27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

Hanggang ngayo’y ikaw

Ni Geraldine Monzon

Isang mahusay na manager si Alondra sa isang malaking kumpanya. Hinahangaan at inirerespeto. Pero lingid sa nakararami.

“Sorry hon, I can’t make it tomorrow, may program ang anak ko sa school, hindi pwede si misis kaya ako ang inaasahan niyang a-attend,” ani Froilan habang nagsusuot ng pantalon.

“Pero anniversary natin bukas, mahalaga ‘yon diba?” si Alondra na puno ng lungkot ang tinig.

“Mahalaga rin kay Tiffany ang program na ‘yon dahil first time niyang bibida sa play.”

Hindi na kumibo si Alondra. Masamang-masama ang loob niya.

Nilapitan siya ni Froilan at hinagkan sa noo.

“Pwede naman tayong mag-celebrate sa ibang araw, right?”

Tumango na lang ang babae.

Sa araw ng anniversary nila ay bestfriend niyang si Vivian ang kasama ni Alondra sa isang coffee shop.

“Hindi ka pa ba sanay? Priority ni Froilan ang pamilya niya, it means na pamilya pa rin niya ang mas mahalaga kaysa sa’yo, as his other woman, kayanin mo.”

Humugot ng malalim na buntong hininga si Alondra.

“Kinakaya ko naman, pero ang sakit sakit pa rin…”

“Korek, lalo pa at hindi mo naman siya mabibigyan ng anak.”

“Bestfriend ba kita o bff ka ng asawa niya?”

“Bestfriend mo nga ako eh, kaya ginigising kita sa katotohanan. Wake up dear, life is wonderful, wag kang magpaka-down diyan sa dyowa-dyowaan mo!”

“Oo na, ikaw na ang tama…pero hindi ko maintindihan bakit hindi magawang iwanan ni Froilan ang asawa niya, gayong sinasabi niya na hindi sila magkasundo nito, nagger at kung anu-ano pa…”

“Naniwala ka naman, if that is so sana matagal na niyang ginawa, or else mahal talaga niya ang asawa niya kahit ito pa ang pinaka-bad wifey sa buong mundo, at ikaw, pampalipas oras ka lang at panglibang sa sarili niya kapag nalulungkot siya.”

Hanggang isang araw ay nabalitaan na lang ni Alondra na naaksidente ang asawa ni Froilan at kinakailangan nito ang isang kidney.

Ramdam na ramdam ni Alondra ang kalungkutan at pamomroblema ni Froilan. Kaya pinag-isipan niyang mabuti ang isang mabigat na pagdedesisyon.

“Si Alondra? Nasaan si Alondra?” si Froilan, Humahangos siya sa condo ni Vivian.

“Umalis na siya at kung pwede hayaan mo na siya Froilan…palayain mo na ang kaibigan ko…”

“Pero…paano ko siya mapapasalamatan sa ginawa niya?”

“Tama ka, dapat mo siyang pasalamatan sa pagdu -donate niya ng kidney sa asawa mo, at sana sapat ng kabayaran ‘yon para kahit paano mabawasan ang kasalanan niya sa kanya at sa anak mo…huwag mo ng dagdagan pa.”

Nagpakalayo-layo na si Alondra pero umiiyak ang puso niya.

Lumipas na ang maraming taon. At ngayon ay nakaupo na lang siya sa isang rocking chair at dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa probinsya. Puti na ang kanyang buhok at kulubot na na rin ang mga balat…tuluyan nang nagbago ang maganda niyang hitsura. Subalit ang nilalaman ng kanyang puso ay nananatili.

“Kumusta ka na kaya Froilan…sana mas naging masaya ka nang mawala ako sa buhay n’yo ng pamilya mo…at sana napatawad na rin ako ng asawa mo…”

Yakap ang larawan ni Froilan ay ipinikit ni Alondra ang kanyang mga mata. Hinhintay na lang niya ang liwanag na kukuha sa kanya upang magkaroon ng panibagong buhay.

Wakas

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.