32.3 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Pamahiin: BULAKLAK

Mahilig ka ba sa mga bulaklak? Karamihan sa mga kababaihan ay gustong-gusto ang mga bulaklak lalo na kung ito ay mula sa kanilang mahal. Gustong-gusto rin nila ang magtanim ng mga bulaklak sa kanilang mga hardin dahil hindi lang maganda sa paningin ang mga bulaklak kundi nakakapagpawala rin ito ng stress. Kapag tumitingin ka sa mga bulaklak ay para itong nagtataglay ng mahika na nakakapagpayapa sa iyong damdamin. Pero ano nga ba ang sinasabi ng pamahiin tungkol sa mga paborito nating bulaklak? Narito ang ilan sa mga sikat at paborito nating bulaklak na may kakabit na pamahiin.

1.Roses. Isa sa pinakapopular na bulaklak ang Rosas. Napakarami ang nagkakagusto dito. Sa tuwing Valentine’s day o anumang okasyon na nangangailangan ng bulaklak ay parang mainit na hot cake na naibebenta ang mga Rosas. Sa pamahiin, pinaniniwalaan na ang Rosas ay may kakayahang magprotekta laban sa anumang evil spirits. May paniniwala rin na kapag hinawakan mo ang isang tangkay ng Rosas at ang mga petals nito ay nalagas, ito ay nangangahulugan na isa sa mga mahal mo sa buhay ang mawawala.

2.Orchids. Isa rin sa mga sikat at eleganteng bulaklak ang Orchids. Anuman ang kulay nito ay napakagandang tingnan at nagdudulot din ng katahimikan sa kalooban.Ayon sa ilang paniniwala, kapag kinain ng babae ang pinaka-ugat ng Orchids, ang magiging anak niya ay babae. Kung ang lalaki naman ang kakain nito ang magiging anak naman niya ay lalaki.

3.Anemone. Ang bulaklak naman na anemone ay pinaniniwalaan na kayang magprotekta laban sa mga sakit at ganoon din sa mga paparating na kamalasan.

4.Marigold. Ang bulaklak ng Marigold ay isinasama sa mga wedding boquets dahil sa taglay nitong aphrodisiac properties.Ang Aphrodisiac or love drug ay isang sangkap na nakakapagpataas ng libido. Bukod dito, pinaniniwalaan sa pamahiin na ito ay may kakayahan din na magprotekta laban sa mga gawa ng mangkukulam.

Ilan lamang ang mga iyan sa mga bulaklak na may kakabit na pamahiin. Kung ikaw naman ay magbibigay ng bulaklak bilang regalo, dapat ang bilang nito ay odd numbers, dahil kung ito ay even numbers ito ay nangangahulugan ng kamalasan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.