29.5 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

Mga Taong May Nunal Sa Paa, Hindi Lang Basta Layas

May nunal ka ba sa iyong paa? Ayon sa pamahiin, ang mga tao na may nunal sa paa ay hindi lang basta mahilig sa layas o lakwatsero’t lakwatsera. May iba pang ipinahihiwatig ang nunal na ito sa taong nagtataglay nito. Maliit man ito o malaki ay parehas lamang ang senyales.

Ang iyong nunal sa paa ay senyales na malayo ang iyong mararating. Hindi lang ito tungkol sa paggagala mo. May kinalaman ito sa kung hanggang saan ka dadalhin ng iyong tadhana. Halimbawa, ikaw ay nasa probinsya ngayon o nasa isang sulok sa Maynila, kahit matagal ka nang naninirahan dito, yung akala mo ay dito na rin sa lugar na ito magwawakas ang iyong buhay, nagkakamali ka, mangyayari pa rin kung ano ang kapalarang nakatakda para sa’yo. Dadalhin ka pa rin ng nunal mo sa malayong lugar na sa ayaw at sa gusto mo ay parte ng kabanata ng iyong buhay. Kahit huli na ay mangyayari pa rin ito.

May mga pagkakataon naman na sa unahan pa lang ng kabanata ng iyong buhay ay nagagawa mo na ang maglakbay. Dahil may nunal ka sa paa, ihahatid ka nito sa mga lugar na nakatakda mong puntahan. Kadalasan, ito ay nangyayari sa kalagitnaan ng iyong buhay. Halimbawa,Ikaw ay nag-iisip na wala kang swerte sa abroad, pero dahil may nunal ka sa iyong paa, kung mag-aapply ka sa trabaho abroad, mas malaki ang tsansa mo na matanggap kaysa dun sa walang nunal sa paa. Dahil ang nunal mo ang magbibigay sa’yo ng swerve at siyang hahatak sa’yo patungo sa lugar na nakatakda mong marating.

Hindi rin naman ibig sabihin na dinala ka ng iyong paa sa isang malayong lugar ay puro suwerte na ang katumbas nito. Ang kaya lamang gawin ng iyong nunal sa paa ay dalhin ka kung saang lugar ka nararapat subalit ang suwerte na maaari mong makuha sa lugar na iyon ay nakadepende na sa kung ano ang kaya mong gawin.Depende sa kung gaano ka magiging positibo sa kabila ng mga negatibong ma-eencounter mo. Kaya kung ikaw ay may nunal sa paa, ihanda mo na ang iyong sarili dahil bukod sa kinalalagyan mo ngayon ay marami ka pang lugar na mararating. Lalo na kung ang nunal mo sa paa ay dalawa o higit pa.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.