Ating talakayin po ngayon ang tungkol sa misteryo ng petsang Hunyo 6, 2006 araw ng Martes. Anu-ano ba ang mga misteryong nakapaloob dito? Iyan ang ating ilalahad.
Bago ang naturang petsa, may mga naganap munang mga kaganapan sa ating daigdig bago ito uminog. Ito ay hihimayin natin sa pagkakasunod-sunod ayon sa kanyang series of numbers. May sitsit pa nga na sa naturang petsa e magwawakas na raw ang mundo.
- 222 araw ang nakalipas pagkatapos ng Muslim riots sa Paris, France.
- 333 araw pagkatapos ng London Train bombings.
- 444 araw ng second anniversary ng Iraq Invasion.
- 555 araw mula Nobyembre 28, 2004, (siya ring 333 araw ng naturang taon, at may nalalabi pang 33 araw sa mismong taon).
- 666 araw ayon sa date pattern nasiya ring pattern sa pagwawakas ng Mayan Calendar na natapos noong Disyembre 21, 2012.
- 777 araw ang nakalipas mula nang maganap ang Sears Tower Attack.
Ang importanteng katanungan dito, bakit ang mga perpetrators ( mga dalubhasa sa misteryo ng mundo) ay piniling ilahad ito sa pamamagitan ng stamp occult signatures sa buong kaganapang nangyari sa daigdig? Bakit nila tinatago ang kaalamang ito?
- Upang itago ang katotohanan sa mga tao habang nagtatamo ng tagumpay. Ang mga Public Radio broadcasters ay gumagamit o nagbibigay ng sikretong mensahe sa mga resistance members noong World War II.
- Ang Global Leadership ay naniniwala na ang binalak na krisis ay papalpak maliban na lamang kung may kinalaman ito sa numero. Ilan sa mga respetadong occult members ay may numerong 6, 11, 13, pati ang mga multiples nito kapag kinuwenta. Lalo na ang mga numerong 22, 33, 44, 55, 66, 77, 26, 39, etc. Ang triplication of numbers ay kinokonsiderang may kabuuang numerong 666 na marka ng halimaw na binabanggit sa Biblia. Ang naturang numero ay kalimitang nagbabalatkayo sa numerong 18 mula sa kuwentang 6+6+6 o kaya’y 3X6.
Upang mauunawaan kung bakit ginagamit ito ng Global Leadership upang maging marka ng kanilang immoral na adhikain, minsan ginagamit nila ito upang magbigay ng propesiya sa mga mangyayari sa mundo. Gamit ang masusing pag-aanalisa sa kontemporaryong mga kaganapan sa daigdig, narito ang ilang katotohanan at sikreto ng naturang petsa na 6-6-06.
- Ang June 6, 2006 ay siyang 62 anniversary ng D-Day, ang Normandy invasion. Ang codename nito ay Operation Overload na siyang nananatiling pinakamalaking seaborne invasion sa kasaysayan na kinasasangkutan ng 3 bilyong troops na tumawid sa English Channel mula England hangggang Normandy. Kung kaya, nakubkob ng mga Aleman ang Pransiya.
- Ang Conspiratorial History ay naniniwalang ang WW2 ay talagang binalak upang palaganapin ang International Communism. Upang maalala nating muli ang WW2 ay gagamit tayo ng planned disaster 62 taon na ang nakalilipas pagpatak ng taong 2006. Ang June 6 ay saktong 40 taon mula sa petsang June 6, 1966 (6/6/66). Ang 40 taon ay siya umanong taon na sinasabi sa Biblia na period of testing.
- Ang pelikulang ‘The Beast’ ay ipinalabas noong June 6, 2006. Sa opisyal website nito ay may may mensahe na:
“Ang teorya na si Jesus Christ ay hindi umiral ay lingid sa karamihan ng mga Kristiyano. Ngunit, nagbigay lamang ng palaisipan sa mga iskolars. Ayon sa ibang mga iskolars, ang mga Ebanghelyo ay hindi umano nagkakatugma-tugma. Ang mga awtor ng mga naturang kasulatan na isinulat sa loob ng 40 hanggang 90 taon pagkatapos ng buhay ni Cristo ay isa lamang mahalagang talaarawan. Walang batayan na si Cristo ay mamuhay.”
