30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pamahiin Ligaw: Baligtarin ang Damit

Mag-ingat ka kung magpupunta ka sa gubat dahil di mo alam kung ano ang kapalarang sasapitin mo kapag pinasok mo ang isang estrangherong lugar. Tandaan mo, sa mundong ito, di lang tao, hayop at halamanan ang nabubuhay. May mga elemento rin na naninirahan sa ating daigdig na kahit di natin nakikita ay nagmamasid pa rin sa atin lalo na kapag tayo ay pumasok sa kanilang teritoryo.

Bago ka pumasok sa gubat, kailangan mong mag-ingat dahil di mo alam kung mayroon kang matatapakan o masasagi. Kapag sila ay nasaktan mo, tiyak na gagantihan ka nila kaya huwag mo kaliligtaang magsabi ng ‘Tabi, tabi po’. Maaari ngang matatawa ka at di maniniwala pero tandaan mo, mas maigi ang nag-iingat.

May mga elemento namang di nananakit pero di dahilan iyon para ikaw ay makampante. Mayroon kasing nilalang na pipiliin kang iligaw. Hindi ka man niya sinaktan pero kapag di ka nakawala sa sumpa ng elementong iyon ay siguradong makakaramdam ka ng matinding takot na magiging dahilan ng iyong kamatayan.

Kung nararamdaman mo na ikaw ay naliligaw na sa gubat, baligtarin mo ang iyong kasuotan at tinitiyak ko sa’yo na makakawala ka sa sumpa ng engkanto. Kung di mo ito gagawin, di ka na makakaalis pa sa gubat na iyon hanggang sa abutan ka ng kamatayan. Siguro naman ay di mo gugustuhing mangyari iyon?

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.