25.3 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

Lantang Rosas, Ginagamit Panggayuma

Ang gayuma ay isang ritwal na isinasagawa na noong una pa mang panahon. At magpahanggang ngayon ito ay patuloy na tinatangkilik at pinaniniwalaan ng mga sawi sa pag-ibig. Kapag wala ng pag-asa ang isang tao na makuha ang taong gustong gusto niyang maging kanya o makasama habambuhay, dito na siya kumakapit sa gayuma kahit batid niya ang hindi magandang epekto nito tumalab man o hindi. Maraming bagay ang ginagamit sa gayuma kabilang na ang mga parte ng mga hayop , mga ligaw na damo, mga bulaklak na mahirap hanapin at kung anu-ano pa. Syempre ang sikat na ginagamit sa panggagayuma ay ang bagay na mula sa iyong gagayumahin tulad ng kanyang larawan, buhok, laway o ano pa man na may kaugnayan sa kanya.

Isa sa mga nalaman ko na ginagamit na sangkap sa panggagayuma ay ang lantang rosas. Sikat ang rosas na ibinibigay sa nililigawan. Kung ikaw ang binigyan at gusto mo rin ang nagbigay nito sa’yo, natural lamang na pakaingatan mo ito kahit lanta na, ang iba ay iniipit ang tuyong talutot ng rosas sa aklat at hinahayaan ito doon sa loob ng mahabang panahon. Bukod dito, ang tuyot o lantang rosas ay nagagamit din bilang panggayuma. Narito ang paraan.

1.Pagsama-samahin ang mga lantang rosas at durugin ito ng pino.

2.Patakan ng konting tubig hanggang sa ito ay magkaroon ng katas.

3.Ang katas na makukuha mula rito ay ilagay sa isang malinis na botelya at itabi lamang sa safe na lugar sa loob ng labingtatlong araw.

4.Pagsapit ng ikalabingtatlong araw ay maaari na itong gamitin bilang panggayuma. Halimbawa ay kukuha ka ng isang pag-aari ng taong gusto mong gayumahin tulad ng panyo, suklay,toothbrush,o kaya ay inumin. Isang pahid lang o isang patak sa inumin ay pwede na.

5.Subalit kailangan mo itong gawin ng tatlong beses sa loob lamang din ng tatlong araw. Kapag nagawa mo ito ng walang sablay ay unti-unti mong makikita ang mabuti niyang pakikitungo sa’yo hanggang sa tuluyang pagkahulog ng loob niya sa’yo.

Subalit pakatandaan na ang panggagayuma ay may hindi mabuting karma. Kaya naman kung ito ay iyong gagawin,dapat handa ka rin sa consequence nito.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.