29.8 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pera Sa Altar, Paano Maghahatid Ng Suwerte?

Kung pera ang pag-uusapan, marami na tayong alam kung alin ang suwerte o hindi. Kung paano tayo susuwertehin dito sa iba’t-ibang paraan. Tulad halimbawa ng pera o mga barya sa altar, alam nyo na ba kung paano ito makapaghahatid ng suwerte? Ang lola ko ay mahilig maglagay ng pera sa altar namin dati. Minsan ay nakikita ko siyang nagsisingit ng perang papel sa damit ng santo o kaya naman ay naglalagay ng barya sa paanan nito. Dadasalan at hahagkan niya muna ito bago iwan sa altar. Kaya’t minsan ay natanong ko siya tungkol dito. Ang sagot niya sa’kin, nag-aakyat daw ito ng suwerte sa aming tahanan. Turo pa raw ito ng kanyang ina. Halimbawa raw, ikaw ay nagtatrabaho, kapag ikaw ay sumahod na,maliit man o malaking halaga na parte ng iyong sahod ay dapat mong ialay sa inyong altar bilang pasasalamat sa trabahong kaloob sa iyo ng Diyos. Kasabay ng pasasalamat ay ang paghiling na muli pa siyang bigyan ng lakas upang makapagpatuloy sa trabaho at nawa ay patuloy na papasukin nito ang mga biyaya sa aming tahanan.

Tinanong ko rin kung bakit kailangan pa niya itong hagkan. Hindi ba’t marumi ang pera dahil kung kani-kaninong kamay na ito nagpasalin salin? Ang sabi ng lola ko ay sariling gesture lang daw niya iyon bilang pagbibigay galang sa handog na biyaya ng Diyos sa pamamagitan niyon. Wala itong kinalaman sa pamahiin. Basta kapag naglagay ka raw ng pera sa altar ay siguraduhin mo na bukal ito sa iyong kalooban bilang pasasalamat sa Maykapal sa kanyang mga ibinigay na biyaya sa’yo at sa iyong pamilya. Para mas higit daw na suwerte ang iakyat nito sa inyong tahanan ay kailangan mo rin itong ipunas sa mga santo kapag walang nakakakita. Kailangan mo rin kalugkalugin ang mga barya kada araw. Subalit habang hinihintay mo ang suwerteng iaakyat nito ay kailangan mo rin na kumilos at magsikap at higit sa lahat ay maging positibo sa bawat oras.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.