Mababasa sa Book of Genesis ang tala tungkol sa paglalang diumano ng Diyos sa planet Earth at ang pagsisimula ng kasaysayan ng sangkatauhan sa pamamagitan ni Adan at Eba—ang mga unang tao sa Garden of Eden.
Ayon sa mga conspiracy theorist, hindi si Eba ang unang babaeng nilalang ng Diyos, kundi si Lilith.
Sino Nga Ba si Lilith?
Hindi tulad ng popular na bersiyon ni Eba, si Lilith ay hindi hinugot mula sa tadyang ni Adan. Bagkus, siya ay sabay na nilalang mismo ng Diyos.
Ayon sa mga mananaliksik ng Bibliya, si Lilith ay may kapantay na kapangyarihan ni Adan. At hindi lamang iyon. Siya ay higit na mas wais, mapangahas, at malino kumpara sa lalaking si Adan.
Ayon sa ilang historian, sadyang tinanggal ng Simbahan ang karakter ni Lilith sa Bibliya sapagkat siya ay isang malaking banta sa tradisyunal na aral na ang lalaki ay nilalang na higit na nakatataas kumpara sa mga babae.
Si Lilith at ang Feminist Movement
Ayon sa Genisis 1:27, “ And God created man in his own image, in the image of God he created him; male and female he created them.”
Malinaw na mababasa sa tekso na “sabay” na ginawa ng Diyos ang lalaki at babae, taliwas sa popular na aral na ang babae ay hinugot lamang mula sa tadyang ng lalaki.
Samakatuwid, hindi makatarungan at napakalaking kasinungalingan/panlilinlang sa sangkatauhan ang ginawang aral ng Simbahan na higit na nakatataas ang lalaki kumpara sa babae, sapagkat ang babae at lalaki ay pantay at sabay na nilalang ng Diyos.
Ngunit, nasaan si Lilith?
Hindi naman lingid na ang Bibliya ay dumaan sa napakaraming pagbabago o modification at pagsasalin o translation, depende sa kagustuhan at utos ng nakaupong Pope at Hari. Hindi nakapagtataka kung iniutos na alisin ang karakter ni Lilith sa Bibliya, upang mapangalagaan ang interes at paniniwala ng mga nasa itaas, kung paano inalis ang aral tungkol sa Reincarnation, purgatoryo, at iba pa na ngayon ay itinuturing na esoteric teaching.