26.1 C
Manila
Monday, July 22, 2024

GUMAWA NG WEALTH KNOTS UPANG BUMALONG ANG PERA SA IYONG BUHAY

IPOKRITO ang magsasabing hindi nila kailangan ng pera o ni minsan ay hindi sila naghangad na magkaroon ng nito. Aminin man natin o hindi, ang pera ay siyang invisible force na nagpapagalaw sa ating lipunan. Kapag wala kang pera, mamamatay ka sa gutom.

Maraming paraan upang magkaroon ng pera. Una sa lahat ay ang pagta-trabaho. Maaari ring samahan ang ating pagsisikap ng mga pampaswerte na ma-attract ang mga biyaya ng universe.

Isa sa epektibong lucky charm upang ma-attract ang magandang pasok ng pera ay ang Wealth Knots.

Simple lamang ang paggawa nito.

Kumuha ng yarn na kulay green. Habang iniisip na magkakaroon ng maraming pera, ibuhol-ibuhol ang yarn nang pitong beses. Ang number seven ay itinuturing na lucky number. Ngunit ayon sa ilang turo, doble ang suwerte kapag dinoble mo ang lucky number seven. Samakatuwid, gumawa ka ng pitong set ng pinagbuhol-buhol na yarn.

                    Paalala lamang, huwag mag-iisip ng kahit anong negative thoughts habang binubuhol ang yarn. Panatilihin ang pagiging positibo at hindi matitinag na pananampalataya sa iyong goal.

                     Kapag natapos mo na ang pagbubuhol ng yarn, itago ang mga ito sa wallet at huwag nang tatanggalin pa roon. Ito na ang iyong lucky wealth knots charm.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.