Matagal nang ginagamit ang mga lucky herbs bilang pampaswerte. Ilan sa popular na lucky herbs ay ang bay leaf o dahon ng laurel, basil leaf, at cinnamon.
Upang hindi maubusan ng pera, maglagay lamang ng ilang piraso ng tuyong dahoon ng laurel sa iyong wallet.
Upang makagawa ka naman ng lucky coin charm, maglagay lang ng tatlong piraso ng basil leaf sa mangkok at samahan ito ng isang barya. Itapat ang mangkok sa sinag ng bilog na buwan. Kinabukasan ay kunin ang barya at itago ito sa wallet dahil ito na ang iyong lucky coin charm.
Ang paglalagay naman ng cinnamon stick sa pulang pouch ay magsisilbi ring lucky charm.
Sana ay makatulong sa inyo ang mga ito. Stay positive!