25.4 C
Manila
Sunday, October 20, 2024

Mga Negatibong Epekto Ng Gayuma

Kung bigo ka sa pag-ibig at binabalak mong gumamit ng gayuma, teka muna, pag-isipan mong mabuti. Bagamat may posibilidad na maging epektibo ang gagamitin mong gayuma, kaakibat naman nito ang mga negatibong epekto. Kung hindi mo pa alam, narito at basahin mo.

1.Kapag umepekto ang gayuma sa tao na ginagayuma mo, ang balik nito ay maaaring sa nagsagawa ng gayuma. Magkakasakit siya o mamalasin sa isang sitwasyon. Ang nagtuturo sa paraan ng pagsasagawa ng gayuma ay hindi ligtas sa masamang epekto nito sa kasalukuyan man o sa hinaharap.

2.Kung ang nagturo ng panggagayuma ay hindi ligtas, mas lalo na ang tao na humiling nito. Ang hindi magandang intensyon niya sa kapwa gamit ang kapangyarihang itim ay siguradong sisingilin siya sa paraan na hindi katanggap tanggap para sa kanya. Ang kamalasan ay hindi siya lulubayan at unti-unti ang gagawin nitong pag-atake sa kanya. Sa umpisa ay hindi pa niya ito mamamalayan, hanggang sa magulat na lang siya na nagaganap na pala ang kanyang kaparusahan.

3.Hindi rin katanggap tanggap ang kapalarang naghihintay sa taong nagayuma. Kapag matindi ang gayuma na kumapit sa kanya, may tendency na siya ay makapatay o magpakamatay dahil dito. Ang dahilan nito ay ang masidhi niyang pagkagusto sa taong nanggayuma sa kanya na handa siyang gawin ang lahat para rito.

4.May tao na hindi tinatablan ng gayuma. Nangyayari ito kapag matibay ang pananalig ng taong iyong sa Diyos at maaari rin naman na ang taong ito ay meron ding alam na pangontra. Ang gayuma kasi ay para ring pagsanib. Dahil ito ay isinasagawa sa kapangyarihan ng aklat ng dilim , ang mga kampon o nilalang ng dilim ang binibigyan dito ng pagkakataon para alipinin ang isang tao. Kapag hindi ito nagtagumpay, ang balik nito ay sa nagpagawa ng gayuma, siya ay maaaring maparalisa o hindi na makapagsalita at posible rin na sa kanya mapunta ang epekto ng gayuma na maaaring magresulta sa pagkabaliw.

5.Sa oras naman na tumalab ang gayuma at ito ay lumipas, ang pag-ibig na inakala mong totoo ay mapapatunayan mong sadyang hindi laan para sa’yo. Labis ka ring masasaktan sa huli dahil sa katotohanan ng buhay ay hindi ka niya magagawang mahalin. Ang tsansa na mapaibig mo siya ay inalis na ng gayuma at kasamang naglalaho sa paglalaho ng bisa nito.

6. Walang forever sa gayuma. Hindi ito panghabambuhay. At puro kamalasan lang ang ihahatid nito sa inyong pagsasama. Mga kakaibang kamalasan hanggang sa maisip mo na sana ay hindi mo na lang siya ginayuma.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.