntahan nang malaman mo?”
“Natatakot ho ako.”
“Aba’y tumuloy ka nga muna. Baka kailangan natin ng mahaba-habang usapan.”
Tumango siya. Siguro dahil wala na rin siyang mapagsasabihan. Kaya maigi pang ang dating guro na lamang niya ang pagbuhusan niya ng sakit ng loob.
Ibinaba muna nito sa harapan niya ang isang slice na chocolate cake at orange juice. “Aba’y bakit ka kamo natatakot. Hindi naman monster si Albert.”
“Baka kasi mapahiya lang ako.”
“Ba’t naman mangyayari iyon?” gilalas nitong tanong.
“Para kasing nagbago na ang isip niya sa akin, eh.”
“Paano mo nasabi iyon?”
“Nanlamig siya.”
“Eh, busy ka raw,” napngiti ito. “Sa palagay ko, naghihintayan lang kayo kung sino ang iistorbo sa inyo.”
Hindi niya kayang paniwalaan ang sinabi nito kaya tinitigan lang niya ito.
“Alam mo ba kung bakit siya umupa rito.”
“Malapit sa clinic.”
“At sa’yo,” nangingiting sabi nito. “Na-love at first sight daw siya sa’yo kaya lahat ay gagawin niya para maging kayo. Hay, nakakakilig,” wika nito saka nanginig na para bang siyang-siya sa sinabi. Pagkunwa’y binalingan siya nito. “Ikaw,mahal mo ba siya?”
Tumango siya.
“Then, kumilos ka na.”
“Ho?”
“Puntahan mo na siya sa clinic. Mukha kasing matindi ang tampo sa’yo kaya nagdesisyon na bigla na lang mag-alsa balutan.”
“Wala naman akong ginawang masama sa kanya.”
“Wala nga ba?”
Napatitig siya rito. Sa tono kasi ng pananalita nito, gusto niyang isipin na mayroon itong nalalaman.
“Nagselos.”
“Ho? Kanino?”
“Sa ex mo.”
“Kay Jordan?”
“Pinupuntahan mo raw eh, baka raw makikipagbalikan ka na kaya mabuti na lang niyang lumayo.”
“No!~” mariin niyang sabi sa kanya kaya bigla siyang tumayo at nagpaalam sa matandang babae.
“KAILANGAN kitang makausap,” mariin at mabilis na wika ni Leah. Kinailangan niyang sabihin iyon nang may pagmamadali dahil ang sekretarya ni Albert ay nakasunod sa kanya.
Kahit kitang-kita sa mukha ni Albert ang pagkagulat nang makita siya, agad din nitong ibinaba ang tingin.
“Busy ako,” matabang nitong sabi.
Sumingit ang sekretarya nito. “See, you can –,”
“Shut up,” bulyaw niya rito. Ewan niya kung bakit bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na magtaas ng boses. Marahil, gusto niyang maramdaman ni Albert na ipinaglalaban niya ito.
“Aba’t…”
“Sige na, iwan mo muna kami.” Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito pagkaraan. “Now, what?”
“Umalis ka na raw kay Miss Claire?”
“’Yan lang ba ang itatanong mo sa akin?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Oo, umalis na ako. Happy ka na ba?”
“Paano ako magiging masaya, eh, iniwan mo ako.”
“Ako ba ang unang nang-iwan?” sarkastikong tanong nito.
Mariin niyang sinabi na, “Hindi kita iniwan.”
“Dahil ‘di na kita binigyan ng pagkakataon.”
“Sa tingin mo ba, makikipagbalikan ako kay Jordan?”
Nanigkit ang mga mata nito. “Hindi mo naman siya pupuntahan sa bahay nila kung hindi ang sagot, ‘di ba?”
“Sinundan mo ako?”
“Masama bang malaman ko kung saan nagpupunta ang girlfriend ko?” mariing tanong nito na pinakadiinan pa ang dalawang huling mga kataga.
Damang-dama niya sa boses nito ang sakit kaya parang ibig niyang umiyak ngunit kung gagawin niya iyon, baka naman hindi na sila makapag-usap. Kailangan siyempreng makapag-1 on 1 talk sila.
“I’m sorry, akala ko kasi wala kang pakialam sa akin.”
“Alam mong mahal kita.”
Bagamat ikinatuwa niya ang sinabi nito, hindi sapat iyon para gumaan ng tuluyan ang kanyang kalooban. “Eh, ba’t ‘di ka na nagpupunta sa bahay para makapag-breakfast date tayo?”
“Ayaw muna kitang istorbohin dahil busy ka.”
“Kahit anong busy ko, magkakaroon ako ng oras para sa’yo.”
