27.7 C
Manila
Friday, September 13, 2024

MGA PARAAN NANG “PANGGAGAYUMA” MULA SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO

 Bawat bansa ay may sariling kultura, at bahagi ng bawat kultura ang paniniwala sa mahika.

        Aking iisa-isahin ang ilan sa mga epektibong love rituals mula sa iba’t ibang bansa. Baka may mapulot ka na maaari mong subukan.

1.   HAIR BINDING RITUAL (Philippines)—Kailangan mo lamang mapagtagumpayan na maibuhol ang dalawang hibla ng buhok sa ulo ng taong gusto mong mapaibig o iyong kasintahan upang hindi na siya mawala pa sa iyo.

2.   LOVE POWDER (Brazil)—Gumawa ng sariling love powder gamit ang isang kutsaritang peppermint powder at isang kutsarita ng grated candied orange peel. Ihalo lamang ito sa inumin  o pagkain ng taong gusto mong gayumahin, at siya ay mapapasaiyo.

3.   GAMIT ANG IHI (Philippines)—Sahurin lamang ang unang ihi mo sa umaga ng Lunes. Ilagay ito sa isang garapaon at itago sa ilalim ng iyong higaan sa loob ng siyam na araw. Ang ritual na ito ay makatutulong upang hindi na magloko pa ang iyong kasintahan/asawa.

4.   NASI KANG KANG (Indonesia, Malaysia, at Singapore)—Ang babae ay magsasaing ng bigas. Pagkatapos ay tatayo siya sa ibabaw ng kaldero habang kumukulo ang sinaing nang nakabukaka na walang suot na underwear upang humalo ang kaniyang womanly essence mix sa singaw ng kanin. Pagkatapos ay saka niya ipapakin ang nalutong kanin sa taong gusto niyang mapasakaniya. Sinasabing kung sinuman ang mapakain mo ng iyong Nasi Kang Kang ay hinding hindi ka na iiwan.

5.   GAMIT ANG BUTO NG MANOK (Thailand)—Kung kumakain ka ng pakpak ng manok, kuhanin ang maliit na buto sa pinaka-dulo ng pakpak at saka ito ilagay sa bulsa ng taong gusto mo nang hindi niya nalalaman. Sa sandaling magawa mo ito ay magkakagusto na siya sa iyo.

6.   SWEETENING SPELL (Latin America)—Kumuha lamang ng brown paper at isang garapon ng pulot o honey. Isulat ang iyong pangalan at ng taong gusto mo sa brown paper. Sa paligid ng inyong pangalan ay isulat naman ang lahat ng iyong intention (Halimbawa: Ikaw ay magiging akin; ikaw ay magiging maamo sa akin; ikaw ay magiging sunud-sunuran sa akin; etc.). Pagkatapos ay kumuha ng isang kutsarang honey at saka ito kainin.  Isiksik ang brown paper sa loob ng garapon ng honey hanggang sa ito ay lumubog. Habang ginagawa ito ay kinakailangang sabihin ng paulit-ulit na “mahal mo ako, mahal mo ako, mahal mo ako”. Pagkatapos ay kumuha ng isang kutsarang asukal at tunawin ito. Ibuhos ang nasabing alcohol sa nakasarado nang garapon ng honey. Sindihan ang alcohol hanggang sa ito ay magliyab sa paligid ng garapon. Sa sandaling mamatay ang apoy, talian ng pulang ribbon ang garapon at saka ito itago sa lugar na hindi makikita.

7.   MARRY A RICH MAN (Chinese Taoist)—Kung ang intensiyon mo ay makabingwit ng isang mayamang mapapangasawa, kumuha ng isang dakot na lupa at tubig mula sa iyong bakuran. Isaboy ang lupa sa harapan ng bahay ng target mo, at saka ito diligan ng tubig na dala mo. Kinabukasan, kumuha ka naman ng isang dakot na lupa at tubig mula sa bakuran ng target mo at saka ito isaboy at idilig sa harap naman ng bahay mo.

8.   VALENTINE’S DAY CHOCOLOATES (Japan)—Kaugalian sa Japan ang pagbibigay ng mga babae ng “honmei choco” o true feelings chocolate sa lalaking iniibig. Ang honmei choco ay isang uri ng  home-made chocolate na ang pangunahing sangkap ay ang menstrual blood (regla), laway, o kaya ay hibla ng buhok.

9.   UPANG MAPAGINIPAN KUNG SINO ANG MAPAPANGASAWA (U.S.A). Tumayo sa harap ng salamin sa hatinggabi at saka magsuklay ng tatlong beses. Pagkatapos ay saka matulog. Mapapaginipan na ang taong nakatadhana para sa iyo.

10.  ANG SINGSING AT LITRATO (Mexico)—Kumuha ng larawan ng taong iniibig. Ibitin sa ibabaw nito ang isang singsing na nakatali sa isang sinulid. Kinakailangang hindi magalaw ang iyong kamay. Sa sandaling gumalaw ang singsing nang paikot, senyales ito makakatuluyan mo ang taong nasa larawan. Kung ang singsing ay nagpabalik-balik, hindi mo makakatuluyan ang nasa larawan. Kung ang singsing ay hindi umuga o gumalaw, ikaw ay mananatiling single.

Malamang ay may kokontra at magsasabi na tila kakatwa o kalokohan lamang ang mga love rituals na ito. Ngunit, pakatatandaan na ang mga rituwal na ito ay mula sa iba’t ibang kultura. Ang kultura ay salamin ng pamumuhay at paniniwala ng isang bansa, kaya hindi mo ito dapat husgahan. Maging sa ating bansa ay may ilan tayong kaugalian o kultura na malamang ay kakatwa rin para sa mga mamamayan ng isang bansa. Respeto lamang sa paniniwala ng iba ang pinakamahalaga.

Pangalawa, sa aking pag-aanalisa, karamihan sa mga love rituals na ito ay gumagamit ng kapangyarihan ng intention at law of attraction (ie., sweeting spell). Lagi kong sinasabi na wala nang lalakas pa sa kapangyarihan ng isip (power of the mind). Sa tulong ng tamang affirmation, magagawa mong realidad ang iyong pangarap.

Pangatlo, napansin ko rin na ang ibang rituwal dito ay gumagamit ng body fluids (ie., Nasi Kang Kang, Valentine’s Chocolate). Ang paggamit ng mga sangkap mula sa iyong katawan ay isa sa pinakamabisang paraan upang mapaamo ang isang tao. Sa sandaling maipasok mo sa katawan ng isang tao ang iyong body fluids (laway, ihi, dugo), ang inyong body components at DNA ay magiging isa.

Higit sa lahat, ang mga rituals na ito ay mahika. After all, magic is faith. Kung wala kang pananampalataya sa mahikang ginagawa mo, huwag mo na lang gawin dahil nagsasayang ka lang ng oras dahil hindi ito gagana.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.