Sa spiritual world, ang pananalangin o dasal ay katumbas ng Law of Attraction (manifestation technique).
Sa Law of Attraction, hinihiling mo sa universe na mag-manifest sa iyong reality ang anumang pangarap mo sa buhay.
Bagama’t simple lamang ang prinsipyo ng Law of Attraction, ito ay hindi madaling gawin. Ang kailangan lamang gawin ay hilingin ng taos sa puso ang anumang bagay na iyong ninanais, tulad ng pananalangin sa Diyos, sa religious aspect.
Sa Law of Attraction Manifestation Technique, kinakailangan mong makabuo ng wastong energy current o frequency upang ito ay umepekto.
Tandaan na anumang bagay na sobra o labis ay hindi maganda, gayundin naman kung kulang. Ganito ang challenge sa Law of Attraction Manifestation Technique. Kung ikaw ay lubhang desperado sa paghiling sa universe; o kaya naman ay may katiting na pagdududa sa iyong subconscious, mahina ang enerhiyang ipupukol mo sa universe. Asahang hindi magma-manifest sa iyong reality ang bagay na nais mo. Ito ay nakabatay sa kalidad ng enerhiyang ilalabas ng iyong kaisipan. Samakatuwid, tiyaking tama at balanse ang iyong enerhiya bago ka humiling sa universe. Humiling sa universe sa kalmadong paraan, ngunit may hindi matitinag na pananampalataya. Pakawalan sa iyong isipan ang iyong mga pangarap at hayaang ang universe na ang mag-transform nito sa realidad.
Makatutulong rin kung aalisin ang anumang energy blocks upang mag-manifest sa realidad ang iyong pangarap. g tayo ay mananalangin at hihiling sa Diyos, dapat ay maging specific tayo sa bagay na nais natin. Halimbawa, kung hangad natin ang isang love partner, sabihin natin ang kaniyang specific character, specific physical features, specific place o location at specific time at date kung kailan natin siya nais makilala. Ang prinsipyong ito ay walang pinagkaiba sa Law of Attraction. Kinakailangang maging malinaw at specific ang bagay na gusto mong i-manifest. Maging consistent sa bagay na iyong hinihiling. Makatutulong ang pagdidikit ng larawan ng mga bagay na nais mong matupad sa iyong realidad. Titigan ang mga larawang ito araw-araw. Magugulat kai sang araw, nasa harap mo na ang bagay na iyong pinapangarap.
Magtiwala na ang iyong pangarap ay matutupad. Matapos mong mahiling sa universe ang bagay na iyong nais, pakawalan na ito sa iyong isipan. Magpatuloy lamang sa iyong pang-araw-araw na gawain. Huwag maiinip. Masosopresa ka at darating na lamang ang iyong pinapangarap.
Higit sa lahat, magpasalamat. Kahit hindi pa dumarating ang bagay na iyong hinihiling, magpasalamat ka na. Sa ganitong paraan, ina-affirm mo na na magkakatotoo ang bagay na iyong hinihiling.
Walang imposible sa buhay natin. Sabi nga sa Bibliya, magkaroon ka lamang ng pananampalatayang kasing liit ng buto ng mustasa, ito ay magaganap. Pakatatandaan na ang buong universe o cosmos ay isang energy field o batis ng enerhiya. At lahat ng matter na matatagpuan sa universe, kabilang na tayong mga tao, ay isang uri ng enerhiya. Sa wastong pag-align natin ng ating enerhiya sa Source, magaganap ang lahat ng ating isipin—sa tamang panahon, pagkakataon, at kalooban.