(Paglilimi at konklusyon: Ito ay isang pagsasabotahe sa Biblia lalo na sa 4 na ebanghelyo na naghahayag ng buhay ni Kristo. Ito ay isang planned disaster sa mga Kristiyano. Karamihan sa mga iskolar na Aleman ay tutol sa pag-iral ni Hesus.)
Isa pang pelikulang inilabas noong naturang petsa ay ang remake ng horror movie na ‘The Omen 666’ na ini-released 30 taon na ang nakalilipas noong June 6, 1976. Na Na ginamit pa bilanghidden number pattern ng terrorist attack.
- Pumatak ang naturang petsa 222 araw pagkatapos maganap ang Muslim Riots sa bansang France noong Oktubre 27, 2005. Ang riot ay nagsimula sa electrocution ng 2 kabataan na hinahabol noon ng mga pulis.
- Eksaktong 444 araw pagkatapos ng second anniversary ng US Invasion of Iraq.
- Eksaktong 6 na taon bago ang susunod na Venus transit ay tatawid sa harapan ng araw o sun na papalo sa petsang June 6, 2012. Ito umano ang talagang pagwawakas ng Mayan Calendar. Ang Planetary alignments ay lubhang mahalaga sa mga Global Leaders. Ang Venus Transit ay lubhang bibihira sa mga planetary alignments. Mga 6 na kaganapan lamang nito ang naitala mula nang maimbento ang teleskopyo. Naitala ang VT noong mga taong 1631, 1639, 1761, 1874, at 1882. Ang petsang June 6, 2006 ay saktong 6 na taon, 6 na buwan, at 16 araw bago ang petsang Disyembre 21, 2012 na siyang huling araw ng Mayan Calendar.
Ang next key pattern nating pag-aaralan ay ang Abril 19, 2004 ay sinasabing non-event. Ito umano ang planadong petsa ng Sears Towers terrorist attack sa Chicago. May kaugnayan din ito sa pattern ng 9/11 terrorist Attack sa New York. Kasi, mayroong 911 oras ang nakalipas pagkatapos naman maganap ang Madrid Train Bombings noong Marso 11, 2004. Ito naman ang ika- 911 araw pagkatapos maganap ang September 11, 2001 Terrorist Attack.
(Paglilimi: Para maiwasan at maagapan ang pag-atake ng mga terorista at upang malaman ang kung kailang petsa sila aatake, kuwentahin kung ilang araw o oras naganap ang huling grabeng pag-atake nila. Sa gayun, made-decode ang kanilang secret agenda. Ito ay pattern na nila at di nila babaliin. Kaso, di lang napapansin ng kinauukulan).
Isa pang pattern ay ang, 333, 444 at 777 number. Kuwentahin natin at himayin. Nangyari ang London Train Bombings noong Hulyo 7, 2005, mga 444 araw pagkatapos ng naudlot na pag-atake sa Sears sa Chicago. Ang June 6, 2006 ay 778 araw pagkatapos ng palpak na atake sa naturang pook noong Abril 19, 2004. Halos pumapalo na sa 777 araw.
Ang June 6, 2006 ay 10 buwan at 30 araw o 334 araw pagkatapos ng London bombings noong 7/7/2005 ( Hulyo 7, 2005). Halos pumapalo na sa 333 araw. Tanong mahalaga pa ang number pattern na 334 at 778 gaya ng
Dahil sa ang petsang June 6 ay isang perpektong para sa mga occult planners. Ang numero o hidden number sa pagitan ng petsang September 11, 2001 at petsang June 5, 2006 (bago ang petsang June 6) ay mayroong 1,728 araw. Kapag ating kinuwenta ito, 1+7+2+8= 18 o 3(6) na papalo sa marking 666.
Paglilimi: Noong nabalitaang pumanaw na si Osama Bin Laden, magkuwenta lang kayo ng mga araw na 333, 444, 777, mula nang mamatay siya hanggang sa mismong pumatak petsa kung kailan papatak ang mga naturang number pattern.