Isa sa karaniwang ginagawang lucky charm ay ang mga barya (coins/penny). Ang paniniwalang suwerte ang mga barya ay mauugat sa mga sinaunang tao sa Europe na naniniwalang ang metal, partikular ang copper na siyang pangunahing sangkap ng barya, ay inihahandog sa mga Diyos. Sa Chinese tradition, naging masuwerte ang barya dahil sa hugis nitong bilog.
Gusto mo bang magkaroon ng sarili mong lucky coins? Simple lang.
Kumuha ng isang baryang may butas sa gitna bilang iyong lucky coin. Ayon sa isang matandang pamahiin mula sa bansang England, ang paglalagay ng baryang may butas sa gitna sa pitaka o bulsa ang titiyak na hindi ka mawawalan ng pera. Hawakan ang baryang may butas sa gitna tuwing New Moon at saka ito duraan upang mabasbasan. Muli itong itago sa iyong wallet pagkatapos. Ginagawa ko ring lucky charm ang baryang may butas sa gitna. Ngunit m-in-odify ko lang ang pagbabasbas dahil sa halip na aking duraan, hinahalikan ko lang ang barya at saka ko binubulungan ng ilang affirmation tulad ng “ikaw ay magiging masuwerte at magnet ng pera”, at iba pang personal intentions. Ako mismo ang pagpapatunay na epektibo ito, lalo na kung sasamahan mo ng power of intention and law of attraction technique.