Noong unang Panahon pa man, ang mga tao ay sumusubok na ng iba’t ibang pamamaraan upang malaman ang magiging kapalaran o hinaharap. Karamihan sa mga pamamaraang ito ay masusumpungan o ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Pinakakaraniwan sa paraan ng panghuhula ang paggamit ng tarot card, pagtingin sa bolang kristal, pag-alam sa kahulugan ng mga panaginip, pagtingin sa galaw ng mga bituin at planeta o astrology, pagbabasa ng palad o palmistry at numerology.
Inisa-isa sa libro ni Angus Hall at Francis King na “The Mysteries of Prediction” ang ilan sa mga kakaiba at kamangha-manghang pamamaraan ng panghuhula .
1. Mirror Gazing–Ang salaming ginagamit sa panghuhula ay karaniwang may magarbo o ornate na frame. Ibinababad ang salamin sa tubig upang malaman kung ang repleksIyon ng nagpapahula ay magpapakita ng mabuti o magandang kapalaran.
2. Pyromancy–Ito ay ang pagbabasa ng kapalaran sa pamamagitan ng pagtingin sa porma o dibuhong nabubuo sa apoy. Ang pyromancer ay magsasaboy ng asin o asukal sa nagbabagang uling. Gayunpaman, masyadong malawak o vague ang kahulugan ng mga imaheng maaaring makita sa apoy. Tanging mga bihasang pyromancer lamang ang makakapagsabi ng eksaktong kahulugan ng imaheng makikita sa apoy.
3. Dice Throwing—Kailangan lamang gumuhit ng malaking bilog sa isang lamesa. Kalugin ang mga dice sa palad at saka ihagis ang mga ito sa loob ng bilog na iginuhit sa lamesa. Kung may dice na nalaglag o tumapon sa labas ng bilog, nangangahulugan ito nang paparating na alitan o hindi pagkakasundo. Kung ang dice naman ay nalaglag sa sahig, isang sakuna ang sasapitin.
4. Sand Reading—Ito ay pinapaniwalang isa sa pinakamatandang pamamaraan ng panghuhula na nagmula pa sa mga tribo na matatagpuan sa India at North America. Hinahagod ng “shaman” o babaylan(sa terminolohiya natin) ang buhangin hanggang sa makabuo siya dito ng ilang patterns. Ang patterns na ito ang magsasabi kung anong aksyon ang dapat gawin sa sitwasyong isinasangguni sa kanya.
Ang mga African Shamans naman ay nagbabasa ng kapalaran sa mga marka na naiwan ng mga talangka sa dalampasigan habang ang mga ito ay gumagapang pabalik sa dalampasigan. May ilang tribo naman na nag-iiwan ng palay o mga butil sa lupa at ito ay hahayaang tukain ng mga ibon. Ang mga maiiwang butil ay makabubuo ng ilang letra na pagbabasehan nila ng kanilang prediksyon.
Gayunpaman, ang paggamit ng anumang materyales sa panghuhula gaya ng tarot cards, bolang kristal at iba pa ay nagsisilbi lamang “trigger” o “props“. Dito ay nakakakuha ng ideya o tanda ang isang manghuhula para sa kanilang prediskyon. Ang ibang psychic ay may kakayahang makakita ng kapalaran at hinaharap kahit hindi na gumamit ng anumang props dahil ang mga signos ay kusang pumapasok sa kanilang utak o premonition.
Mga Simpleng Paraan Nang Panghuhula
Join us today!
Get access to exclusive content
Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.