Pinapaniwalaang may suwerteng hatid ang mga red ladybug kapag ito ay iyong nakita, lalo na kapag dumapo ito sa iyong ulo o balikat.
Maganda ring gawing lucky charm ang red ladybug. Bumili ako ng windchime na may dekorasyong red lady bug at ito ay aking isinabit sa aming salas para ma-attract ang suwerte sa business o career.
Bilang lucky charm for love, gumamit ng unan na may design na ladybug. Upang maging masuwerte sa business o career, mag-display ng paperweight na may disenyo na bubuyog o bug bilang lucky charm.
Upang ma-attract ang kasaganahan sa buhay, mag-display ng paintings o drawing ng dragonflies sa inyong tahanan. Maaari ring gumawa ng Do-It-Yourself cutouts ng dragonflies o bees at isabit ito sa inyong kusina.
Paalala lang muli na ito ay para lang sa mga naniniwala. Kung hindi ka naniniwala sa mga pampasuwerte, huwag gawin dahil sa una pa lang ay kinontra mo ang prinsipyo ng mga lucky charm—faith! You attract what you think and you receive what you believe!
Pinapaalala ko rin na bagama’t may pampasuwerte ka, huwag lang dito umasa literal na hindi ka na magtatrabaho o kikilos. Supplemental ang mga pampasuwerte. Sasamahan mo pa rin ng pagsisikap. Ang mga lucky charm na hawak mo ay source ng positive mindset at pag-asa na dahil mayroon ka nito, ikaw ay papalarin at hindi mauuwi sa wala ang lahat ng iyong paghihirap.
Samahan rin ito ng dasal. Ang pagdarasal ay isang mabuting gawain upang hindi maubos ang iyong pananampalataya.
So, good luck!