28.1 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Kahulugan Ng Bahaghari Sa Panaginip

Masarap makakita ng rainbow o bahaghari. Maganda itong tingnan at nakakagaan sa pakiramdam. Siguro dahil naniniwala tayo na ito ay simbolo ng pag-asa tulad sa kung paanong ipinangako ito ng Diyos matapos ang pag-ulan at pagbaha na lumipol sa sangkatauhan. Kung sa panaginip mo naman ito makikita, kasingganda rin kaya ng pangakong dala nito ang kahulugan nito?

Narito ang mga nais ipahiwatig sa atin ng bahaghari sa ating panaginip.

Mga Kulay ng bahaghari

Kung sa panaginip mo ay mas matingkad ang kulay asul sa nakita mong mga kulay ng bahaghari, ito ay may kinalaman sa iyong kabuhayan o negosyo. Nagpapahiwatig ito ng isang magandang kapalaran, halimbawa ikaw ay susuwertehin sa negosyo o kaya naman ay magkakatrabaho ng maganda. Kung kulay puti naman ang umangat na kulay, ang ibig sabihin ay kinakailangan mong bigyan ng atensyon ang iyong spiritual. Maaaring sa sobrang kaabalahan mo ay nakakaligtaan mo na ang magsimba o magdasal man lang.

Kayamanan sa dulo ng bahaghari

Sa iyong panaginip, ikaw na siguro ang magiging pinakamasayang tao kung makakatagpo ka ng kayamanan sa dulo ng bahaghari. At least kahit sa panaginip ay maranasan mo ang pakiramdam ng pinakamasuwerteng tao sa buong mundo. Sa katotohanan, ito ay sumisimbolo ng isang tagumpay. Maaaring ikaw ay magwagi sa isang paligsahan, kompetisyon, sugal o anupaman. Maaari rin naman na kung ikaw ay kagagaling lamang sa kabiguan, ang pagkatagpo mo sa panaginip ng pot of gold under the rainbow ay isang senyales na may kapalit na kaligayahan ang naranasan mong kabiguan.

Bahaghari sa gabi

Nakakita ka na ba ng bahaghari sa gabi? Syempre walang ganon dahil ang rainbow ay repleksyon ng liwanag kaya imposible kang makakita nito sa gabi. Pero kung makakita ka nito sa iyong panaginip ito ay hindi imposible. Nangangahulugan ito ng pag-asa sa kung anuman ang iyong pagsubok na pinagdaraanan sa kasalukuyan.

Bahagharing naglaho

Kung sa panaginip mo naman ikaw ay nakatitig sa bahaghari subalit ito ay unti-unting naglaho sa iyong paningin, ito ay nagpapahiwatig na may mahalagang bagay ang mawawala sa’yo. Maaaring ito ay tao, bagay o isang alaala na makakalimutan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.