30.1 C
Manila
Saturday, September 14, 2024

GAWIN ANG PITONG MAHIWAGANG SEKRETONG ITO AT LALAGO ANG INYONG NEGOSYO

Nagbabalak ka bang magbukas ng sarili mong business?

Napansin mo bang matumal ang iyong negosyo?

Makatutulong ang ilang feng shui tips na ituturo ko upang mag-boom ang iyong negosyo.

Ang feng shui ay isang ancient Chinese art nang pag-aayos ng mga bagay upang umayon ang lugar sa natural na daloy ng enerhiya ng universe na tinatawag na “chi”, at makasunod sa pattern ng Yin at Yang o pagkabalanse ng enerhiya (positive at negative).

Ngayon ay iisa-isahin ko ang ilang basic feng shui tips upang maging maunlad ang inyong negosyo at tangkilikin ito ng maraming customers.

1.         Panatilihing maaliwalas at maliwanag ang inyong establishment. Pumili ng lokasyon kung saan ang main door entrance ay nakaharap sa sinisikatan ng araw. Mas maganda rin kung wala itong blockages o anumang harang upang malayang makapasok ang chi energy. Gawing light and airy, cozy, at spacious ang inyong reception areas upang manahan rito ang positive energy.

2.         Maglagay ng salamin sa tamang lugar. Ang salamin ay maaaring ilagay sa ibabaw ng inyong cash register o kaha de yero upang dumoble ang kita. Kung may naka-expose na columns o beams sa inyong establishment, maaari itong remedyuhan sa pamamagitan ng pagsasabit ng mga salamin sa bawat naka-exposed na beams o columns. Ngunit paalala lang, tiyaking hindi ka maglalagay ng salamin sa mismong harapan ng front door o entrance dahil posibleng ma-deflect nito ang positive energy na papasok sa inyong negosyo.

3.         Maglagay ng fountain. Ang flowing water ay itinuturing na powerful feng shui element na humihikayat ng masagana at maunlad na kabuhayan at kita. Maglagay ng kahit maliit na fountain na may umaagos na malinis na tubig sa North sector o hilagang bahagi ng inyong establishment. Mas maganda kung malakas ang lagaslas ng tubig, dahil ang tunog ng tubig ay katumbas ng kalansing ng pera sa feng shui. Maaaring i-consider ang Dragon Fountain. Ang Dragon ayon sa feng shui ay lumilikha ng precious cosmic energy Chi na naghahatid ng suwerte at kasaganahan. Ilagay lang din ang Dragon fountain sa hilagang bahagi para sa unlimited business success, o kaya ay sa southeast sector para sa maayos na kalusugan ng mga empleyado at pati na rin ikaw na may-ari.

4.         Maglagay ng aquarium. Ang gold fish ay napakagandang simbolo sa Chinese feng shui dahil ito ay katumbas ng ginto at pera. Bukod sa gold fish, masuwerte rin sa negosyo ang arrovana (arowana) at horn fish dahil pinaniniwalaang humahatak ito ng mga customers at magandang kita dahil na rin sa mga kaliskis nito na itsurang mga barya. Ilagay lamang ang aquarium sa North sector (hilagang bahagi) ng inyong establishment upang ma-activate ang tagumpay ng inyong negosyo. Kung walang aquarium, maaaring gawing substitute ang figurine ng mga nasabing isda (halimbawa ay arrowana na kulay green o gold). Ilagay rin ang figurine sa North sector ng establishment, o sa harapan ng main entrance ng inyong business.

5. Maglagay ng mga wealth symbols. Hitik ang feng shui sa mga simbolo ng kasaganaan na maaari mong gamitin upang suwertihin ang inyong negosyo.

Amethyst money tree. Maliban sa ito ay pampasuwerte sa negosyo, naghahatid rin ito ng harmony o pagkakasunduan sa pagitan ng bawat empleyado at may-ari ng negosyo. Ilagay lang ang amethyst tree sa iyong lamesa, o sa mismong counter.

Money frog or three-legged toad. Itinuturing ito bilang “most lucky symbol for money-making.” Nakatatawag rin ito ng mga customers. Ilagay lang ito sa iyong working table o sa mismong counter, o sa ibabaw ng cash register.

Three coins tied with red ribbon. Isabit lamang ito sa main entrance ng inyong establishment upang gumulong ang suwerte at maraming kita.

Wind chimes. Ang tunog nito ay katumbas ng tagingting ng mga barya. Magsabit nito sa pinaka-main entrance ng inyong establishment upang patuloy na pumasok ang magandang kita.

Mabibili sa Chinatown ang mga nabanggit na wealth symbols. Tiyakin lang na sa legit feng shui stores kayo bumili upang tiyak na activated ang mga ito at tama ang pagkaka-disenyo o pagkakagawa.

5.         Panatilihing balanse ang limang elemento. Ang feng shui ay nakatuon sa limang element: earth, wood, metal, fire, at water. Tiyakin na present ang lahat ng mga elementong nabanggit sa inyong establishment at balanse ang mga ito upang maging maganda ang daloy ng chi energy. Narito ang ilang tips upang mabalanse ang limang element sa inyong establishment. Kung ang establishment ninyo ay maraming bintana o puro salamin (fire), at maraming halamang nakapaligid (earth), dapat ay tiyakin mong magkaroon ng metal, wood at water elements sa iyong establishment upang balanse. Ngunit, kung masyadong maliit lamang ang inyong puwesto, maaari kang magdagdag na lamang ng mga larawan ng mga nasabing missing element. Maaari mo itong gamitin bilang screensaver, wall art, o magdikit ka ng mga larawan na nagpapakita ng mga missing element.

7. Maglagay ng mga air-purifying plants. Makatutulong ang mga halamang ito upang malinis ang air flow sa inyong establishment at matanggal ang lahat ng negative particles. Maaaring subukan ang areca palm, bamboo plants, cactus, succulent, o hearty pathos plant.

Sa tulong ng mga simpleng feng shui tips na aking ibinigay, nawa ay maging maunlad ang inyong negosyo. Good luck!

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.