Itinuturing sa ancient Greece ang luya bilang magical root dahil anumang pagkain ang haluan nito ay hindi kaagad napapanis.
Sa modernong pag-aaral, ang luya ay nagtataglay ng antimicrobial property na mabisang pamuksa sa mga mikrobyo tulad ng salmonella.
Gayunpaman, nananatiling kabilang ang luya sa magical herb. Isa ang luya sa mga halamang ugat na maaaring gawing pampasuwerte o lucky charm.
Sinasabi na may suwerteng hatid sa tahanan ang pagtatanim ng luya sa paso dahil nag-a-attract ito ng kasaganahan.
Masuwerte naman ang luya na hugis tao dahil ito ay puwedeng gawing protection charm. Itali lamang ito sa pulang laso at isabit sa pintuan o front door.
Magbudbod ng powerded ginger root sa iyong pitaka o bulsa upang dumami ang pera.
Maaari ring sunugin sa baga o apoy ang powered ginger root upang ma-attract ang tagumpay sa anumang hakbangin o gawaing sisimulan at papasukin.
Ang pag-inom naman ng salabat ay mainam pantanggal ng fatigue at mikrobyo sa lalamunan.