31 C
Manila
Sunday, February 25, 2024

Pamahiin Bahay: Alamin ang masuwerteng paraan para magkaroon ng Magandang pamumuhay

Pera, pera at maraming-maraming pera. Aminin man natin o hindi pero ito ang kadalasang nagpapakumpleto ng ating buhay. Kundi kasi dahil sa salapi ay hindi natin mabibili ang mga pangangailangan at gusto natin. Kungganoon, paano tayo makakakain sa araw-araw?

Sabi ng iba, kung magtatrabaho ka ng husto ay kikita ka. Tama naman iyon. Hindi ka naman magkakaroon ng salapi kung hindi ka magtatrabaho ng husto. Subalit, may mga tao naman na kayod ng kayod pero hindi pa rin dahilan para makatikim siya ng kaginhawahan. Alam mo ba kung bakit? Dahil ikaw, kinukontra mo mismo ang suwerteng papasok sa’yong tahanan.

Bago ko ipagpatuloy ang aking sasabihin, kailangan muna kitang tanungin kung saan ka ba nakatira? Alam kong sobra ka ng nagtataka sa aking tanong pero kailangan mong malaman na ang tahanan ay unang-unang dahilan kung bakit ka sinusuwerte o kaya naman ay minamalas. Iyon bang kahit na mayroon ka namang trabaho o pinagkakakitaan pero parang ang bigat-bigat pa rin ng buhay sa’yo. Tulad nga ng sinabi, nakadepende sa kinatitirikan ng bahay mo kung makukuha mo ba ang suwerte.

Una, nakaharap ba ang bahay mo sa sinisikatan ng araw? Kung ‘oo’ ang isasagot mo, natitiyak ko na mayroon kang maayos na pamumuhay. Sa pagsikat kasi ng araw ay masasabing mayroon kang buhay na maganda dahil kapag natatanaw mo ang araw ay parang sinasabi mong laging may ‘Good Morning’. Ibig sabihin, lagi kang nakakatanaw ng pag-asa. Kaya, kung ang bahay na tinitirhan mo ay natatakpan ng araw, ibig sabihin, magiging mailap din sa’yo ang suwerte.

Pangalawa, kung ang bahay mo ay mayroong hagdanan, dapat ay alam mo ang ibig sabihin ng ORO, PLATA, MATA. Ang oro ay masaganang buhay, ang plata ay masuwerteng negosyo at ang mata ay kamatayan o kamalasan. Kaya, kailangan ay bilangin mo ng maigi ang bawat baitang ng iyong tinutuluyan dahil kapag huminto ka sa MATA, hindi mo makakamit ang magandang buhay na iyong inaasam.

Pangatlo, hindi dapat pagtatapatin ang mga pinto at bintana dahil marami ang nagsasabi na maaaring maging lagusan ‘yan ng mga espirito. Sa madaling salita, magkakaroon kayo ng ibang kasama sa bahay na iyong tinutuluyan. At dahil nga inaanyayahan mong pumasok ang iba’t ibang espirito, hindi ka makakatiyak kung sila ba ay mababait na nilalang. Tiyak kasing magkakaroon din diyan ng masasamang espirito kaya makabubuti pang huwag mo silang hayaang pumasok sa’yong pamamahay.

Pang-apat, huwag mong hayaan na maging masyadong tahimik ang iyong tahanan dahil maaaring pamahayan ‘yan ng mga elemento dahil nga gusto nila lagi ang tahimik na lugar. Kaya, maigi pa rin talagang ang pamilya mo ay may masayahing aura dahil ngunit nag-aaway ang mga nakatira sa isang tahanan dahil siguradong magkakaroon sila ng mabigat na pamumuhay.

Ito ay ilan lamang sa mga suwerteng maaari mong makuha sa iyong tinitirhan. Kaya, sana ay nakatulong sa’yo.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.