30 C
Manila
Saturday, September 7, 2024

MGA URI NG MULTO NA MAAARING MAKITA SA PALIGID, KILALANIN

Kapag narinig ang salitang “espiritu”, karaniwang negatibo kaagad ang ating nagiging konotasyon. Na-type cast kasi ang mga espiritu o “ghost” bilang masasamang nilalang sa dilim na naghahatid ng takot at pangamba sa kanginuman.

Sa mas malawak na pag-aanalisa, ang mga espiritu ay hindi laging instrumento ng kadiliman at masama. Sa spiritual aspect, ang mga espiritu ay yaong mga enerhiya o entity na nasa astral plane o dimensiyon na labas sa ating three-dimensional realm. Sa Filipino, ito ang tinatawag na “sa dako pa roon.”

Taliwas sa karaniwang pagsasalarawan sa mga espiritu bilang mababalasik at mapapanganib na nilalang mula sa dako pa roon, hindi lahat ay  mapaminsala. Ang iba ay may mabuting intensiyon tulad nang pagtulong. Ang iba ay naghahangad lamang ng kausap.

Narito ang limang uri ng espiritu sa astral plane, ayon sa mga paranormal experts.

  1. Interactive Personality Spirits:  Sila ang mga espiritu ng mga kamamatay pa lamang. Taglay pa rin nila ang kanilang pisikal na kaanyuan bilang tao. Ang mga espiritung ito ay maaaring harmless, bagama’t may ilan na ligalig o mga restless. At dahil kahihiwalay pa lamang nila sa kanilang katawang-lupa, taglay nila ang malakas na electromagnetic field na nagbibigay sa kanila ng sapat na enerhiya upang makapagparamdam. Ang iba ay gumagawa ng mga simpleng kaluskos o ingay upang masabi nila na sila ay nasa paligid lamang. Ang iba ay idinaraan ang kanilang pagpaparamdam sa pamamagitan nang paghawak sa ilang parte ng katawan ng taong ibig nilang pagparamdam; o kaya ay sa pagpaamoy ng mga familiar scent tulad ng usok, pabango na karaniwang nilang ginagamit noong nabubuhay pa sila, at iba pa. Ayon sa mga paranormal experts, taglay pa rin ng mga interactive personality spirits ang mga dati nilang kamalayan at damdamim. Sila ay may matinding emotional attachment sa mundo at hindi pa handang tumawid sa kabilang dimensiyon. Sila rin ang mga espiritu na hindi pa kayang iwan ang kanilang mga mahal sa buhay kaya nananatili sila sa earthy realm upang bantayan sila.
  • Ectoplasm o Ecto-Mist Spirits: Nakakita ka na ba ng hamog na para bang umiikot sa ere? Ayon sa mga paranormal investigators, ang iyong nakita ay walang iba kundi ang mga tinatawag na ecto-mist o ghostly mist. Ang vaporous cloud na ito ay kadalasang makikita ilang talampakan ang taas mula sa lupa at gumagalaw nang paikot sa kaniyang kinalalagyan. Para  itong maliit na ipo-ipo. Ang phenomenon na ito ay karaniwang nakukunan ng larawan o video. Sila ay kulay puti, gray, o minsan ay black. May pangyayari rin na ang mga ectoplasms ay nagkokorteng tao. Karaniwang makikita ang mga ectoplasms sa sementeryo, historical sites, at mga lugar na pinangyarihan ng trahedya.
  • Poltergeist: Ito na marahil ang pinakakaraniwang tawag sa mga espiritu o multo. Ang salitang “poltergeist” ay nangangahulugan na “noisy ghost” o maingay na multo dahil sa kakayahan nilang makalikha ng iba’t ibang klase ng ingay sa pamamagitan nang pagpapagalaw ng mga bagay sa paligid.  Ayon sa mga paranormal experts, ang mga poltergeist ay nagtataglay ng malakas na enerhiya kumpara sa ibang espiritu dahil sa kakayahan nilang magmaneobra ng mga bagay. Ang mga poltergeist ay karaniwang maliligalig at nakapamiminsala.
  • Orbs: Sila naman ang masasabing most photographed type of spirit. Sila ay lumalabas bilang mga transparent o translucent ball of light na lumulutang sa ere. May iba’t ibang kulay ang orbs. Ayon sa paliwanag ng mga paranormal experts, ang bawat kulay ng orbs ay makapagsasabi ng uri ng emosyon ng isang espiritu.
  • Funnel Ghosts: Ang mga espritung ito ay karaniwang nakukunan at nakikita sa mga bahay at mga makasaysayang gusali. Tinawag silang funnel ghost dahil sa hugis nilang imbudo. Naniniwala ang mga paranormal experts na ang mga funnel ghosts ay mga dating residente ng mga lugar kung saan nakikita ang kanilang aparisyon. Sila ay mga ligalig na espiritu na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila ang dati nilang mga nakasama noong sila ay nabubuhay pa bilang mga tao.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.