Minsan ba ay sumagi na sa panaginip mo ang isang basag na alkansya? Kung iisipin mo, ang unang maiisip mo na kahulugan nito ay kamalasan. Lahat naman ng mga bagay na nababasag ay binibigyan natin ng hindi magandang kahulugan. Ito ay kaugnay ng mga paniniwala natin sa pamahiin tulad na lang ng basag na salamin, basag na baso , basag na frame, basag na vase at iba pa. Lahat iyan ay senyales ng isang hindi magandang pangyayari sa ating buhay o sa mga mahal natin sa buhay. Pwedeng ikaw ay malagay sa panganib o ang iyong kamag-anak na nasa malayo. Pwede rin itong maging senyales ng kamatayan. Kung sa panaginip mo makita ang mga basag na bagay na ito, ganoon din kaya ang kahulugan? Isang halimbawa na nga ang basag na alkansya. Narito ang tunay na kahulugan nito sa iyong panaginip.
Ikaw mismo ang bumasag sa alkansya
Isa itong magandang senyales. Nagpapahiwatig na sa wakas ikaw ay magkakaroon na ng isang pagpapasya kaugnay sa isang mahalagang bagay sa iyong buhay. Isang pagpapasya na dapat ay noon mo pa ginawa. At ang pahiwatig sa aksyong ito ay makakabuti para sa’yo.
Nakita mong binabasag ng iba ang alkansya
Mag-ingat sa mga taong iyong pagkakatiwalaan, maaaring ito ay senyales ng isang pagtatraydor subalit mas malamang na ito ay isang kaibigan na mag-aalis ng takip sa iyong mga mata para makita mo ang katotohanan. Maaaring ikaw ay matagal nang nagbubulagbulagan sa isang hindi magandang sitwasyon sa iyong buhay at ibang tao pa ang gagawa ng paraan para makaalis ka sa sitwasyon na ito.
Dati nang basag na alkansya
Kapag ganito naman ang napanaginipan mo na sadyang basag na ang alkansya at hindi mo alam kung sino ang may gawa nito, ito ay nangangahulugan na iiral ang iyong pagka-sensitibo. Makakaranas ka ng emotional problem sa hinaharap. Pwede itong mauwi sa depression kaya’t maging alisto ka sa mga pangyayari sa iyong buhay at sikapin na huwag magpadaig sa kalungkutan bunga ng hindi magandang senaryo.