30.4 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

PAMAHIIN: Gagamba

Kung meron man akong hayop o insekto na pinakakinatatakutan, ito ay ang gagamba. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makakakita ako nito, lalo na yung malalaki na nagtatago sa mga sulok at madilim na bahagi ng bahay, grabe ang takot na nararamdaman ko. Tumatayo pa ang balahibo ko. Natatandaan ko nung minsang asarin ako ng pinsan kong lalaki, hinabol niya ako hawak ang isang patay na gagamba, pero kahit patay na yung gagamba ay kumaripas pa rin ako ng takbo sa sobrang takot ko. Hindi ko alam na may mga positibo rin palang hatid ang isang gagamba pagdating sa mga pamahiin. Narito at alamin natin.

1.Kapag nakakita ka ng gagamba na bumaba mula sa kanyang web at lumawit sa harapan mo, ito raw ay senyales na may ibibigay sa’yong biyaya ang langit.

2.Suwerte rin ang dadapo sa’yo kung nakakita ka ng isang kulay puti na gagamba.

3.Kung ikaw naman ay naglalakad sa daan at nakakita ka ng gagamba na tumatawid sa daraanan mo o kasabay mong naglalakad ay tama ang direksyong nilalakaran mo.

4.May pamilya naman ng gagamba na sinasabing nagdudulot ng magandang kapalaran. Ito ay ang Linyphiidae. Ito ay mas kilala sa tawag na sheet weavers or money spiders. Kung makikita mo ang pamilyang ito ng mga gagamba sa paligid mo ang ibig sabihin nito ay may darating sa’yong oportunidad na ikayayaman mo.

5.Ang mga Romano ay naniniwala na ang pagkakaroon ng mga gagamba sa paligid ay magbibigay sa kanila ng suwerte kaya naman ang kanilang gold at silver coins ay pinalagyan nila ng imahe ng gagamba nang sa gayon ay makaiwas sila sa kahirapan.

6.Matuwa ka kung niregaluhan ka ng isang bagay na may larawan o imahe ng spider dahil ito ay magbibigay sa’yo ng suwerte at pwede mong gawing lucky charm.

7. Kung sa mga Romano ay suwerte ang gagamba, sa Europa kapag nakakita ka ng gagamba sa umaga ito naman ay nagbabadya ng kamalasan. Ito ay dahil sa paniniwala nila na ang paghahabi sa umaga ay isang act of depression na tanging ang mahihirap na tao lang ang gumagawa.

8. Kapag naman napanganipan mo ang gagamba, susuwertehin ka, maliban na lang kung kinagat ka nito sa iyong panaginip. Dahil kung ito ang nangyari, ang ibig sabihin ay mawawalan ka ng pera.

9.Masama rin ang pumatay ng gagamba. Ito ay aakit ng malas.

10. Kung kinakailangan mo naman talagang patayin ang isang gagamba, bago mo ito gawin ay kailangan mong humingi ng tawad sa kanya nang sa gayon ay mabawasan ang kamalasan na ihahatid nito sa’yo.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.