Ayon sa mga physicists, napakalaki nang posibilidad na umiiral ang parallel universe, o mirror universe; at ito mismo ay nasa harapan lamang natin.
Ilang experiment na ang isinagawa upang mapatunayan ang pag-iral ng parallel universe o mirror universe. Katunayan, ang physicist mula sa Oak Ridge National Laboratoy sa Eastern Tennesse na si Leah Broussard ay nagtangkang gumawa ng portal papasok sa mirror universe.
Ayon kay Broussard, ang parallel universe ay walang iba kundi ang exact copy o mirror copy ng mga matter na makikita natin sa ating three-dimensional realm na ginagalawan. Ito ang dahilan kaya tinawag niya itong mirror universe.
Ayon pa kay Broussard, mayroon pang isang universe maliban sa universe na ating kinapapalooban. Ito ang mirror o reflection ng ating universe. Samakatuwid, anumang mayroon sa ating universe, kabilang na tayo, ay may exact copy o replica sa kabilang universe.
Hanggang ngayon ay patuloy na  pinagtatalunan ng mga grupo ng physicists ang katotohanan ng mirror universe.  Gayunpaman, isang teorya ang nagsasabi na bagama’t may exact replica ang mga bagay sa mirror universe, may pinagkakaiba pa rin ang mga kalagayan sa bawat copy ng universe. Halimbawa, ikaw ay mahirap sa universe o reality na ito. Posible na sa mirror universe, ikaw ay mayaman. Nangyayari ito sapagkat nagkakaroon ng iba’t ibang circumstances at possibilities ang bawat nilalang at matter na nasa bawat kopya ng universe. Samakatuwid, posible na hindi lamang isa ang exact copy ng ating universe, kundi marami!