Laganap ngayon sa merkado ang iba’t ibang uri ng lucky charm. May kuwintas, key chain, at bracelet. Sa dami ng lucky charm na mapagpipilian ay talaga namang malilito ka kung alin sa kanila ang dapat bilhin.
Sa pagpili ng iyong lucky charm, isaisip ang iyong tunay na pakay o intensiyon kung bakit ka bibili ng lucky charm. Kailangan mo bang suwertihin sa pag-ibig? Salat ka ba suwerte pagdating sa kabuhayan? Gawing gabay ang tunay na pangangailangan sa uri ng lucky charm na bibilhin.
Isa pa sa mahalagang isaalang-alang sa pagpili ng lucky charm o protection charm ay ang mga materyales na ginamit rito. Karaniwang ginagawang lucky/protection charm ang iba’t ibang gemstone. Ang iba ay naghahalo-halo pa ng iba’t ibang uri ng batong hiyas. Ngunit tatandaan na pumili pa rin ng batong hiyas na angkop lamang sa iyong pangangailangan.
Batong Hiyas | Kapangyarihang Taglay |
1. Amber | Taglay nito ang enerhiya ng araw. Pinalalakas nito ang nanghihinang espiritu/aura. Lilinisin nito ang nag-accumulate na negative energy sa katawan. |
2. Amethyst | Naglalabas ito ng mataas na frequency na siyang lumilikha ng force field laban sa negative energy sa paligid. |
3. Apache Tears | Nililinis at pinagagaling nito ang aura ng isang tao. |
4. Black Tourmaline | Nakatutulong ito upang i-reconnect ang isang tao sa universe at nang malabanan ang anumang uri ng negative energy sa paligid. |
5. Labradorite | Ginisiging nito ang psychic ability/power ng isang tao. Pinalalakas ang aura o electromagnetic field laban sa negative energy sa paligid. |
6. Malachite | Pinalalakas ang will power ng isang tao laban sa lahat ng uri ng negative influence sa paligid. |
7. Obsidian | Ina-activate ang root chakra at nililinis ang aura ng negative energy. |
8. Serpentine | Nagtatanggal ng masasamang gawi o bisyo sa katawan. |
9. Shungite | Nagpu-purify ng negative emotion at energy. |
10. Smoky Quartz | Panlaban sa usog/balis, at mga psychic vampire. |