26.3 C
Manila
Tuesday, July 23, 2024

MGA URI NG SOULMATE NA MAAARI MONG MA-ENCOUNTER SA IYONG BUHAY

Makikilala mo ang iyong soulmate, o spiritual partner, sa panahon at sandaling hindi mo inaasahan. Ang soulmates ay literal na kahati o karugtong ng iyong kaluluwa. Tutulungan ka niyang ipaalala ang purpose mo sa buhay at mga leksiyon na natutuhan mo sa bawat pag-iral mo sa mundong ito.

        Maraming uri ng soulmates ang maaaring dumating sa iyong buhay. Ang klase ng soulmate na ito ay darating upang kumpletuhin ang dakilang disenyo o grand design ng  iyong karmic debt. Sa bawat pag-iral mo sa mundong ito at sa bawat bagong katauhan na gagampanan mo sa pamamagitan ng reincarnation o muling pagkabuhay ng espiritu sa bagong katawang pisikal, darating ang karugtong ng iyong kaluluwa o soulmate sa iba’t ibang klase ng papel. Ang soulmate ay hindi lamang limitado sa love aspect, gaya ng popular na representasyon nito sa mga pelikula at nobela. Ang isang soulmate ay maaaring dumating sa iyong buhay bilang isang katuwang, kaibigan, o kaya ay kaaway.

        Narito ang apat na uri ng soulmate na maaari mong makilala  sa iyong buhay.

1.   HEALING SOULMATES

Ang klase ng soulmate na ito ay darating upang tulungan kang hilumin ang anumang sugat ng mapapait na karanasan mo sa buhay. Laging perfect time ang pagdating ng soulmate na ito dahil makikilala mo siya sa panahong bagsak ka at kailangan mo ng makakapitan. Ang soulmate na ito ay kadalasang lumilitaw kapag ikaw ay nasa matinding yugto ng kalungkutan o depression. Dumarating din siya sa panahon kung kailan nag-iisip ka na bumitaw at nakakaramdam ng pagkasawa sa buhay.

2.   PAST LIFE SOULMATES

Magaang ang loob mo sa taong ito dahil nakasama mo na siya sa iyong past life o nakaraang buhay. Siya iyung uri ng soulmate na sa sandaling makita mo ay makararamdaman kayo ng malalim na koneksiyon sa isa’t isa na para bang ang tagal na ninyong nagkasama. Malaki ang gagampanang role ng soulmate na ito dahil sa kaniya ka makararamdam ng completeness. Ipaparamdam niya muli sa iyo ang saya ng buhay at ipapaala ang purpose mo sa buhay. Ang uri ng soulmate na ito ay maaaring dumating sa anumang stage o yugto ng buhay mo. Pero minsan, may pangyayari ring hindi mo makikilala ang past life soulmate mo sa lifetime mo na ito dahil maaaring hindi pa siya nagri-reincarnate.

3.   KARMIC SOULMATES

Kung ang dalawang naunang halimbawa ng soulmate ay pawang positibo ang hatid sa iyong buhay, ang karmic soulmate ay may ibang pakay sa pagdating niya. From the root word itself na karma, ang isang karmic soulmate ay susulpot upang pagbayarin ka sa isang kasalanang nagawa mo sa iyong past life. Ang taong ito ay nakasama mo sa alinman sa mga nakaraan mong buhay at ngayon ay nagbabalik upang maningil. Oo at hindi niya intensiyon iyon dahil maski siya ay hindi rin aware sa kaniyang past life. Ngunit, ang tadhana mismo ang maghahatid sa kaniya patungo sa iyo upang tuparin mo ang itinakda. Sabi nga, lahat ng bagay sa mundong ito ay kalkulado—pati ang mga kasalanan mo. Oo at hindi mo napagbayaran ang kamaliang nagawa mo sa isang tao sa iyong nakaraang buhay pero, gagamitin ng universe ang bago mong lifetime o buhay upang bayaran mo ang interes ng iyong pagkakasala. Ang isang karmic soulmate ay darating sa iyong buhay na tulad ng isang magnanakaw. Sa ayaw mo o sa gusto ay magiging bahagi siya ng iyong buhay. Maaari siya ay nasa anyo ng isang kaibigan, katrabaho, kasintahan, o kamag-anak.

4.   TWIN FLAMES

Sa lahat ng uri ng soul mates, ang twin flames ang siyang pinakanatatangi. Ang twin flames ay literal na kabiyak ng iyong espiritu. Ang ating espiritu ay isa lamang spark ng enerhiya mula sa isang napakalaking enerhiya o the Source, o Diyos sa religious aspect. Ayon sa teorya, ang isang espiritu ay may pagkakataong nahahati o nagi-split sa dalawa. Ang kalahati ng iyong espiritu ay ang tinatawag na twin flames. Hindi lahat ng tao ay maaaring makatagpo ng kaniyang twin flames. Dakila ang purpose o gampanin ng twin flames sa kaniyang pagdating. Tutulungan ka niyang itaas ang iyong espritualidad. Hindi lamang din niya ipapaalala sa iyo ang purpose ng buhay kundi ipapakita niya mismo ito sa iyo. Isasama ka niya sa paglipad tungo sa kaluwalhatian. Ang isang twin flames ay sinasabing darating sa iyong buhay kapag malapit nang mabuo ang cycle ng iyong karmic debt. Ito iyung yugto kung saan malapit mo nang mabayaran ang listahan ng iyong karma at handa nang bumalik ang iyong espiritu sa The Source upang hindi na muling mag-reincarnate pa.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.