Ang luha ay isang likidong nagmumula sa glandulang lakrimal. Ito ay dumadaloy palabas sa ating mga mata. Ang iba ay naniniwalang ang luha ay dulot ng isang mabigat na emosyong nararamdaman ng isang tao. Habang ang iba naman, lalo na ang mga matatanda na ang luha ay may ibang pinanggagalingan bukod sa emosyon. Ito ay may kinalaman sa pamahiin. Narito ang ilang kahulugan ng mga luhang pumapatak mula sa ating mga mata at dumadaloy sa ating pisngi.
1.Kapag ang luha raw ng isang tao ay unang pumatak sa kanang bahagi, ito ay nangangahulugan na deep inside ay may kasiyahan siyang nararamdaman.
2.Kung ang luha naman ay unang papatak mula sa kaliwang mata, ito ay nangangahulugan na deep inside ay may bigat na dinadala o may kalungkutang nararamdaman ang taong ito.
3.Kung ikaw ay nasa gitna ng kasayahan o pagdiriwang at bigla ka na lang napaluha nang wala namang dahilan, ang ibig sabihin ay may mga problema kang kakaharapin sa mga darating na araw.
4.Masamang pumatak ang luha sa kabaong dahil mahihirapan daw sa kanyang paglalakbay ang isang yumao. Kaya kung ayaw mo na makabigat ka sa kanyang paglalakbay patungo sa bago niyang daigdig ay iwasan mo na matuluan ng iyong luha ang kanyang kabaong.
5.Kung ikaw ay iyakin mula pa man sa iyong pagkabata ikaw ay magkakaroon ng mahabang buhay. Dahil sa bawat pag-iyak mo ay may negatibo kang nailalabas sa mula sa iyong katawan at ganoon din sa iyong kaluluwa.
6.Kapag ikaw naman ay umiiyak sa iyong panaginip, may kamag-anak kang mula sa malayo ang malalagay sa panganib o haharap sa kanyang kamatayan. Kaya sa oras na ikaw ay magising, dapat mong ipagdasal ang lahat ng kamag-anakan mo na nakatira sa lugar na malayo sa’yo.
7.Kung ikaw naman ay nagising nang may luha sa mata at hindi ka naman nanaginip na ikaw ay umiiyak, ito ay nangangahulugan na may taong may lihim na sama ng loob sa’yo.