Lahat tayo ay naghahangad ng magandang kita. Kung ikaw ay nasa mundo ng business—may physical store man o online—at naniniwala ka sa mga pampasuwerte, jade plant ang bagay na halaman na dapat mong alagaan.
Ang jade plant ay isang uri ng succulent na may hatid na positiveness, kasaganahan, at suwerte.
Ang jade plant ay isang medium-sized plant na angkop sa kahit anong setting.
Sa feng shui, angkop ilagay ang jade plant sa home office o lugar sa bahay kung saan nagaganap ang negosyo at transaksiyon, sapagkat ito ay nagkapag-a-attract ng pera. Karaniwang inilalagay ang jade plant sa entrance o front door upang i-welcome ang suwerte sa loob ng tahanan.
Ang paglalagay ng anumang lucky indoor plant sa bahay ay manifestation ng iyong faith at affirmation (in visual form). Dahil naglagay ka nito, andoon ang pag-asa mo na ikaw ay makatatanggap ng biyaya. Ang kaisipan, intensiyon, at positibong damdamin ay makapangyariham. Like attracts like. Dahil positibo ka, ma-attract mo ang positibong enerhiya ng universe sa iyong Buhay.
Muli, supplemental lang ito. Dapat ay kumilos ka rin dahil it takes too to tango, ika nga. Kumilos ka at samahan mo ng iyong positibong kaisipan, at makakamit mo ang “suwerte”. Ang suwerte ay bunga ng positibong kaisipan at mabubuting gawa (pananalangin, pagtulong sa kapuwa, pagtatatrabaho, at iba pa).