25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Tunay na Pag-ibig, Kapalaran o Kagustuhan?

Naniniwala ka ba sa pag-ibig? Kung gano’n, ano ang pinaniniwalaan mo, isa nga ba itong kapalaran o kagustuhan ng tao? Marami ang nagsasabi na ang love ay hindi mo mapipili. Kapag tinamaan ka nito, sinuman, anuman ang status sa buhay at anuman ang hitsura at pag-uugali ay mamahalin mo talaga ng walang pag-aalinlangan. Yung tipong makakaya mong ibigay ang lahat sa kanya na kulang na lang pati kaluluwa mo ay ipaubaya mo. Kung minsan pa nga ay kumokonsulta ka sa mga manghuhula dahil excited kang malaman kung mahal ka rin ba niya tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Excited ka ring malaman kung ano ang kapalarang naghihintay sa inyong dalawa lalo pa kung naniniwala ka na siya na talaga ang kapalaran mo. At kahit anong mangyari ay magtatagpo kayo sa huli.

Sa kabila nito may mga naniniwala rin na ang pag-ibig ay ayon sa kagustuhan ng dalawang tao. Kung sa tingin mo ay nahuhulog na ang loob mo sa isang tao, nasa sa’yo ang pagpapasya kung hahayaan mong mahulog ka sa kanya o kokontrolin mo ang sarili at iiwasan siya. Sa ganitong paraan ay maiiwasan mo ang pag-ibig na sa tingin mo ay hindi dapat para sa’yo. Kapag dumating ang pagkakataon na makakita ka ng tao na perpekto sa paningin mo, pipiliin mo siya. Ito ay ayon sa iyong kagustuhan na piliin siyang mahalin.

Gayunpaman, anuman ang iyong pinaniniwalaan, kapalaran man o kagustuhan, sa ngalan ng pag-ibig ay iisa ang ating pinapangarap. Iyon ay ang matagpuan natin ang tunay nating mahal. Isang pag-ibig na pangmatagalan at hindi pansamantala lang. Isang pag-ibig na hindi lang nangangako kundi ibinibigay ang lahat ng makakaya. Yung seryoso at hindi mapaglaro. Yung kayang magbigay ng respeto  at hindi nagbabago ng pagtrato. Yung pagmamahal na buo at hindi kulang.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.