30.5 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

DREAM PSYCHOLOGY: ANG SUSI SA PAG-UNAWA AT PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA PANAGINIP

Ang panaginip ay repleksiyon ng mga kaganapan sa ating waking life. Anumang pangyayari na nararanasan at mga bagay o taong nakikita at nakakasalamuha ay naiimbak sa ating memory bank o subconscious mind. Ang mga ito ang lumilitaw o nagma-manifest sa ating panaginip. Ang panaginip ay nagsisilbi ring outlet sa ating mga kinikimkim na saloobin o suppressed emotion. Samakatuwid, karamihan sa ating panaginip (hindi naman lahat din) ay may kaugnayan at pakahulugan sa kasalukuyang sitwasyon na ating pinagdaraanan at emosyon na ating nararamdaman.

        Ang panaginip ay personal. Magkakaiba ang pagbibigay kahulugan nito sa bawat isa sapagkat bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang karanasan at paraan nang pagtanggap sa mga bagay-bagay.

        Makatutulong ang ilang step na aking ibabahagi upang magawa mong i-interpret ang kahulugan ng iyong panaginip nang mas malalim at personal upang matukoy ang kahulugan at mensahe nito para sa iyo. Bagama’t may ilang mga simbolo sa ating panaginip na tumutugma sa bawat isa (halimbawa ay ang tubig na sumisimbolo sa emosyon at problema), ang mga sequence o pangyayari sa panaginip ng isang tao ay personal at tanging siya lamang ang maaaring makapagbigay kahulugan nito.

Ang unang hakbang ay ang paggawa ng sariling dream journal. Magtabi ng notebook at panulat sa higaan upang maItala o mai-record ang lahat ng napaginipan oras na ikaw ay magising. Habang tumatagal kasi ay unti-unti nang nakakalimutan ang malinaw na detalye ng panaginip kaya mainam na itala na agad ito pagkagising.

I-analisa kung ang panaginip ay may kaugnayan sa tunay na buhay o bungang-tulog (fantasy) lamang. Nangyari na ba o nangyayari ba sa tunay na buhay ang napaginipan mo? Ano-ano ang mga sitwasyong kinapalooban sa panaginip? Ihiwalay ang fantasy sa reality. May mga klase ng panaginip na bunga lamang nang napanood o kaya ay iniisip bago nakatulog; at may panaginip rin na bunga ng matinding emosyon at sitwasyong kinapapalooban sa waking life. I-analisa ang kaugnayan ng iyong panaginip sa mga aktuwal na nangyayari sa iyong buhay at sa mga bagay na maaaring bunga lamang ng imahinasyon o mga pangyayaring nag-sink lamang sa iyong isip bago ka nakatulog. Halimbawa, ikaw ay nanaginip ng zombie. May napanood ka ba na pelikula o nabasang nobela na patungkol sa zombie bago ka natulog o ilang araw bago iyon?  Nanaginip ka na may humahabol sa iyo. Isipin ang mga sitwasyon sa iyong waking life: may tinatakasan ka bang sitwasyon, tao o damdamin? Makatutulong ang pagiging aware sa sariling emosyon, kaisipan at aksiyon sa pagbibigay kahulugan sa panaginip.

Tingnan ang mga pattern sa panaginip. Dito makatutulong ang dream journal. Magagawa mong balikan o irebisa ang mga nagdaang panaginip at aralin ang mga bagay at pangyayari na dominant sa iyong panaginip upang maikonekta mo ito sa iyong mga nakaraan at bagong panaginip.

Ang panaginip ay personal. Ang kakayahang makapagbasa ng panaginip ay magbibigay sa iyo ng prebilehiyo upang mapaghandaan o maunawaan ang isang bagay sa iyong waking life.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.