28.1 C
Manila
Monday, October 21, 2024

Hindi lang dahil malapit na ang Pasko…KAHULUGAN NG MGA BITUIN SA PANAGINIP, ALAMIN!

Tunghayan naman natin ngayon ang tanong ni MJ Berdan tungkol sa panaginip niyang mga butuin sa langit.

Meron po akong gustong malaman, tungkol sa aking panaginip. Ganito po yon: Nasa bahay daw po ako na parang kubo ang bubong, gawa sa pawid. Tapos po may butas ang bubong dahil sira po ang pawid na bubong. At doon po sa bubong na butas, nakita ko po ang kalawakan o langit at ang mga kumikinang na mga bituin. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Sa makaluma at pinagsama na ring modernong interpretasyon sa kasalukuyang panahon, kapag nakapanaginip ng “mga star o mga butuin sa langit” at nagkataong ang langit na iyong napanaginipan ay “maliwanag at maaliwalas” ito ay nagbabadya na malapit na ang Pasko o Christmas Season.

Ibig sabihin, masaya at sa malapit na hinaharap siguradong magkakaroon ka ng masasaya at masagang karanasan.

Ang “star o bituin sa langit” ay siya ring “nakita ng mga Pantas” o mas kilala bilang Tatlong Haring Mago, kung saan, sila ang isa sa mga unang nagbalita na isinilang na ang Messiah – ang Manunubos, na maglilitas sa sangkatauhan.

Ganito ang nakasulat sa Mateo 2: 1-2

“Panahon ng paghahari ni Herodes  sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. May mga pantas mula pa sa silangan na dumating sa Jerusalem. Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya’t naparito kami upang siya’y sambahin.”

Habang ganito naman ang nasusulat sa Mateo 2:10-11

“Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita ang bituin. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.”

Ibig sabihin, bukod sa ang panaginip mo ay nagbabadya ng kasiyahan at pag-asa, ang panaginip mong ay “mga bituin sa langit na tulad din ng nakita ng mga Tatlong Haring Mago sa panahon ng Kapaskuhan” ay naghahayag din ng “pagbibigayan, pagmamahalan, pagpapatawaran at muling pagkikita-kitat pagkakasundo ng pamilya”, sa partikular ng pamilyang Kristiyano at dito sa Pilipinas, tulad ng nasabi na, tradisyon na nating kinamihasnan at kinalakihan na tuwing sasapit ang Pasko ito ay nagbabadya ng kaligayahan, kasaganaan at muling pagsasama-sama ng pamilya.

Ibig sabihin, kung nasa malayong lugar ka man ngayon MJ Berdan o kaya’y may mga kamag-anak ka sa abroad, siguradong sa Pasko ay muling magkakasama-sama at magiging masaya ang inyong pamilya.

Kaya tulad ng nasabi na, ang iyong panaginip “na mga bituin sa langit” ay naghahayag na sa susunod na mga araw bukod, sa magkakaroon ka ng masaganang karanasan ikaw din ay tiyak na magiging maligaya, kasama na ang inyong pamilya, habang nalalapit na ang Kapaskuhan.

Samantala, ang isa pang maaaring maitatanong mo tungkol sa iyong panaginip ay “kung anuman ang kahulugan ng kubo o pawid na bahay na kinahihigaan mo at  sa butas na bubong na pawid  ay nakita mo ang mga bituin sa langit?”

Tulad ng dati na nating naipaliwanag, sa sandaling nakapanaginip ng tungkol sa bahay at sa kahit anong uri pa ito ng bahay ay muli lamang nating uulitin ang kahulugan. Ganito ang kahulugan ng bahay sa panaginip:

“Ang bahay sa iyong panaginip ay ikaw mismo. Ang kasalukuyang kalagayan ng iyong pagkatao. Kaya nga kung maganda ang bahay na napanaginipan mo ibig sabihin nito maganda rin ang outlook in life mo sa kasalukuyan at puwede ring sabihing “spiritually at physically fit ka” sa mga panahong nanaginip ka ng maganda, aliwalas at maayos na bahay.”

Samantala, kung ang bahay ay kubo, o halimbawang may sira ang bahay, tulad ng bakbak na kisame o butas na bubong, ito ay tanda na may problemang malalim ka sa kasalukuyan na may kaugnayan sa iyong “spiritual self” o dili naman’y naghahanap ka ng malalim na kahulugan ng buhay. Minsan ang bubong ng bahay, sa iyong panaginip, dahil sa mga panahong iyon hindi mo na nabibigyan pansin ang “spiritual side” at “inner side ng iyong pagkatao” o kaya naman iniisip mong “pangit ang kalagayan ng buhay mo sa paningin ng ibang tao.” At puwede ring  “ang sirang bubong sa iyong panaginip ay tanda o babala ng mismong karamdamang pang-pisikal na maaaring maganap sa iyo” kaya mapapaisip kang sa panahong ngayon dapat pag-ingatan mo ang iyong kalusagan.

Subalit anu’t-anuman ang itsura o kalagayan ng bahay na napanaginipan mo, ay lahat ng “negatibong interpretasyon ng bahay” ay tuluyan na ring maglalaho sa isang idlap. Sapagkat tulad ng naipaliwanag na, “ang bituin sa langit na iyong nakita sa sirang bubong na pawid sa hinihigaan mong bahay kubo ay wala iba kundi si Jesus mismo, ang Manunubos, ang Tagpagligtas, ang Dakilang Manggagamot, na may hatid ng pag-asa at pag-ibig sa bawat puso ng tao.”

Kaya nga sa panahong ito na nalalapit na ang araw ng Kapaskuhan, anuman ang dinadala mong suliranin. Pisikal, materyal, ispirituwal o kung anuman, ang lahat ng ito ay tuluyan ng mapapawi, upang sa sandaling isinilang na si Jesus sa mismong araw at buwan ng Kapaskuhan sa Diysmbre, ang lahat ng suliranin at dalahin mo sa buhay sa ngayon, sa isang idlap ay ganap ng mapapawi, upang palitan ng ligaya, ng kasaganaan at ng galak na siya ring dulot at hatid ng Dakilang Manunubos at Tagapaglitas “na siya ring inilalarawan ng panaginip mong mga bituin sa langit”, wala iba kundi si Jesus, ang Messiah  – ang Dakilang Manunubos at ang ating Tagapagligtas.

Sabi nga ng isang poem na hindi nagpakilala ang author:

Wouldn’t life be worth the living
Wouldn’t dreams be coming true
If we kept the Christmas spirit
All the whole year through?

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.