“Eh, ba’t ‘di ka nagpunta sa akin?”
“Girl ako, no. Dapat ako ang pupuntahan mo.”
“Eh, bakit ang ex mo pinuntahan mo?” galit nitong tanong.
“He’s dying…AIDS.”
Kumunot ang noo nito.
“Sinundo ako ng pinsan niya na nagpapanggap nag f niya para sabihin ang totoo kung bakit kailangang makipaghiwalay sa akin si Jordan noon.”
“At anong naramdaman mo nang makita mo siya?” inis na tanong nito.
“Naawa ako.”
“Awa lang?” naniniguradong tanong nito.
Tumango siya. “Ikaw ang mahal ko.”
“Ows?”
“Labs kita, itanong mo pa kay Zacky.”
Marahang tawa ang pinawalan nito. “Para namang sasagot iyon,” anitong nagkaroon na ng kinang ang mga mata.
“Aba, nakakaintindi ang aso.”
Lumapit ito sa kanya.
Napasinghap siya nang malapit na malapit na sila sa isa’t isa. “Gusto mo talagang maniwala ako na mahal na mahal mo ako?”
“Paano?”
Ngumuso ito. “Kiss mo ako.”
Siyempre, hindi na niya napigilan ang sarili, binigyan niya ito ng matamis na halik.
“Reserve pa rin ang french kiss?”
“Siyempre. Nakapaghihintay ka naman di ba?”
“Of course.”
“Pero, ‘di mo pa ako ipinapakilala sa parents mo.”
“Actually, nakilala mo na siya.”
“Ha?”
“Ang sikretong ‘di nila alam na alam ko.”
“Ano?”
“Si Tiyo Manuel ang tunay kong ama.”
“What?” gilalas niyang tanong pero kung ang pisikal na hitsura ang pagbabatayan, ‘di nga maipagkakaila na mag-ama ang mga ito.
“Ewan ko ang dahilan pero tinanggap ko na rin naman na magulo ang pagkatao ko.”
“Ba’t di mo tanungin sa kanila?”
Tumango ito. “Sa takdang araw. But for now, all I want is you,” wika nito saka siya niyakap nang mahigpit na mahigpit.
Epilogue
NAG-UUMAPAW ang ligaya sa puso ni Leah dahil pormal na nagbigay ng marriage proposal si Albert sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang.
“Sinusumpa ko po sa puntod ninyo na wala akong ibang babaeng mamahalin kundi ang anak ninyo lang. Never ko siyang pagtataksilan at sasaktan,” wika ni Albert habang isinusuot sa kanya ang kanilang engagement ring.
Hindi niya napigilan ang maluha. Hindi kasi niya akalain na may magmamahal sa kanya ng ganoon katindi.
“Sayong-sayo lang ang pag-ibig ko.”
Nang mag-smack sila at magyakapan, nagpalakpakan ang mga nakapaligid sa kanila – ang mga magulang ni Albert, ang kapatid nito at si Tiyo Manuel na may hawak sa tali ni Zacky.
Kumunot ang noo niya ng kunin ni Albert si Zacky at yumuko ito.
“Anong ibinubulong mo kay Zacky?” natatawa niyang tanong.
Nag-’shhh’ muna ito bago nagsalita. “Tinatanong ko siya kung 100 percent ba ang pagmamahal mo sa akin.”
Natawa siya. “Ano naman ang sinagot sa’yo?”
“Kiniss niya ako kaya oo ang ibig sabihin. Yakap nga.”
Siyempre, buong puso niya itong binagbigyan. Kung maaari nga lang ay ikulong na niya ito sa kanyang bisig para makatiyak siya na hindi na ito makakakawala pa sa kanya.
BAGO ikinasal sina Albert at Leah, inamin ng mga magulang nito at ni Tiyo Manuel ang katotohanan sa pagkatao nito.
Si Albert ay bunga ng one night stand. Inakala ng girl na pakakasalan ito ni Manuel kapag nabuntis ito pero hindi ginawa ni Manuel. Hindi pa kasi siya sawa sa pagbubuhay binata at saka gusto muna niyang magpayaman nang magpayaman.
Dahil sa mag-asawang Alfredo at Carmen na wala pang anak kahit 5 taon ng kasal ay piniling ampunin si Albert. Nang handa n asana si Manuel na magpakaama kay Albert, naisip niyang hindi na dapat pang sirain ang paniniwala nito na siya ang Tito Manuel nito. Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na maipadama kay Albert ang kanyang pagmamahal noong mag-highschool ito sa Nueva Ecija.
At sabi nga, walang lihim na hindi nabubunyag.
WAKAS
Maria Angela Gonzales