25.4 C
Manila
Sunday, October 20, 2024

MGA PALATANDAAN NA MAY KUMUKULAM SA IYO

Marami ang skeptic pagdating sa kulam. Hindi raw ito totoo. Ang nararamdaman nating hindi maganda ay may medikal na paliwanag.

        Tama. Maraming karamdaman ay bunga lamang ng isip. Ang mga taong may matinding paniniwala sa kulam ay kaagad na sinisisi ang kulam kapag sila ay nagkasakit o may hindi magandang nangyari sa kanila.

        Ngunit, totoo ang kulam. Ito ay isang uri ng majica negra o black magic. Sadyang may mga taong nag-aral nito, o biniyayaan ng kapangyarihang makagawa nito sa pamamagitan ng pagpapamana o pagsasalin.

        Sa totoo lang, mahirap matiyak kung ang karamdamang pisikal, mental o emosyonal ay dulot ng kulam. Lahat kasi ng karamdamang ito ay may medical explanation.

        Isa sa senyales na posibleng kulam ang nangyayari sa iyo ay kung nagpatingin ka na sa maraming doktor, ngunit wala namang makita sa finding.

        Narito ang ilang senyales o palatandaan ng kulam. Ngunit ipinapaalala ko, bago i-dismiss ang isang karamdaman o pangyayari na kulam, magpatingin muna sa doktor at imbestigahan ang lahat ng lohikal na aspeto.

• Ang iyong pagtulog ay balisa, laging na iistorbo. Hindi ka mapagkatulog at laging nagigising ng alanganing oras.

• Madaling mapagod at kinukulangan ang lakas upang mabuhay ng maayos sa araw-araw na gawain.

• Mayroon kang kinatakutan na hindi maintindihin kung sino o ano.

• Nawaawalan ng interes sa buhay.

• Nawawalan ng pag –asa.

• Ikaw ay madaling mapagalit kahit walang dahilan.

•Nakakaramdam ng sakit sa puso o parang inaatake pero pag napa- consulta sa mga doktor ay walang makumpirmang karamdaman.

• Nakakaramdam ng matinding depresiyon.

• Pagkatuyo ng labi o bibig sa gabi na parang nauuhaw parati.

• Madaling tumaba minsan naman madaling pumayat.

• Bigla-biglang nagkakaroon ng panginginig at pangingilabot sa buong katawan.

• Parang humihigpit o sumisikip ang mga ilang bahagi ng katawan at kalamnan.

• Nagiging lutang ang pag-iisip biglang naging malilimutin at nararanasan ang paghina ng memorya.

• Ang mga payo at pangitain na dapat dumaan sa iyong panaginip ay hinaharang, Kaya wala kang
maala-alang panaginip tuwing gumigising.

• Ang iyong mga propesyonal na karera o trabaho ay na-aapektuhan laging wala sa kondisyon o gana.

• Hindi makatwiran para sa iyo ang pag-uugali ng mga tao kaya laging may nakakaaway.
• Minamalas, mahirap kumita ng pera nawawalan ng paraan mag- isip kumita.

• Nanaginip ka ng patay na taong hindi mo kakilala at nananaginip ka ng kakila-kilabot na mga hitsura ng tao na gusto kang patayin habang ikaw ay natutulog at nananaginip kaya para kang hindi makahinga at binabangungot.

• Madalas kang managinip ng mga ahas at ng mga maruruming lugar na may kasamang umaalingasaw na mabahong amoy.

• Biglang magigising sa takot mula sa malalim na pagkakatulog na hinahabol ang paghinga.

• Nananaginip na bumabagsak mula sa isang napakataas na pinanggalingan.

• Nananaginip ng mga ahas, alakdan at malalaking maitim na gagamba.

• Nakakakita ng maiitim na parang tuldok o usok na lumulutang sa iyung kapaligiran lalo na pag matutulog pa lamang o pag kagising.

• Lumalaki ang iyong tiyan tulad ng isang buntis na babae ang itaas ng iyung pusod ay parang sumisikip at kung ito’y hihipuin para bang may bolang matigas na nasa loob ng tiyan.

• Paninikip at mabigat na pakiramdam lalo na sa may balikat at dibdib.

• Matinding kagutuman sa mga biktima lalo na kung nasasaniban o nabaunan na ang iyong katawan.

• Palaging sumasakit ang ulo.

• Minsan ay nangingitim ang kulay ng iyung balat.

• Pangangati, parang may pumapaso at tumutusok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Karagdagang mga sintomas ng nakukulam o may nakikielam na masamang ispiritu na
nauukol sa mga kababaihan:

• Gasgas marka sa paligid ng hita o maselang bahagi ng katawan.

• Madalas managinip na may gumagahasa sa kanyang mga masasamang ispiritu at ito’y parang totoong totoo.

• Pangangati sa maseselang bahagi ng katawan.

• Paghinto ng buwanang menstruation, nagiging irregular ang menstruation minsan ay napakasakit at minsan may napakaitim na dugong lumalabas.

• Hindi mabuntis buntis dahil may ibinira o ibinaong kulam sa kanyang fallopian tubes kaya ma buntis man nagreresulta lang ito ng pagkalaglag ng sanggol. Kaya nananatiling baog habang buhay.

• Hindi matagalan ang pagbubuntis na nagreresulta sa pagkamatay niya o ng sanggol.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.