Nakakita ka na ba ng lilac?
Ang lilac (Sci. Name: Syringa Vulgaris) ay isang uri ng dawag (bush) o mababa’t mayabong na halaman. Ang mga bulaklak nito ay nakakumpol na kulay puti, dilaw, lila, o mapusyaw na asul. Taliwas sa akala ng marami na ito ay nabubuhay lamang sa malalamig na lugar, ang lilac ay angkop rin sa mainit o humid na kapaligiran, gaya ng Pilipinas.
Isa ang halamang lilac sa pinakamagandang halamang maaaring itanim sa bakuran dahil sa magaganda nitong bulaklak.
Hindi lamang ornamental, ang lilac ay nagtataglay rin ng magical property dahil sa kakayahan nitong makapagtaboy ng mga negatibong enerhiya at entity sa paligid!
Ang lilac ay mainam pangontra sa mga ligalig na kaluluwa o espiritu na nagdudulot ng kapinsalaan at kamalasan.
Ginagamit ang halamang lilac sa pag-cleanse ng isang bahay o lugar. Hinihigop ng halamang ito ang lahat ng accumulated negative energy sa paligid na siyang sanhi ng gloominess ng isang lugar.
Sa nabanggit, mainam ang paglalagay ng sariwang bulaklak ng lilac sa loob ng bahay. Ira-radiate ng bulaklak ang positibong enerhiya sa loob ng tahanan.