25.3 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

Peridot – ang bato ng kabataan

Ang batong Peridot ay tamang-tama para sa panahon ng tag-araw. Ang Peridot ay isang gemstone na sadyang dapat ninyong makilala. Ang kulay nitong lime green olive green, ay akmang-akma para sa iyong summer get up. Ang peridot gemstone ay nagbibigay ng nakatatarantang kagandahan.

Alam nyo ba?

Ang batong ito ay pinaniniwalaang bato ng kabataan ng mga sinaunang tao na kinonsidera ding regalo ito sa kanila ng kalikasan.

Ang Peridot ay ginagamit para sa mga benepisyong ito:

– Nagbubukas ng pintuan para sa ibang oportunidad

– Tumutulong sa pagod

– Nagpapakalma sa nervous system

– Mabuti para sa kumpyansa sa sarili

– Nagpapataas nang personal na pag-unlad

– Nagdaragdag ng intuitive awareness

– Ang Peridot ay nagbubukas, naglilinis at nagpapagana sa puso

– Nagpapakawala ng negative vibrations 

– Tumutulong na makayanan ang selos, galit at inggit

– Gamit bilang necklace, ang Peridot ay proteksyon laban sa negatibong emosyon


Ang Peridot ay isa ring bato ng salapi. Isuot ito para maakit ang pera at oportunidad sa iyong sarili. Ilagay ito sa iyong pitaka, o kaya naman ay sa iyong handbag kasama ang Citrine. Ang Peridot ay makatutulong para maakit ang pera sa iyo at ang Citrine naman ang tutulong para manatili ito sa iyo. 

Ang Peridot ay ang birthstone para sa buwan ng Agosto. 

Ipinalalagay na magdadala ito ng tagumpay, kapayapaan at magandang suwerte sa nagsusuot nito. Ito rin ay kinokonsiderang bato ng pagpapanariwa at panunumbalik ng mental at physical well-being. Ito rin ay ginagamit para sa pagkakaroon ng kadalisayan at balanse.

Hindi lang iyon, Ang Peridot ay may iba pang sikolohikal na epekto at gamit. Maaari nitong mapabuti ang mahirap na pakikipagrelasyon. Pinagagaling nito ang phobias, partikular na ang may kaugnayan sa takot sa dilim, para itong isang proteksyon sa maliit na bata.

Ang isang maliit at magaspang na Peridot o  maliit na piraso ay mura lang…kaya bakit hindi subukang magkaroon nito. Ang magandang enerhiya ng batong ito ay may potensyal na gawing mas masaya at positibo ang sarili.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.