Ay naku, makakita pa lang ako ng gagamba ay nakakaramdam na ako ng matinding kilabot. Kahit nga gumagapang lang siya ay para na rin siyang lumilipad sa paningin ko kaya naman kapag tumatakbo siya, tumatakbo na rin ako, nangangamba ako na baka masundan pa niya ako at tumalon siya sa akin.
Hay naku, isipin ko pa lang na mangyayari iyon ay nakasisiguro na akong sisigaw ako ng magkalakas-lakas. Talagang hindi ko makayang isipin na ang malalaki niyang galamay ay gagapang sa aking katawan. Naku. ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng matinding kilabot. Kaya lalo na kapag nangyari pa ang sandaling iyon.
Ngunit, kahit na ayaw mo sa gagamba ay huwag na huwag mong sisirain ang kanilang sapot dahil ikaw ay mamalasin. Gayunman, may paraan naman para hindi mo kailangang sirain ang kanilang bahay. Syempre, ang kailangan mong gawin ay maglinis ng mabuti. Ngunit kung nakatakda ka talagang buwenasin ay mayroong gagamba na mahuhulog sa’yong mukha,
Ang tanong nga lang, handa ka bang mangyari ang sandaling iyon kung ikaw ay takot na takot sa gagamba. Makakaya mo ba? Anong uunahin mong isipin, ang magkaroon ka ng maraming pera o ang takot mo sa gagampa?