Marahil ay pamilya na kayo sa tanglad o lemon grass. Ito ay mistulang mahahabang damo na karaniwang ginagamit sa pagluluto at paggawa ng mga inumin tulad ng juice.
Kung ibig gamitin ang tanglad bilang rekado sa gayuma, itaon ang pagtatanin nito sa Biyernes Santo (Holy Friday).
Huwag gagalawin o aanihin ang tanglad upang gamitin sa ibang kadahilanan. Ireserba ito ayon sa talagang paggagamitan/ pangangailangan. Hintayin ang pamumulaklak nito hanggang sa sumapit ang susunod na Biyernes Santo. Anihin ang bulaklak nito sa araw mismo ng Biyernes Santo gamit ang iyong bibig.
Ang bulaklak ng tanglad ay tila batong puti. Itago ito sa isang tela (pouch) na kulay pula. Ito ang magsisilbi mong pang-akit sa mga tao o pampasuwerte na rin sa kabuhayan.
Paalala: Maaaring isimba o ipasok sa simbahan ang nakuhang agimat. Ngunit, tiyakin lamang na bago dumating magkomunyon o magsubo ng osya ay dapat na nakalabas ka na ng simbahan.