27.3 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

Mga Bagong Pamahiin Sa Pagnenegosyo

Mula sa mga sinaunang paniniwala ay may mga pamahiin tayong sinusunod kaugnay sa pagnenegosyo kabilang na ang paglalagay ng iba’t-ibang lucky charms, magandang pwesto at kung anu-ano pa. Dahil moderno na ang karamihan sa ating nasa paligid, indikasyon ito na marami ng pagbabagong naganap sa ating kapaligiran. At sa mga pagbabagong ito ay naapektuhan din ang mga pamahiing pinaniniwalaan natin. Halimbawa nito ang mga makabagong pamahiin na naiuugnay ngayon sa pagtatayo ng isang negosyo.

Kung ikaw ay magtatayo pa lamang ng pwesto, ang lupang pagtatayuan nito ay kailangan mong budburan ng asin kahit hindi marami basta’t ang importante ay mabudburan mo ang bawat sulok nito. Dahil ang asin ay suwerte. Itinataboy nito ang malas. Kaya’t kung ito ay nakakalat sa lupang titirikan ng pwesto mo sa negosyo, mas malamang na ikaw ay suwertehin kaysa malasin sa loob ng mahabang panahon.

Mahalaga rin na piliin mo ang mga dekorasyong makakapagpaaliwalas sa iyong negosyo. Halimbawa ay ang kulay ng mga kasangkapang gagamitin mo, ganoon din ang mga kurtina, sapin sa mesa, mga bulaklak at iba pa, dapat ay maliliwanag na kulay. Ang maliliwanag na kulay ang siyang nakakaakit ng positibong enerhiya. Kung madidilim na kulay ang maghahari sa iyong pwesto, malamang na negatibo at kamalasan ang maakit nito sa halip na suwerte.

Kahit hindi bigas ang iyong negosyo, maaari ka ring maglagay ng bigas sa isang bahagi ng iyong pwesto at huwag magpawala nito. Ito ay simbolo ng kasaganahan na mag-aakyat din ng suwerte sa’yong negosyo.

Ang pagkakaroon ng music background sa iyong pwesto ay maganda ring pampaakit ng suwerte. Hinihila nito ang positibong enerhiya gaano man ito kalayo sa’yo.

Pinaniniwalaan din sa ngayon na ang pag-aalaga ng masuwerteng hayop sa pwesto ng iyong negosyo ay makapagbibigay din ng suwerte. Isa sa halimbawa nito ay ang rabbit. Lalo na kung ang aalagaan mo ay magkapartner na kuneho.

Ang paglalagay ng salamin sa tapat ng iyong kaha ay isang magandang senyales din sa pagpapapasok ng suwerte, dahil ang anumang laman ng iyong kaha ay pinaniniwalaang madodoble kung paano nagrereflect ang iyong imahe sa salamin.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.